04

1K 58 9
                                    

Sunud-sunod ang chats sa group chat na kasali ako. Lahat ng iyon ay tungkol sa pagiging poser ko. Ang mga tinuring kong kaibigan ay pinagkakaisahan ako ngayon. Pinagtatawanan nila ako.

Kaye: Guys, may picture na si-n-end sa akin. Ito raw ang totoong Shilo Davin.

Nagsend ng pictures si Kaye. Mga pictures ko iyon sa lumang account ko. Mayroon din akong picture ng ID ko kaya kitang-kita nila ang totoong pangalan ko. Gusto kong maglaho na lang bigla ngayon. Pinakalat nila ang pictures ko, pinagtawanan at nilait ako.

“Tama na...” Wala akong magawa kundi ang umiyak na lang.

Muling nagchat si Aleighzia sa akin. Wala na sana akong balak pang basahin o reply-an man siya pero naisip ko na kailangan kong makausap siya.

Aleighzia:

I’m sorry. I saw your pictures. Dito ka rin pala sa Pilipinas? Can we meet?

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago nagtipa ng reply sa kaniya kahit na nanginginig ang mga kamay ko.

Ako:

First, I am sorry for using your photos. Second, balak ko namang itigil, e. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Alam kong tama lang ang ginawa mo na sinabi mo ang totoo. Pero kasi, nagawa ko lang iyon dahil gusto kong magkaroon ng mga kaibigan. Gusto kong maramdaman na mahal ako ng mga tao. Maganda ka, kaya dumami ang mga naging kaibigan ko dahil akala nila ay ikaw talaga ang may-ari nitong account.

Tinigil ko muna at si-n-end ko iyon sa kaniya. Hirap man sa pagtitipa ng messages dahil sa nanginginig na kamay, nagchat ulit ako.

Ako:

Believe me, wala akong ibang intensyon. Ginamit ko lang ang pictures mo para makahanap ng mga kaibigan. Wala akong ibang kinakausap at hindi ko binibigay ang mga pictures mo sa iba. Kung anong nasa posts ko, iyon lang talaga. Hindi ko intensyon na sirain ang image mo. In fact, mas dumami pa nga ang humanga sa ’yo dahil sa ginawa ko. Mali man, at least parehas tayong nakinabang. Ang kaibahan lang, ikaw ay sa positibong paraan, ako naman ngayon ang pinagpipyestahan. Hindi ko sinasabi ’to para konsensyahin ka or what. I just want you to know my side. After this, I’ll delete this account and I promise to you, hindi na ako uulit sa ginawa ko.

Para akong nabunutan ng tinik dahil doon. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako ng gusto kong sabihin. Totoo na pagkatapos nito ay buburahin ko na ang account at mananahimik na ako. Hindi ko na siya guguluhin pa.

Aleighzia:

I’m really sorry. If you need friend, I am here. Pwede tayong maging magkaibigan. Hindi mo kailangang gumamit ng ibang mukha para lang makahanap ng kaibigan.

Pagak akong natawa sa sinabi niya. Muli akong nagtipa ng reply.

Ako:

Nakita mo naman mga pictures ko ’di ba? Nakita mo kung paano akong pinagtawanan dahil sa pangit ng itsura ko. Baka madamay ka pa sa akin. Salamat na lang. Pasensya na rin talaga.

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Nagpasya na akong magdelete ng account. Wala naman na akong mapapala pa rito kundi ang mga bash. Ang sakit lang kasi akala ko tinuring din nila akong kaibigan. It turns out that beauty is more important to them. Physical appearance always win than attitude.

Kung pangit ka, hindi ka nila i-ta-trato ng maayos. Kung maganda ka, halos sambahin ka na nila. Kapag maganda ka, mapapansin ka ng lahat. Kapag pangit ka, kahit isang pansin hindi nila magagawa. Kapag pangit ka at may mali kang nagawa kahit na maganda pa ang intensyon mo, ikaw pa rin ang kawawa. Pagtatawanan, lalaitin at mas lalo ka pang ibababa.

“Oh? Bakit naman parang Biyernes Santo ang mukha mo?” bungad na sabi ni Tita kinabukasan paglabas ko ng kwarto.

Sabado ngayon. Wala akong maisip na pwedeng gawin. Ang gusto ko lang ay magmukmok sa kwarto ko. Lumabas lang ako ngayon para kumain at para na rin i-check si Tita kung ayos lang ba siya. Pero mukhang ako ang dapat niyang i-check kung ayos lang ba ako.

“Umiyak ka? Namamaga ang mata mo,” sabi niya pa. Bumakas ang pag-aalala sa tono niya.

Iniwas ko ang tingin ko at dumiretso ako sa kusina para kumuha ng pwedeng kainin. Wala akong gana. Siguro ay cereals and milk na lang ako ngayong breakfast.

“Tita, ayaw ko na sa sarili ko,” naiiyak kong sabi.

Agad lumapit si Tita sa akin. Naupo siya sa high chair at kaharap niya ako ngayon. Inaabala ko ang sarili ko para sa breakfast ko pero ramdam ko ang titig ni Tita sa akin.

“Bakit? May problema ba?” maamo niyang tanong.

Mas lalo lang akong naiiyak. Bakit nga ba hinahanap ko sa ibang tao ang pagmamahal na gusto ko? Kusa namang binibigay ni Tita sa akin iyon. Mahal niya ako higit pa bilang pamangkin. Tinuturing niya na akong parang anak niya. Mas naging ina ko pa nga siya kumpara sa totoo kong ina.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at naupo na rin sa high chair. Magkatapat kami ngayon dahil nandito kaming dalawa sa island counter.

“Months ago, I created facebook account. Hindi ko pictures ang ginamit ko. I stole someone’s pictures and I use that. Naging poser ako, Tita.”

Napayuko ako. Naghihintay ako na pagalitan niya ako tungkol sa ginawa kong iyon. Pero wala akong narinig sa kaniya kaya nag-angat ako ulit ng ulo at tiningnan siya.

“Anong nangyari pagkatapos?” tanong niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naiiyak ako dahil sa rahan ng pagtatanong niya. Pakiramdam ko ay naiintindihan niya ang kalagayan ko.

“Kagabi, nalaman na nung mga kaibigan ko ang totoo. And they bashed me. Lahat ng tinuring kong kaibigan sa account na ’yon ay pinagtulungan ako,” sagot ko.

Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Naramdaman ko ang agarang pagpunas ni Tita sa pisngi ko.

“Ibig sabihin lang no’n ay hindi sila naging totoo sa ’yo. Naging kaibigan ka nila dahil sa mukha na ginamit mo. Hindi nila na-appreciate ang kabaitan mo, kung paano ka makitungo sa kanila,” paliwanag niya naman.

Muli lang tumulo ang luha ko.

“Tita, gusto ko lang namang maramdaman kung paanong mahalin ng mga tao. All my life I never experience being loved by my own mother. Kahit anong pilit ko, hindi niya ako matanggap. Akala ko kasi kaya akong mahalin ng ibang tao. Akala ko iba sila kay Mommy,” umiiyak ko nang sabi.

Hinawakan ni Tita ang kamay ko. Hinayaan niya akong umiyak sa harapan niya. Hinahagod niya ang likod ko para pakalmahin ako.

“I am here, anak. Tamara, pamangkin kita at parang anak na rin. Mahal kita. Hindi ko ba iyon naiparamdam nang maayos sa ’yo? Alam kong gusto mo ring maramdaman sa ibang tao iyon, pero nasasaktan ka naman sa nangyayari. Tamara, mahal kita, okay? Pwede bang maging enough na ang pagmamahal ko sa ’yo? You don’t need to please everyone. Hindi mo kailangang ipilit  ang sarili mo sa kanila,” sabi niya.

Dahan-dahan akong tumango. I’ve learn my lesson. Sa nangyari kagabi, tanggap ko nang hindi ako gusto ng lahat. Na kahit gaano man kabuti ang ipakita ko sa kanila, pisikal na anyo pa rin ang nakikita nila. Sanay na ako sa gano’n, sinanay na ako ng Mommy ko sa gano’n.

“I’m sorry, Tita. And, thank you so much.”

Ramdam ko namang mahal niya ako. Masyado lang akong naghangad sa pagmamahal ng ibang tao. Pero ngayon, mas gusto kong ituon na lang ang atensyon ko sa sarili ko. Ano man ang opinyon nila tungkol sa akin ay wala na akong pakielam.

To be continued. . .

Stolen Beauty (Pride Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon