Baklava

34 3 0
                                    

Mia POV

"Naku Sorry talaga! Hindi ko sinasadya." nahihiyang sabi ko kay Miyuki dahil hinayaan niya akong kagatin siya

Pero ang nangyari naman ay sa sobrang gigil ko sa braso niya at nagkasugat ito.

"Okay lang." natatawang sabi niya

Napakunot ang noo ko kasi natatawa siya, pakiramdam ko tinatawana niya ako.

"Tinatawana mo ko?"

"Hindi, nagtataka lang kasi 'ko kung bakit weird ka ngayon? Ano bang meron?"

Nagkibit balikat ako, maski ako ay hindi maintindihan ang sarili ko.

Maya-maya pa, dahil nga hindi ko talaga gusto yung amoy ng adobo ay nag decide na lang kami ni Miyuki na magpunta ng restaurant.

Sa restaurant kung saan kami noon unang beses kumain.

"Grabe, ilang bwuan na rin pala mula ng maging nutritionist mo ko noh?" sa loob ng tatlong buwan na nakatira ako kay Miyuki nagpatuloy ako sa pagluluto ng masusustansyang pagkain para sa kanya

Kapalit nun ay sweldo, libreng pagkain at pagpapatira niya sa akin.

"Matagal na rin pala." sabi niya habang naka ngiting nag mamaneho

"Napapaisip ako Miyuki, sabi mo noon maykapatid ka diba? Pero nasaan siya? At Daddy mo, bakit isang beses ko lang yata nakitang umuwi sa mansyon?"

Kaagad na naglaho ang ngiti sa labi niya sa tinanong ko at tinignan ako ng seryoso.

"Ay sorry, naitanong ko lang-"

"Yung kapatid ko, lumayas siya at ayaw niyang umuwi dahil galit siya sa'kin." malungkot niyang sabi

Hindi ko alam ang dahilan pero nakaramdam ako ng awa sa kanya.

"Si Dad, minsan na lang talaga umuwi yon kasi mas mahalaga sa kanya ang mga babae niya. At wala na rin naman na akong pakialam sa kanya."

"Don't say that, Miyuki. Siya pa rin ang tatay mo." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya para pagaanin ang loob niya

Mapait siyang ngumiti sa akin at umiling.

"Para sa'kin hindi ko siya Tatay." tugon niya sa akin

~~~

Ilang minuto pa ang nagdaan ay nakarating na nga kami sa restaurant.

Okay na sana- pero natigilan ako sa dalawang taong nakita.

Nawala yung saya ko ng makita ko kung gaano sila kasaya habang magkasama. Siguro masaya sila dahil finaly malaya na sila, pwede na nilang buohin yung pamilya nila kasi wala ng sagabal. Hindi nila ako napapansin dahil sobrang saya nila.

"Mukhang nag de-date silang dalawa, ang saya nila." sabi ni Miyuki ng mapansin na nakatingin ako kanila Anthonio at Julie

Bumaba ang tingin ko sa tiyan ni Julie na malaki na.

"Yeah, mukha nga."

"Gusto mo ba lumipat na lang tayo?" alalang tanong sakin ni Miyuki

Umiling ako, siguro nga nasasaktan pa ako pero ayaw ko naman masayang lang yung sigundo at oras niya dahil lang sa pagiinarte ko, saka ayaw ko rin isipin ni Anthon na affected pa rin ako sa kanya.

"Okay lang sa'kin dito na lang tayo, saka nag mo-move on ko. Part toh ng pag mu-move on!" pinilit kong gawing cheerful ang tono ng boses ko

"Sige, kung yan ang gusto mo. Masusunod kamahalan!" biro niya

PUMASOK na nga kami sa loob ng restaurant. Sa gawi ko ay kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Anthony ng makita ako, napalingon naman sa akin si Julie at gulat na gulat rin ang babae niya- I mean ang girl friend niya na makita ako.

"Maupo na tayo?"

"Doon tayo sa pinaka dulo." suwestyon ko at tumangon naman sa akin si Miyuki

Naupo nga kami sa dulo kung saan malayo kanila Anthony at Julie. Ewan ko ba, nung makita ko si Antonio parang nairita ako bigla? Magkakaregla na siguro ako?

Speaking of menstruation, 2 months delayed ako. I wonder why?

"Okay lang ba talaga sayo na dito tayo kumain? Hindi ka ba naiilang-"

"Syempre naman hindi, naka move on 'ko." move on your ass Miaka! "Okay lang yan kahit mag halikan pa nga sila sa harap ko okay lang! Makakain naman ako ng magana at masarap. Saka nandito tayo para mabusog ang tyan natin hindi para sa kanila."

"Okay." he chuckled "Anong order mo?"

Tumingin ako sa menu.

"I want this, Baklava."

"Waiter!" may pinindut si Miyuki para tawagin ang waiter, then lumapit naman ang waiter sa amin.

"Ano pong order niyo, ma'am and sir?" tanong ng waiter

"One Baklava and one beef stake for us."

"Okay, one baklava and one beef stake!" pauulit ng waiter and then umalis na ito para ipahanda ang pagkain namin

"I Don't know na gusto mo pala ang mga foreign food?"

"Hindi naman, dipende yon. Masarap rin kasi na kahit isang beses ay kumain tayo ng pagkaing banyaga pero hindi naman ibig sabihin eh mas masarap na yon sa filipino food." napangiting sabi ko

Natawa siya bigla sa sinabi ko. "Tama ka, filipino food ang the best."

Natulala naman ako sa kanya, panu kasi ang guwapo niya tumawa day! Simpleng tawa lang yon pero nailalabas na nun yung tunay niyang kaguwapuhan!. He is like an angel!

Napalunok ako ng laway ng makawala ako sa pagkakatulala, nag iwas ako ng tingin at umakto na nababagot na sa paghihintay para hindi niya mahalata na sa simpleng ngiti niya lang eh bumilis yung kabog ng dibdib ko.

"Woo finally na yung pagkain makakain na ako-" masaya na sana ako kaso sa iba dinala yung baklava at beef stake

Doon dinala kanila Anthony at Julie!

Napairap tuloy ako sa kalawakan! Parehas pala kami ng order, biruin mo yon?!

Forbidden RomanceWhere stories live. Discover now