19

722 34 5
                                    

Ginugol namin ang oras namin sa pagswimming. Nang mapagod ay kumain na muna at natulog. Hapon na nang magising kami at nagbalak na namang magswimming.

“Gusto mong hotdog? Pero hindi inihaw,” alok ko sa kaniya.

Dala ko ang isang plato na may maraming hotdogs. Masarap papakin ang hotdog lalo na kapag ganitong nagsuswimming.

“Anong oras tayo uuwi bukas?” tanong niya.

Bahagya siyang lumapit at kumuha rin ng hotdog. Parehas na kaming nakaupo sa hagdan at nakababad pa rin sa tubig ang kalahati ng katawan.

“It depends on you. Hapon pa ang balik ko sa Manila,” sagot ko.

Winawagwag ko ang paa ko sa tubig habang abala pa rin ako sa pagkain ng hotdog. Ilang hotdog na nga ang nakakain ko.

“After breakfast na lang tayo umalis. Then stay na lang tayo sa bahay.”

Tumango na lang ako bilang sagot. Inubos na namin ang hotdog. Ako na ang umahon para ibalik ang pinaglagyan ng kinain namin. Muli na siyang lumusong at lumangoy papunta sa dulong parte ng swimming pool.

I stayed in the stairs while half of my body is in the water. Pinanood ko lang si Leigh na magpabalik-balik sa paglangoy. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nakatitig sa bawat galaw niya.

Nang mapansin niya akong nakatitig lang ay agad siyang lumangoy palapit sa akin. Hinintay ko naman siya. Bumungad ang basang-basa niyang mukha sa harapan ko. Agad niyang pinunasan ang tubig sa mukha at malawak na ngiti ang iginawad sa akin.

“Ayaw mong magswimming?” tanong niya.

Ngumiti pa lalo ako sa kaniya. Ang ganda ganda niya talaga. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na girlfriend ko siya. Parang panaginip lang kasi. Parang hindi totoo. Kasi ang hirap niyang abutin noon. Akala ko imposible na mangyari itong ngayon.

“Later. Nag-e-enjoy pa ako sa ginagawa ko,” sagot ko.

Nangunot ang noo niya. “Wala ka namang ginagawa rito. Nakatitig ka lang nga sa akin, e.”

I chuckles. “Exactly, baby.”

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Malakas pa rin talaga ang epekto ko sa kaniya.

“Lika na kasi. Swimming na tayo,” pag-aya niya, nag-iiwas pa rin ng tingin sa akin.

Bahagya akong lumusong para magkalapit kami. Pinulupot ko ang braso ko sa baywang niya. Hinawakan ko ang baba niya para maibaling sa akin ang mukha niya. Gusto ko sa akin lang nakatuon ang tingin niya.

“I love you, Leigh. I love you so much,” I said in a low tone.

Pumungay ang mga mata niya. “I love you, too, Tamara.”

Unti-unting lumapit ang mukha ko sa kaniya. One of my favorite things to do is to kiss her. Kahit ilang beses ko siyang halikan, mas lalo lang akong na-a-adik.

I claim her lips in a gentle way. I close my eyes and feel the soft lips of her. I felt her hand around my nape. I kiss her more.

“Tara na sa kwarto,” aniya sa namamaos na boses.

Umahon na kami at pumasok na sa kwarto. Para na naman kaming sabik sa isa’t-isa. Walang tigil ang halikan kahit basang-basa pa kami.

“Ahh...” she moan.

Dahil parehas lang namang nakabikini, mabilis lang din naming naalis ang mga iyon. I cup her breast and kiss her neck.

Hindi natapos ang araw na iyon na hindi namin nagagawa sa isa’t-isa ang gusto naming gawin. Gabi na nang magising kami. Parehas nakabalot ng kumot dahil sa hubad na katawan at lamig ng aircon.

“Gutom ka na?” tanong ko habang nakayakap siya sa akin.

Pinaglalaruan ko ang buhok niya. Nakapatong ang ulo niya sa bandang balikat ko at nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

“Hmm. Mamaya na lang tayo kumain,” sagot niya. Medyo paos pa dahil kagigising lang.

Gutom din ako pero mas gusto ko munang ganito kami. Sinusulit ko lang dahil bukas ay babalik na ako ulit sa Manila. Hindi ko pa sigurado kung kailan ulit kami magkikitang dalawa.

“Open mo ’yung bag ko. May maliit na box doon,” utos niya sa akin.

Dahil nasa tapat ko ang table kung nasaan ang bag niya, kinuha ko na agad iyon. May nakapa naman akong maliit na box kaya kinuha ko na.

“Happy monthsary. Iyan gift ko sa ’yo,” sabi niya pa.

Umayos siya ng higa. Ako naman ay umupo para mas makita ng maayos ang bigay niya sa akin. Binuksan ko ang box at bumungad sa akin ang isang singsing. This is not an engagement ring, right?

“Leigh...”

Natawa siya. “Hindi iyan tulad ng iniisip mo. Masyado pang maaga para sa engagement ring, Tamara,” natatawang sabi niya pa rin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar. Pero mas pinili ko na ang ang una. Kung mag-e-engage man kami, gusto ko ako ang unang magbibigay ng singsing sa kaniya. This ring is just a monthsary gift. Hindi ’to engagement ring.

“May regalo rin ako sa ’yo. Mamaya ko na lang ibibigay or bukas kapag umuwi na tayo,” sabi ko naman.

Nagpasya na kaming bumangon na at magbihis. Magluluto pa ako ng dinner namin. Sakto lang naman ang pagkain para sa aming dalawa.


Kinabukasan ay maaga kaming gumising. Nagyaya na naman siyang magswimming dahil aalis na rin naman daw kami maya-maya. Pinagbigyan ko na siya dahil gusto ko ring sulitin na magkasama kaming dalawa. Sana palaging ganito na lang. Walang ibang iniisip. Kaming dalawa lang ang magkasama.

“Kailan ang next project mo?” tanong ko sa kaniya.

Pauwi na kami ngayon sa kanila. May ilang oras pa ako para sulitin ang araw na ’to. Mamayang hapon ay uuwi na ako. Mamimiss ko na naman siya.

“Hindi ko pa sure. Medyo busy na rin kasi ako sa school works.”

Wala ang parents niya nang dumating kami. Ang sabi ng kasambahay nila ay nasa trabaho na raw ang mga ito. Nagpasya na lang kami ni Leigh na manood ng movie. Hindi siya pumasok ngayon, nilaan niya rin talaga sa akin ang araw na ’to.

“Ingat ka pauwi,” bilin niya.

Nagpaalam na ako sa parents niya thru text na lang dahil nga busy rin sila. Nakaayos na ang mga gamit ko. Magta-taxi na lang ako. Mahirap bumyahe kapag ganitong oras, baka mahirapan pa ako kapag nagcommute ako.

“I’ll text you later when I’m home.” Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

“Mamimiss na naman kita,” mahinang sabi niya.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya. “Mamimiss din kita.”

I press my lips on hers. Kailan ulit kami magkikita? Kailan ko ulit mararamdaman ang malambot niyang labi?

“I love you. Text mo ako, okay?” sambit niya.

Tumango ako. “I love you.”

Nakakuha agad ako ng taxi. Mahal ang bayad kapag hanggang Manila. Pero okay na ’to kaysa mahirapan nga ako sa pagcommute.

“Bye! I’ll wait for your text!” si Leigh, kumakaway na sa akin ngayon.

Kumaway rin ako sa kaniya. Umalis na ang taxi na sinasakyan ko. Napabuga na lang ako ng malalim na hininga. Matagal na naman kaming magkikita. Ngayon pa lang miss ko na agad siya.


Leigh:

Mahal kita!

Napangiti ako sa text na natanggap ko mula sa kaniya. Agad akong nagreply. Hindi maalis ang ngiti ko dahil doon.



Ako:

Mahal din kita.




To be continued . . .

Stolen Beauty (Pride Series #3)Where stories live. Discover now