CHAPTER 20:PLAYING SAFE

52.1K 1.1K 225
                                    

Happy 1million reads sa Sa Mata ng mga Single at Labyrinth Academy(season 1). Yihehehehe dahil masaya ako, mag uupdate ako. Tsaka dahil nakabili na ako ng I Got a Boy Cd. Whiheheheh okay, titigil na ako. Enjoy reading guys!

 

CHAPTER 20:PLAYING SAFE

DANGER

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang araw na hindi ko siya nakitang halos malapit ng mamatay.

''Lakasan mo yung loob mo Twaylem, walang bibitiw..'' hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang may iniinject sila, spinal tap procedure daw ang tawag dun.  Ramdam na ramdam ko sa bawat pag higpit ng hawak niya sa kamay ko kung gaano kasakit ang bawat pag tusok nila ng karayom sa balat at buto niya.

Pero nung tinanong ko siya kung nasaktan ba siya, ang sinabi niya hindi. Nakiliti pa daw ito. Kaya lang medyo kinabahan daw siya…

''Makakatulog na siya pagkatapos. Makakamdam siya ng sakit ng ulo at kaunting pamamanhid.. Kailangan niyang magpahinga, Kung may problema sa pasyente alam niyo na kung saan ako hahanapin.'' pagkatapos nun umalis na yung iba pang doctor at mga nurse.

Habang nakikita ko itong nakapikit, kitang kita pa rin sa mukha at mga luha niya na hindi niya na kaya.

''Lalaban ka.. Kaya mo yan..''

***

Lumabas muna ako ng hospital dahil kailangan kong pumasok. May plina-plano daw kase sina Donald para kay Twaylem.

''Woah, anong meron??'' nadatnan ko kaseng nag di-distribute ng textbooks si Donald at iba pa.

''Nabanggit kase sa akin ni Fifi date na gusto niya na maging normal na eskwelan ang Labyrinth Academy. Kaya heto, tinutupad namin yung gusto niya..'' malungkot na sabi ni Donald.

''Excuse me, I beleive ito ang Black Section'' pagtingin ko sa likod may teacher.

''Teka nga.. Si---''

''Ito yung pinapangarap ni Fifi.. Na maging normal na estudyante tayo. Gagawin namin to para sakanya, para gumaling na siya.'' tumingin ako sa mga classmates namin..

''Magugustuhan niya nga to.'' umupo na ako sa upuan ako.

''Our lesson for today... Blah.. Bla.. Bla....''

Twaylem, kailangan mong magpagaling para makita mo to. Unti-unti na kaming nag babago.. Pero masaya, kung kasama ka..

Kapit ka lang ha?

After 2 days..

TWAYLEM

Si kuya Uno ang naghatid sa akin sa L.A, siyempre excited ako dahil after 3months papasok na ulit ako. Medyo nahihilo pa ako pero kaya ko to. Kailangan ko ring magpapawis…

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon