Joven and Jelo Part Six

86 3 0
                                    

Title: Joven and Jelo Part Six
Genre: Sports, Drama, BL

Anjelo Marasigan POV

Nakahinga ako ng maluwag ng maayos ko itong lahat sa pinagkuhaan ni Joven, Pero paglingon ko sa kanya ay may hawak pa pala syang isa.

" Uy, Akin na " Reklamo ko dito at dahil nandito ako sa sahig ay inabot ko ang CD mula sa kanya, Hindi sya nagpatinag kaya hinigit ko yung short nya at tumambad sa akin ang hubad nyang hita, nag angat ako ng tingin kaya lang mabilis syang yumuko para suotin muli ang Short na nasa paanan nya.

Dude!!!

* Tok.Tok.Tok*

Para akong nagising mula sa pagkakatulala sa nangyari kaya agad akong tumayo para silipin ng kumatok sa labas ng Dorm room ko, Patuloy pa din ang pag ulan sa labas.

" Grab Food po " Sabi ng lalaki, Kaya kinuha ko muna ang susi ko na nakalagay sa tabi ng TV ko at napatingin sa nakaupo na si Joven sa kama ko, Mamaya nalang ako magsosorry, Tsk!! Ang kulit nya kasi.

Pinagbuksan ko ang Delivery guy ng pinto, Tsaka nya inabot sa akin ang mga order ko, Sunod ay binigay ko ang saktong bayad na may Tip pang singkwenta, Dahil nagpakapagod pa syang umakyat dito para lang maidoor to door ang Order ko, Muli kong nilock ang pinto para makabalik sa Lamesa ko dito sa Dorm.

" Gutom ka na ba? " Tanong ko dito habang isa isang nilalapag sa lamesa ang mga nasa Paper bag.

" O-oo, An-anong binili mo? " Tanong nito sa akin, Inangat ko ang Lalagyan ng mcdo.

" Binilhan kita ng Chicken fillet, tsaka Sandwich " Sabi ko dito, Tumango siya at hindi malaman kung tatayo na ba sya o hindi, Pero sa huli ay maingat syang lumakad palapit habang nakahawak sa short nya.

Nakakahiya!! Parehas kaming umupo, Uminom muna ako sa Softdrink ko dahil para akong natutuyuan ng laway habang nasa pagitan namin ang awkward atmosphere, Paano ba matanggal ito??

" Ahh, Sa Kama ka na lang matulog ako na sa Sofa " Sabi ko dito habang nanguya ng kinakain ko.

" Hindi, Ako nalang sa sofa " Sabi nya, Natahimik ako kasi ayoko naman syang matulog sa sofa, Gusto ko din syang katabi kaya lang hindi ko kaya, Muli ko syang tinignan at ng mapatingin sya sa akin ay nag iwas agad ako, Para hindi halata ay uminom ako ng softdrink ko na syang nagpasamid sa akin.

" Hmm, Dahan dahan " Reaksyon ni Joven at napatingin ako sa hawak nya sa kamay ko, Oh my god!! I'm burning.

" Ahhhahah, Ayos lang " Sabi ko dito at nilunok ang nasa bibig ko, pagyuko ko ay may lumabas na softdrink sa ilong ko, Puta naman!! Bibig ang nainom hindi ang ilong Jelo!! Kumuha si Joven ng tissue tsaka lumapit sa akin para sya na ang magpunas.

" Hmmm " Reklamo ko pero hindi nya ako binitawan.

" 'wag kang magulo " Sabi nya kaya sumunod ako, Nakatitig lang ako sa kanya at sabay kaming tumingin sa labi ng isa't isa, Pumikit ako ng Maramdaman ko ang paglapit nya, Pero hindi nagtagal ay may dumikit na tissue sa nguso ko.

Nakakunot ang noo akong nagmulat at nakita ko syang nakabalik na sa kinauupuan nya, Inis kong tinanggal ang tissue sa bibig ko tsaka ito ipinasok sa paper bag na kinalalagyan ng mga basura namin.

" Tsk " Reklamo dito at inubos na yung pagkain ko.

" Okay pala itong condo mo, Pwede pa yata ilang tao tumira dito " kumento ni Joven sa Dorm ko.

" Oo, Nung una Lima yung nakadorm dito kaya lang sa laki siguro ng upa eh, Umalis hindi na nagpaalam sa may ari, Hindi na din nahabol ng may ari yung ilang buwang bayad sa upa na hindi na nabayaran " Paliwanag ko naman dito.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now