Kabanata 32

1.6M 43.9K 21.9K
                                    

Kabanata 32

First and Last Love

Engrande ang bahay nila. Parang walang touch ng makabagong teknolohiya. Puno ng magagarbong antiques. Pero nang tinignan ko nang mabuti may nakatayo palang mga aircon sa gilid. Slide up din yung ibang windows. Yung sala nila ay may carpet na kulay maroon. Nang idinaan ko ang palad ko sa table nila, wala talaga akong nahagilap na alikabok.

"Saan si papa?" Tanong ni Jacob.

Napalingon ako. Nakita ko ang tatlong naka unipormeng maid sa harapan niya. Really? Marami naman akong kilalang mayaman pero hindi ganito katindi. Mayaman sina Callix pero hindi ganito katindi na kinailangan pang mag uniporme ng maid nila.

"Nasa office niya." Sagot nung pinakabatang maid sa tatlo.

Tumango si Jacob at tumingin sakin.

"Lika, pakilala kita."

Tinignan ko talaga ang reaksyon ng tatlo. Nagkatinginan sila at parehong laglag ang panga. Hindi naman siguro ito yung first time na nagdala si Jacob dito ng babae diba? Syempre si April o kahit si Eunice napunta na dito, diba?

"Nakapunta na ba dito sa Eunice?" Tanong ko habang sinusundan ko siya paakyat ng engrandeng hagdanan.

"Hmm. Oo."

"Ah... Si April?"

"Oo din. Bakit?"

"Wala lang."

Okay, nothing special. Bakit parang nag expect ako dun na ako lang kahit obvious naman na hindi pwedeng ganun?!

Napalunok ako nang nakarating kami sa second floor ng bahay nila. Kung engrande ang walang hiyang first floor, laglag talaga pati ngipin ko sa second floor. May lifesize na painting ang mama at papa ni Jacob. Sobrang ganda ng mama niya at sobrang gwapo ng papa niya.

"Namatay si mama nung seven years old pa lang ako." Aniya nang nakita akong nakatitig sa painting.

"Bakit?" Tanong ko.

"Car crash." Napalunok siya. "Kasama ako sa car crash, pinrotektahan niya ako kaya namatay siya."

"Sorry." Sabi ko nang nakita kong halos matulala na siya.

Ngumiti siya, "Matagal na yun."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para makapaglakad ulit. Grabe, di ko makayanan ang lapit namin sa isa't-isa. Kamay lang namin yung magkahawak pero naghuhuramentado na ako. Di ko na matanggal ang tingin ko sa kamay naming dalawa. Naisip ko tuloy na sana wa'g niya ng bitiwan. Sana totohanan na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero parang eto na talaga... para akong nagsimulang mabuhay nang nakilala ko siya.

Kahit na alam ko namang di pa tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang gusto ko talagang mangyari saming dalawa hindi ko parin matanggihan ang mga ganito. OMG! Sana totohanan na 'to! Ipapakilala niya ako sa papa niya diba? Kinakabahan na ako! Paano kung di niya ako magugustuhan?

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon