16;

311 16 3
                                    

Xav's POV

"X-xav," Halos pabulong na sabi ng taong kasalukuyang nasa harapan namin ngayon.

"B-byunghun?" Nauutal na sambit ko sakanya. "Anong ginagawa mo dito?"

"X-xabrina tul-" Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin ng tuluyan na siyang bumagkas sa sahig.

Mabilis ko siyang nilapitan gayon din ang bts. Sinubukan ko siyang gisingin at niyugyog ng paulit-ulit pero wala pa din epekto 'yon. Sinampal ko pa ang kaliwang pisngi niya pero hindi pa din nagising.

"Anong bang nangyari? Bakit... Bakit nagkaganyan yan?!" Hysterical na tanong ni Jungkook samin.

"Kita mo nang magkakasama tayo, tatanungin mo kami?" Sagot naman ni Taehyung sakanya. Inis ko silang tinignan kaya natigil din naman sila sa wala kwentang usapan nila. Hindi ito ang tamang oras para sa kalokohan.

"May tama siya." Sabi ko ng kapain ulit ang maliit na hiwa malapit sa tigiliran niya saka ko hinawakan ang pulsuhan niya nakaramdaman ako ng ginhawa ng malamang may buhay pa siya, "Buhatin niyo siya pabalik ng dorm."

"Ano? Call an ambulance Xav! Bakit sa dorm mo siya dadalhin?"

"Artista siya. Edi nabroadcast 'to kung sa ospital mo dinala yan. Magisip ka nga." Napairap naman ako sa kaignorante nila. Hindi ba sila nag-iisip?

"Dalhin nalang natin siya sa dorm ng magumutan na." Sambit ni Yoongi.

Nagtulungan sila upang buhatin pabalik sa dorm si Byunghun. Hindi rin naman ganon kalayo ang dorm kaya madali nalang kaming nakabalik. Ano ba nangyari sakanya? Gawa na naman ba ng katangahan niya 'yon?

Pero imposibleng mangyari 'yun. Malabo. Malabo talaga.

"Ako na gagamot sakanya, idala niyo siya sa kwarto ko."

"Bakit sa kwarto mo pa? Kung pwede naman siya dito sa sofa."

"Sundin niyo nalang ang sinabi ko." Inis sa sambit ko sakanila.

Wala na silang nagawa kundi sundin nalang ang sinabi ko. Dahan-dahan nilang iniakyat si Byunghun sa kwarto ko at inihiga sa kama ko.

Anong kalokohan na naman ba ginawa mo ha?

Kinuha ko ang first aid kit na nakalagay sa cabinet ko saka kumuha ng kaunting bulak at nilagyan ng alcohol. Dahan-dahan naman akong lumapit sa tulog pa din na Byunghun hanggang ngayon.

Marahan ko pinasadahan ng bulak na may alcohol ang mga sugat niya sa mukha.

Gwapo sana 'to eh. Kaso bansot lang at lampa.

Sa totoo lang matagal ko nang alam na sinusundan ako neto kahit saan ako magpunta. Lakas maka-stalker ng datingan. Hindi ko nga alam bakit hindi siya pinagbabawalan ng manager nila eh o baka naman palihim 'tong tumatakas. Hindi talaga marunong magisip.

Pinagpatuloy ko lang ang paglagay ng gamot sa mga sugat niya at binura nalang ang mga maduming ideya na nabubuo sa isip ko.

"X-xabrina?" Utal niya. Di ko man lang namalayan na nagising na pala 'to, "Nasan ako?"

"Sa kwarto ko."

"Ano? Uh–" Gulat na tanong niya at sinubukan pang tumayo ngunit nabigo siya dahil siguro sa sakit ng katawan.

"Huwag ka ngang tumayo."

"A–anong ginagawa ko dito?" Hirap na hirap siyang magsalita akala mo naman malalagutan ng hininga.

Bad Ass DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon