Chapter 13.1: You are Mine

43.4K 2.2K 499
                                    

THIS IS A SHORT UPDATE. CONTINUATION NG CHAPTER 13.



UNEDITED. TAMAD. SORRY SA TYPO. KAPAG ISINULAT KO, HINDI KO NA BINABASA, AFTER. ENJOY!



DENISE



Namula ang mukha ko nang pumasok kami sa main gates. Buhat pa rin ako ni Sky. Kampanteng naglalakad na siya ngayon.  



"Shit! Sky! Ibaba mo na ako!" naiinis na sabi ko. Tiyak na maaagaw namin ang atensiyon ng ibang players sa ganitong ayos. At ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita nila ang itsura ko ngayon? 



"Sky! Nakikinig ka ba? Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita sa 'tin? Ibaba mo na ako!" inis kong sabi dahil tila hindi niya narinig ang sinabi ko kanina. May ilang players na nakatingin na sa direksiyon namin. I don't know what to do. I unconsciosly hid my face in Sky's chest. Gusto ko ng maglaho na parang bula.



He laughed. "Mas lalo nating maaagaw ang atensiyon nila kung ibababa kita. Wala ka ngang matinong damit," he said. 



"I hate you," matalim na wika ko sa kanya. Halos pabulong na lang ang tinig ko. Maraming bagay ang naglalaro sa utak ko. My gender. Tatanggapin ba ako ng ibang co-party members ko? Pagtatawanan ba ako ng ibang players dahil sa pagpapanggap ko? What will I do? At may isa pang gumugulo sa utak ko. His kiss. His damn kiss! Shit! How could he act normal after kissing me? Samantalang ako, hindi makahuma sa mga nangyari. I bit my lower lip.



"Is that Zeus?" narinig kong bulungan ng mga players.



"I can't see but I think she's a girl," komento ng isa.



"Shit! Why is she a girl? Is that really Zeus?" gulat na tanong naman ng isa. 



"Is she really a girl?" tanong pa ng isa.



Dahil sa inis ko. Walang babala at nanggigigil na kinurot ko ang tiyan ni Sky. Sobrang tagal ng pagkurot ko sa kanya at padiin nang padiin.



"Damn! Shit! Ahhh! Zeus!" malakas na sigaw ni Sky. I was really frustrated. I don't want to stop. Dahil siya naman ang may kasalanan, sa kanya ko na ilalabas ang lahat ng pagkainis ko. Mas lalo kong diniinan ang pagkurot sa kanya. Gigil na gigil ako. Gusto ko pa nga siyang kagatin dahil sa pagkainis ko.



"Stop!" naiinis na sabi ni Sky. Nagmadali na siya sa paglalakad patungo sa clothing store. Agad siyang pumasok sa loob at bigla na lang akong binitiwan. Nahulog ako sa sahig nang walang kalaban-laban. 

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon