18

766 32 2
                                    

Ang sarap ng tulog ko. Mas lalo kong niyakap si Leigh. Ayaw ko pang bumangon, mas gusto kong ganito lang kami.

“Morning, baby. Let’s get up now,” namamaos niya pang sabi sa akin.

Mas sinubsob ko lang ang sarili ko sa kaniya. Ang natural na amoy niya ay sobrang bango, nakakaadik.

“Tamara, come on. My parents are waiting downstairs,” muling sabi niya.

Saka lang nag-sink in sa akin na nandito nga pala ako sa kanila. Nakakahiya naman kung paghintayin namin sila.

“Good morning,” namamaos ko ring bati sa kaniya.

Mabilis kong dinampian ng halik ang labi niya. Sa lambot no’n, inulit ko ulit dahil nakakaadik ang labi niya. Natatawa siyang pinigilan na ako.

“Let’s go,” aya niya.

Bumangon na kami. Nakakatamad pang kumilos. It’s eight in the morning, I am still sleepy. Pero sinikap ko pa ring mag-asikaso ng sarili ko. I change my clothes, too. Haharap ako sa magulang niya, kailangan maayos tingnan.

“Good morning po,” bati ko.

Magkasabay kami ni Leigh. Nagmano ako sa parents niya. Pinaghila ko na rin ng upuan si Leigh. Nakikita kong nagmamasid sa amin ang magulang niya.

“What’s your plan today, ladies?” tanong ni Tita.

Inaayos ko ang pagkain sa plato ni Leigh. Nagkatinginan kami dahil sa naging tanong ni Tita sa amin.

“We’re planning to go to resort po, Tita. Okay lang po ba kung bukas na kami umuwi?” tanong ko.

Nakapagpa-reserve na rin kasi ako sa resort na ’yon. Planado ko na lahat para sa araw na ’to. Bukas ng tanghali ang out namin para hindi rin ako masyadong gabihin pauwi sa Manila pagkatapos.

“Sure. Nasabi mo naman na sa akin ang tungkol sa araw na ’to,” nakangiting sabi ni Tita sa akin.

Ngumiti rin ako kay Tita. “Thank you po,” magalang kong tugon.

Tahimik kami habang kumakain ng almusal. Mag-aayos pa kami ng gamit mamaya. Hindi ko nasabihan si Leigh sa plano ko ngayong araw kaya for sure nabigla rin siya sa sagot ko sa Mommy niya kanina.

“Hindi ko alam na may plano kang ganiyan,” sabi niya pagpasok namin sa kwarto niya.

Naupo ako sa kama. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin. Natawa na lang ako dahil wala talaga siyang idea tungkol dito.

“Surprise nga, e. Hindi na magiging surprise kung sasabihan kita,” sabi ko naman.

Tumalim ang tingin niya sa akin. Nagmartsa siya papunta sa closet para mag-ayos na ng mga dadalhing gamit niya. Pinanonood ko lang siya sa bawat kilos niya.

“Want help?” tanong ko.

Umiling agad siya. “No need. Mag-ayos ka na rin ng gamit mo para makaalis na tayo,” sabi niya naman.

Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Inaayos niya na sa bag niya ang mga gamit niya. Nang makalapit ako ay agad kong pinulupot ang braso ko sa baywang niya.

“Happy seventh monthsary, baby,” malambing kong bulong sa kaniya.

Natigil naman siya sa ginagawa at bumaling sa akin. Nagtama ang ilong naming dalawa dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa.

“Happy monthsary,” bati niya rin.

Siya na ang naglapit ng labi niya sa akin. Ang plano niyang mabilis lang na halik ay pinatagal ko ng ilang minuto. Habol ang hininga nang bitawan ko ang labi niya.

“Hindi tayo makakaalis kapag hindi ka pa nag-ayos ng gamit mo,” aniya.

I smirked.

“Okay, baby. I’ll pack my things, too,” sabi ko sa bandang tainga niya.

Hindi talaga kami makakaalis kapag nanatili pa ako rito sa tabi niya. Nang-aakit ang mapula at malambot na labi niya. Kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko, for sure sosobra na naman kami.

Nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Hindi naman sobrang dami ang dala kong gamit dito. Sa isang bag ko nakalagay ang mga gamit na dadalhin ko sa resort. Sa isang bag naman ang iba ko pang gamit na maiiwan dito kila Leigh at babalikan ko na lang bukas bago ako umalis pauwi sa Manila.

“Enjoy your day, ladies!” sabi ni Tita.

Ihahatid kami nung driver nila. May lakad din sila Tita ngayon. Binigay pa ni Tito ang card niya kay Leigh, in case raw na may gusto kaming bilhin or puntahan pa.

“Thanks, Tita. Alis na po kami, Tito!” paalam ko sa kanila.

Pinauna kong pumasok si Leigh sa kotse. Kumaway sa amin ang magulang niya nang makapasok na rin ako. Nang makaalis kami ay ti-n-ext ko na ang manager nung resort para sabihan na papunta na kami ro’n.

“I’m excited. Gusto kong magswimming!” sabi ni Leigh.

Hinawakan ko ang kamay niya. Tinago ko na rin ang phone ko pagkatapos kong magtext. Wala naman na akong ibang gagawin doon, kasama ko naman na si Leigh.

“We will swim later,” sabi ko naman.

Hindi malayo ang resort kaya nakarating naman din kami kaagad. Sobrang excited na talaga siya dahil pagkahinto pa lang ng sasakyan ay gusto niya nang bumaba agad.

“Oh My Gosh! Tayo lang ba ang tao rito?” tanong niya.

Napangisi ako nang balingan niya. Nakaawang ang bibig niya sa gulat. Kaming dalawa lang sa buong resort na ’to. Hindi ’to sobrang laki, sakto lang para sa isang pamilya siguro. Hindi naman namin kailangan ni Leigh ng malaking resort para sa monthsary namin.

“Dito na lang, Kuya. Ako na ang bahalang mag-ayos,” sabi ko sa driver na tumulong sa akin sa pagbaba ng gamit namin ni Leigh.

Kumpleto naman ang mga kailangan namin dito sa resort. Inasikaso ko na lahat ng iyon bago pa ako pumunta rito sa Batangas. Nakahanda na ang mga pagkain.

“Kumain muna tayo or swimming na?” tanong ko kay Leigh.

Bumaling siya sa akin. Lumapit at tumulong na buhatin ang mga gamit namin.

“Swimming tayo. Gusto ko nang magswimming!” sagot niya naman.

Nilagay na namin ang mga gamit namin sa kwarto. Nagbihis na rin para makapagswimming. She’s wearing black two piece bikini. She’s a model kaya hindi na nakakagulat ang ganda ng katawan niya.

“Mabuti na lang talaga naisipan kong solohin natin ang resort,” sabi ko at pinulupot ang kamay ko sa baywang niya.

“Solo rin kita,” malambing niya pang sabi.

Binigyan ko siya ng isang halik pero matagal. Nagbihis na rin ako. Dark blue two piece naman ang sa akin. Tinali ko ang buhok ko para walang sagabal sa mukha ko. Si Leigh ay may ilang takas na buhok dahil hindi maayos ang pagkaka-bun niya rito.

“Swimming na tayo,” aya niya.

Lumabas na kami dahil sobrang excited na talaga siyang magswimming. Lumubog agad sa pool at parang batang tuwang-tuwa. Her happiness means a lot to me. Gusto kong masaya siya palagi dahil iyon din ang nakapagpapasaya sa akin.

“I love you,” nasabi ko na lang bigla.

Malawak ang ngiti niya sa akin. Parehas kaming nakalubog sa tubig at tanging ang ulo lang ang hindi.

“Mahal kita,” sabi niya.

Iba pala ang epekto kapag tagalog ang ginamit na salita. Sobrang damang dama iyon. Parang natutunaw ang puso ko. Sobrang sarap sa pakiramdam.


To be continued. . .

Stolen Beauty (Pride Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon