13

925 38 2
                                    

I woke up late than the usual. Nakapagluto na si Leigh at nakapag-ayos na rin ng sarili nang maabutan ko.

“Good morning!” bati niya sa akin.

Lumapit siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Hindi pa ako nakakapagtoothbrush!

“I’ll wait here. Sabay tayong magbreakfast,” aniya pa.

Dumiretso na ako sa cr. Inabala ko ang sarili ko sa paghihilamos at pagtotoothbrush. May narinig akong nag-uusap sa labas. Sino naman kaya ang kausap ni Leigh?

“Good morning, Tamshi!” bati ni Sibyl sa akin.

May dala siyang tasa. Parehas silang nakatingin sa akin ni Leigh ngayon. Si Sibyl ay todo ang ngiti at si Leigh naman ay nakataas ang kilay sa akin ngayon.

“Good morning, Sib,” bati ko pabalik.

Lumapit ako kay Leigh at hinalikan ito sa pisngi saka bumulong din ng pagbati ko sa kaniya.

“Akala ko mag-isa ka lang. May kasama ka pala ngayon,” sabi ni Sibyl at tumingin kay Leigh.

“Dito siya natulog kagabi. Ano ’yang dala mo?” tanong ko naman.

Saka niya lang napansin na may hawak nga pala siya. Binaba niya iyon sa lamesa at muling bumaling sa amin ni Leigh.

“Tsaa ’yon. Ipapatikim ko lang sa ’yo. Kung magugustuhan mo ay marami pa sa amin,” sagot niya.

Tumango ako. “Thanks.”

“Mauna na ako. Nice to meet you, Aleighzia,” paalam ni Sibyl.

Nang makaalis siya ay binalingan ako ni Leigh na nanatiling nakasimangot.

“Hindi mo sinabi na may kapitbahay kang babae na maganda at sexy,” aniya.

Natawa naman ako. “Kaibigan ko lang ’yon. In-approach ako nung unang araw ko rito. Selos ka ba?” pang-asar kong tanong.

Umiling siya agad. “No. Alam ko namang wala kang interes sa kaniya,” sagot niya naman.

Humigpit ang kapit ko sa bewang niya. Hinapit ko siya palapit sa akin. Naiiwas niya ang tingin at bahagyang namula.

“Ikaw lang naman nakakuha ng interes ko,” mahinang sabi ko.

Bahagya niya akong tinulak. “Kumain na nga lang tayo,” aniya.

Uuwi rin siya ngayong araw sa Batangas. Ang sabi niya ay next weekend pa ulit kami magkikita or depende pa raw kung may project siya no’n o wala.

Nang matapos kumain ay nagpahinga lang siya saglit at nagpasya na ring bumalik sa tinuluyan niya rito sa Manila. Ihahatid ko sana siya pero hindi naman na siya pumayag dahil maaabala pa raw ako. Wala naman akong masyadong gagawin ngayon kundi ang maglinis at tawagan si Aldrin at Tita.

“Hello, Tita.”

Last week pa ang huling pag-uusap namin ni Tita. Minsan ko lang siyang ma-update dahil busy rin naman siya sa trabaho niya.

[“Kumusta ka naman?”] tanong niya agad.

Inuna ko ang pagtawag sa kaniya kaysa ang maglinis. Nahiga na muna ako habang kausap siya. After niya ay si Aldrin naman ang tatawagan ko.

Sinabihan ako ni Tita tungkol sa mga requirements ko for school at ang mga kailangan ko pang iba ay sabihin ko raw sa kaniya.

“Okay, Tita. Take care!” I ended the call.

Si Aldrin naman ang tinawagan ko pero walang sumasagot. Abala siguro siya kaya hindi ko na lang din ginulo pa. Mamaya ko na lang ulit susubukan na tawagan siya.

Stolen Beauty (Pride Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon