[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES

4.3K 223 18
                                    

A S H E

"Congratulations folks. You are now in FWO'S Second Phase and that is... The world of Swords." sabi ng GM.

Wow. Para akong nabalik sa medieval period. Alam ko ang lugar kasi pinag-aralan namin ito sa school. Hindi ko inakala na mararanasan ko 'yung mga napapanood ko lang sa tv at nababasa ko lang sa mga libro.

Nakakakilabot!

"Welcome folks to another world of FWO!" 'yan na ang huling sinabi ng GM.

Napakaganda! What do you expect naman diba? Kung maganda na nga sa WOM, paano pa kaya dito?

Rinig na rinig mo ang mga huni ng ibon. Ang malakas na pag-agos ng dagat at ang malamig na pagdampi ng hangin sa balat mo. Napakasarap sa pakiramdam. Napakapayapa. Hindi mo iisipin na nasa peligro ka which is 'yun ang naman katotohanan. Lumalaban ka para mabuhay.

Nilibot ko ang paningin ko. Pinagmasdan ko ang mga player na kasama kong nakaligtas. 'Yung iba natutuwa at 'yung iba naman ay hindi. Nakakalungkot lang isipin na ang mga pamilyang naiwan namin sa totoong mundo, walang ka-alam-alam kung magiging maayos ba kami. Lalo na ang mga pamilyang hindi nila alam na patay na pala ang kamag-anak nila.

Ngayong nasa panibagong yugto na kami, panibagong mundo na kailangan naming harapin at malagpasan ulit.

Natigil nalang ako sa pag-iisip nang bigla kong maalaa si Yume. Wala siya sa tabi ko ngayon. Nakakapagtaka. Nasaan na siya?

Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Napansin ko din na wala na akong makitang ibang mga familiar.

Saan sila napunta? Naiwan kaya sila sa WOM? Nagsisimula na akong malungkot. Hindi kasi imposible ang mga naiisip ko.

Maya-maya, nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Pagkatingin ko, si Kiro ang nandoon.

"Ah, Kiro." sabi ko.

"Kanina pa kita hinahanap eh. Akala ko naiwan ka na sa WOM." sabi niya. Bakit naman ako maiiwan eh nakaligtas ako?

"Nakaligtas tayo, Kiro. Hindi ako makapaniwala." sambit ko.

"Kahit ako din. Ang galing mo nga eh, pinahanga mo ako. Iyon ang gusto kong makita sa'yo." sabi niya.

"I couldn't have done it without you." sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako.

"Siya nga pala... nakita mo ba si Yume?" tanong ko. Nakita ko na biglang lumungkot ang mukha niya.

"No... kahit si Yuri hindi ko rin makita." sabi niya.

"Posible kayang... naiwan sila sa WOM?" nag-aalala kong tanong.

"I'm not sure. Pero isa lang ang naiisip ko." sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Kagaya nga ng narinig natin kanina, nasa panibagong mundo na tayo. Nasa world of swords. I think that... we can no longer see them kasi hindi na sila pwede dito. Sabi nga nila, kaya sila nag-exist sa WOM ay para maging sandata natin." napayuko ako. Nalulungkot ako ng sobra-sobra. Part na ng buhay ko si Yume eh.

"Isa lang ang ibig sabihin nito. This time, we will have to fight on our own." sabi niya.

Nangingilid na ang luha ko. Eto na ang sinasabi ni Yume na mawawala rin sila pagdating ng araw. Kaya pala sinasabi niya na wag ko siyang kakalimutan.

"Alam ko na naging parte na siya ng buhay mo. Ganun din ako kay Yuri. Pero kailangan nating tanggapin." sabi niya.

Pa'no ko tatanggapin? Hindi naman ganun kadali 'yun. Para akong hinugutan ng napakalaking lakas ng loob.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon