Special Chapter: Friendship Over
Unang araw para sa pasukan bilang isang ganap na highschool student si Lisianthus. Kabadong-kabado siya lalo na't ibang environment ang kaniyang bagong tatahakin. Sa isang pribadong paaralan, hindi masyadong malayo sa kanilang tahanan. Bagkus maaari pa ngang lakarin.
Wala siyang ibang planong nakatatak sa kaniyang utak. Kumpara sa ibang estyudante na nakikita niya na mabilis makakita ng mga kaibigan. Samantalang siya nanatili siyang tahimik. Hindi niya alam kung paano ba makihakubilo, dahil halos buong pagkabata niya ay malayo ang loob niya sa mga kaedaran niya. Sa kaalamang, pinapalayo siya ng mga magulang ng kaklase niya sa kaniya dahil anak siya ng isang pinaniniwalaang kriminal.
Wala namang sapat na ebidensya, subalit dahil mahirap sila. Wala silang kakayahan upang ipaglaban ang nararapat. Subukan man nila, ngunit anong magagawa nila kung pilit nakapikit ngunit bukas palad naman sa pagtanggap ng salapi upang matakpan ang katotohanan?
Sa buong buhay niya. Wala siyang naturingang kaibigan. Palagi siyang mag-isa. Kaya tila nangangapa siya sa dilim kung paano nga ba makatatagpo ng kaibigan? Kaibigan kung saan tanggap kung sino siya.
"Ayos ka lang ba?"
Wala na ang mga kaklase niya sa classroom, dahil recess. Halos mag-iisang buwan na rin mula magsimula ang klase, pero heto siya't nag-iisa pa rin.
Umangat ang paningin niya sa kaklase niyang kunot ang noo. Marcus, ang PIO sa klase nila. Kilala niya ito bilang isa ito sa maiingay sa klase. Palagi rin itong tumutulong sa mga guro para bumuhat ng gamit.
Wala ang mga kaklase nila, kaya sila ang natira sa apat na sulok na ito.
Namimilipit sa sakit si Lisianthus sa kaniyang puson, hudyat na mayroon siyang dalaw ngayong buwan.
Hindi niya pinansin ang binata, bagkus umalis siya sa kinauupuan niya upang takasan ito. Hindi niya talaga alam kung paano makipag-usap. Nahihiya rin kasi talaga siya.
"Teka!" Napahinto si Lisianthus nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa kaniyang pulso. Halos magkasingtangkad lang sila, dahil na rin siguro parehas pa silang nasa trese anyos.
Bakas sa mata ng lalaki ang pag-aligaga—na may halong kaba, at pag-aalala? Masyado rin kasing halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, lalo na't ngayon niya lang natitigan ang mata ng kaniyang kaklase na palaging nilalayo ang loob sa kanila.
Inalis niya ang kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya. Masyado siyang nakukuryoso kung bakit nga ba siya kinakabahan? Samantalang hindi naman terror na teacher ang kaharap niya. Maamo ang mukha ng dalaga, kaya bakit ba siya kinakabahan?
Pumekeng ubo siya at nakaramdam ng pag-init sa kaniyang pisngi. Hindi niya alam kung paano sasabihin. Subalit "normal lang naman ang magkaroon ng menstruation!" Isip-isip niya. May nakababata siyang kapatid na babae, na paniguradong pagdadanan din ito.
"May tagos ka." Mahinahong sambit niya. Pansin naman niya ang pamumula ng mukha ng kaklase niya.
Parang maiiyak pa nga yata si Lisianthus dala ng kahihiyan.
"Pero donchuwori! Ako bahala, balik ka muna sa upuan mo." He assisted his classmate to go back to her seat.
Hiyang-hiya na si Lissy. Mas lalong hindi niya na alam ang iaakto ngayon! Kumagat siya sa ibabang labi. Nag-ooverthink siya kung ano ang nasa isipan ni Marcus.
Hinuhusgahan niya na kaya ito? Sa pagkakaobserba pa naman niya sa lalaki. Masyado itong mapang-arar at maingay. Baka ipagkalat niya ang tagos niya! Nawala na yata ang sakit ss bandang puson niya dahil sa pag-iisip niya.
BINABASA MO ANG
Lost, Lose (Loose Trilogy #1) under-editing
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) Two high school students from different academic tracks, one from Humanities and Social Sciences (HumSS) and the other from Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), are united by tragic pasts that cont...
