FIFTY-NINE

875 20 1
                                    

- Amor -

Paglabas ng banyo ay mukha agad ni Quirro'ng nakangiti ang sumalubong sa amin.

He wiggle his eyebrows na tila ba alam na ang aming ginawa ng kanyang kakambal.

"Stop it, Quirro," irap ko dito pero ang luko tinawanan lang ako.

Naglakad na ako patungong closet saka nagbihis.
Naabotan kong nag-uusap ang dalawa paglabas ko. Hindi ko na sila pinansin at nagtungo na sa vanity mirror upang makapag-ayos.

"Where're the kids?" tanong ko.

"They sleep already, Baby, mukhang napagod kakalangoy at kakalaro," sagot ni Quirro.

"Hindi na sila nakapaghaponan," wika ko habang sinusuklay ang buhok.

"Kumaen naman na sila no'ng naliligo kayo ni Quirro," sagot naman ni Queven.

"Ah. Okay," komento ko na lang.

Napatingin ako sa pinto noong may kumatok mula roon.
Si Queven na ang tumayo at tumungo roon upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

Pumasok si Queven kasunod si Cassandra.

"Hi," si Cassandra.

"Kaen na tayo," ngiting saad niya habang nakatingin sa akin sa salamin.

Tumango ako saka nag spray lang ng kunting pabango.
Dinaanan ko muna ang kuwartong inuukopahan ng mga anak ko para tignan sila at 'yun nga mahimbing na ang kanilang pagtulog.

Dumiretso na kami pababa at nagtungo sa malaki at mahabang mesa na kakainan namin.
Naroon na ang mga kaybigan nila at ang iba.

Si Rythe ang nag led ng prayer tudo angal naman ang iba dahil baka daw masunog sila ng wala sa oras.

"Shut up, Atlas," anas ni Rythe.

"Ikaw lang 'yung kilala kong demonyong nagdadasal," asik naman ni Atlas.

"Oh! C'mon, itong mukhang angel na 'to," irap ni Rythe.

"Hangin!" sabat naman ni Astrio.

"Tangina ka! Sasabat ka pa. Kala mo naman gwapo ka. Bakla!" taas kilay nitong asar kay Astrio.

Lahat kami ay nagtawanan ng tignan ni Astrio si Rythe ng masama.

"Nakakatakot, Bakla.. Gosh! Maduling ka sana," belat pa nito sa lalaki.

Napangisi si Astrio saka hinila si Rythe "Hoy! Hoy! Teka saan mo ko dadalhin!" angal ni Rythe.

"Diba ayaw mong mamatay ng virgin," Astrio grin.

Nanlaki ang mata ni Rythe kaya hindi niya namalayang binuhat na siya ni Atlas na parang isang sakong bigas.

"Wasak!" tatawa-tawang asar ni Ruth.

"Enjoy.." pahabol pa ni Hainna sabay nag flying kiss sa mga kaybigan.

Lahat kami hagalpak ang tawa pero si Fares? Punong-puno pa rin ng pangungulila ang mata niya.

"Hi, Fares," bati ko sa kanya. Lumingon lang siya sa akin, tumango at ngumiti. But her smile is sad. Neh hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata at parang pilit.

Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Queven sa kamay kong nakapatong sa aking hita.

"Problem?" tanong niya.

"Hindi pa rin ba siya nahahanap?" mahinang tanong ko.

"He's-" sumulyap siya kay Fares.

"He's dead," napalunok ako saka bumaling kay Fares.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon