CHAPTER 7

215 10 1
                                    

I was always a healthy kid.

Minsan lang ako magkasakit kaya naman kung may mali sa akin, sa katawan ko, ay nalalalaman ko agad iyon. Masyado rin akong maingat sa lahat nang kinakain at ginagawa ko kaya naman ay bihira lang talaga akong magkasakit.

I can endure pain, too. Siguro dahil sa nangyari kay mommy, mas naging manhid ako sa kahit anong sakit. Wala na kasing mas masakit pa sa pagkamatay ng aking ina. But... but not this time. Not the kind of pain I'm feeling right now. Physical pain. Ni minsan ay hindi ko naisip na mababaril ako. Palagi kasi akong may mga kasamang bodyguard noon at alam kong mahigpit ang pagbabantay at pagprotekta nila sa akin. This is all new to me! This pain... hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kayang tiisin.

Gusto kong magmura at sumigaw dahil sa tindi ng sakit na nanunuot ngayon sa buong katawan ko. Gusto kong gumalaw ngunit mukhang paghinga na lamang ang kaya kong gawin ngayon. Nanatili akong tahimik at nakapikit habang pinapakiramdaman ang paligid.

I remembered what happen to me before I passed out. Nasa safehouse ako ng pamilya ni Lorenzo. Mag-isa lang ako at umalis ang magkaibigan. Then... Samiel came. Tumakas ako mula sa kanya at bago pa ako tuluyang makalayo sa safehouse nila Lorenzo, nabaril ako.

Eleanor.

Siya ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay. Siya ang bumaril sa akin. Siya rin ang may pakana nitong lahat. Itong gulong ito... siya ang puno't-dulo nito.

"Wala pa rin bang malay ang batang iyan?" Napamura na lamang ako sa isipan noong marinig ang boses ni Samiel. Oh my God! They really got me! "Aalis na lang muna ako. Call me when she's awake. Hinihintay na rin kasi ni Eleanor na magkamalay ang anak-anakan niya."

"Yes, sir."

Damn you both!

Ano pa ba ang nais nila sa akin? Papakasalan naman ni daddy ang babaeng iyon kahit na anong sabihin ko! Kahit na siraan ko pa ito nang paulit-ulit, still, my father will marry that woman! He loves her blindly na kahit ako ay hindi niya magawang paniwalaan! Kaya naman bakit kailangang gawin pa nila ito sa akin?

Sobrang tahimik ng paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako at dahil siguro sa hindi maganda ang pakiramdam ko, nakatulog akong muli. Hinayaan ko na lamang ang sakit sa katawan. Wala na rin naman akong magagawa. I can't move an inch. Pahihirapan ko lang ang sarili ko kung susubukan kong gumalaw. Mas mabuti na siguro ito. I need to rest my body. At kapag kaya ko na, tsaka na lamang siguro ako susubok na bumangon at umalis sa kung saan ako dinala nila Eleanor at Samiel.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. It was a peaceful sleep for me. Walang ingay ang bumalabog sa akin ngunit naalimpungatan ako mula sa mapayapang pagkakatulog noong tila may bumuhat sa akin mula sa matigas na bagay na kanina ko pa hinihigaan. Naalarma bigla ako sa mga nangyayari.

What the hell is happening? Damn!

Nanatili akong nakapikit at nagpanggap na tulog pa rin. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil na sa paglalakad ang kung sinong bumubuhat sa akin at dahan-dahang inilapag sa isang malambot na higaan. Gusto kong imulat ang mga mata ko. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari pero dahil sa takot, mas minabuti kong magpanggap na lamang na walang malay. Siguro naman ay aalis na rin itong taong ito. I stayed silent. Ngunit hindi iyon nagtagal.

Isang mainit na palad ang dumapo sa may tiyan ko. Agad kong iminulat ang mga mata at galit na tiningnan ang humawak sa akin. Gamit ang lakas na mayroon ako, agad kong inalis ang kamay nito sa tiyan ko at mabilis na naupo mula sa pagkakahiga.

"Get away from me," mariing sambit ko habang masamang nakatingin sa lalaki. Tahimik lang itong nakatingin sa akin at mayamaya lang ay umayos ito nang pagkakatayo. He looked at me like a hawk. Hindi ito nagsalita at matamang tiningnan lamang ako. "Who are you?" He stayed silent. Namulsa lang ito habang walang buhay na tinitigan ako. "Answer me!" sigaw ko sa harapan niya.

The Beauty's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon