Kabanata 31

1.6M 45.2K 12.7K
                                    

Kabanata 31

Seryoso Ako

Gusto kong sabihin kay Jacob na may gusto si April sa kanya pero alam kong mali kung sakin manggagaling. Alam ko rin namang may hinala na siya sa dalawang linggong pagpaparamdam ni April sa kanya mula nung practice nila eh. Buti at tapos na nilang na perform yun sa isang school sa karatig barrio ng Alegria kaya di ko na naririnig ang mga nakakabinging hiyawan ng mga schoolmates ko kay Jacob.

Limang beses narin kaming umuupo dito sa damuhan ng Kampo Juan para gumawa ng thesis namin samantalang si April ay nasa gilid at talak nang talak kay Jacob. Gusto kong magreklamo dahil kailangan ko si Jacob sa ginagawa namin pero di ko magawa. Umiirap na lang ako sa kawalan.

"Naalala mo nung grade 6 tayo? Yung nahulog si Leo sa puno?"

Hindi ko na mabilang kung pang ilang irap ko na 'to. I get it! Crush ni April si Jacob pero hindi naman siguro makatwiran na hanggang sa paggawa namin ng thesis ay nandito parin siya.

Habang nag uusap sila ay narealize kong mahirap talaga mag work nang walang dalang laptop. Hindi ko dinala dahil akala ko ay pwedeng sa corrections at ibang aklat lang ako babase sa ngayon...

"Jacob." Naputol yung pagsasalita ni April.

Tumingin sakin si Jacob. Nakangiti pa sa kwento ni April.

"Uuwi na lang muna ako kasi kailangan ko pala ng laptop. Sa bahay na lang 'to." TUTAL WALA KA NAMANG NAGAGAWA DITO!

"Huh? O sige... ihahatid na kita." Aniya.

"Wa'g na. Mag tatricycle na lang ako." Sabi ko.

"Matagal ang tricycle dito... ihatid na kita." Tumayo siya.

Naglahad pa siya ng kamay sakin para matulungan ako sa pagtayo. Tinignan ko pa ito bago ko nilagay ang kamay ko. Nagkatinginan pa kami pagtayo ko at matagal niyang tinanggal ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nagka goosebumps ako.

"Jacob..." Tawag ni April.

"Ah!" Aniya at naglahad din siya ng kamay para matulungan si April sa pagtayo.

"Salamat!" Di na natanggal ang kamay ni April o ni Jacob.

Nag holding hands na sila patungo sa Hummer ni Jacob. Ako naman ay nasa likuran nila at umiirap ng one thousand times sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung manhid si Jacob o sadyang ganyan sila ka close. Sa ginagawa niyang ito binibigyan niya ng pag asa si April.

Pumasok sa loob ng Hummer si April. Sa front seat kaya doon ako sa likuran pumasok. Nagkatinginan kami ni Jacob bago ako pumasok at ngiting-ngiti siya sakin.

Umirap ulit ako.

Pagkapasok ko ay humalakhak siya sa driver's seat.

"Ba't ka tumatawa?" Tanong ni April.

"Wala lang." Nakangising sagot niya. Sumulyap pa siya sakin bago pinaandar ang sasakyan.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon