Kabanata 33

1.6M 44.1K 15.8K
                                    

Kabanata 33

Gusto ko!

"Napaka imoral mo talaga, Jacob!" Sabay sapak ko sa braso niya.

Binitiwan ko ang kamay niya. Tumawa siya.

"Ito naman! Wala naman tayong gagawin dito! May desktop at laptop ako sa loob kaya dito tayo pupunta ano!" Aniya at binuksan agad yung kwarto.

Naaninaw ko agad sa loob ang pagkalaki-laking kwarto niya. Una kong nakita ang isang malaking flatscreen TV sa harap ng sala set. May sala set talaga sa kwarto huh? Katabi nito ay isang itim na carpet kung saan nakalatag ang tatlong klase ng gitara, malalaking speakers, drum set, organ, mic stand. Sa unahan pa nito ay isang glass sliding door sa isang balcony na tanaw ang mga bukid ng Alegria. Sa kabilang side naman ng sala ay may queen size na kama at may desktop, computer at iPad sa tabi.

YES, THE FILTHY RICH KID'S ROOM!

Nakangisi siya nang nakita ang pagkamangha ko sa kwaro niya. Nakaupo na siya sa kama niya at dala ang isang guitar.

"Ganda no?" Ngumiti pa siya lalo.

Na self conscious tuloy ako bigla. Sino ang maganda, ako? Hay, Rosie! Awat na ako sayo! Inayos ko pa talaga ang buhok ko bago ko sinagot.

"Oo." Napalunok ako.

"Ayan na ang computer." Sabay turo niya sa desktop. "Saan na ba tayo sa Chapter 3?"

"Uh... Hindi pa tayo tapos sa Chapter 2." Sabi ko at kinakalma ang sarili.

"Ako na lang ang dadagdag sa Chapter 2 tapos simulan mo na ang Chapter 3."

Tumango ako at di makatingin sa mga mata niya.

"Ah! Teka..." Tapos tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto.

"Manang, pwede paluto?" Aniya sa isang maid. "Anong gusto mo, Rosie?" Tanong niya sakin.

"Uh... Wa'g na... Tubig na lang." Sabi ko.

Tubig na lang dahil parang inuuhaw ako sa inis. Ba't ang yaman mo, Jacob? Sana mahirap ka na lang! GRRRR!

"Spagetti nga tsaka pizza." Aniya sa maid tapos ni-lock ang pinto at ngumisi.

"Huy, di mo pwedeng i-lock yan!" Sabi ko.

"Huh? Bakit naman?"

"Masama na nga na nandito ako sa loob ng kwarto mo tapos ilo-lock mo pa yan? Buti na yang nakikita ng lahat na wala tayong ginagawang masama." Sabi ko.

"Guilty naman nito!" Aniya pero binuksan niya ulit ang pintuan.

Buti naman at isang oras kaming nag seryoso sa thesis. Sinusulat niya ang chapter 2 habang nag eencode naman ako ng Chapter 3.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon