[W.O.S] CHAPTER 3: ODD MISSIONS

3.9K 199 12
                                    

K I R O

Naka-upo ako ngayon sa gilid ng kama, malalim ang iniisip.

Napanaginipan ko kasi si Yuri kagabi at hindi ko alam kung bakit. Malakas ang kutob ko na totoong konektado 'yun dito sa mundo kung nasaan kami ngayon.

Si Yuri. She's trapped inside of me. Sinabi niya rin sa akin na kailangan ko daw siyang mapakawalan sa lalong madaling panahon dahil magiging sagabal lang daw siya sa akin. At para narin daw makaligtas ako sa mundong 'to.

I may look strict but I really do care for my familiar. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan kaya I will do my best to free her as soon as possible.

Pero may sinabi talaga siya sa akin na hindi ko maintindihan. Tumayo ako, lumapit sa may bintana at nag-isip.

"Right. I should ask her about this." baka sakaling napanaginipan niya rin si Yume.

Hindi ko inasahang nasa labas na agad siya ng pinto pagkabukas ko nito. Mukhang tama nga ang pakiramdam ko.

"Pasok ka." sabi ko sa kanya. Pansin ko sa itsura niya na parang gulong-gulo siya. Umupo na kami at sabay pa na nagsalita.

"Si Yume/Si Yuri." napatigil kaming dalawa.

"Sige, mauna ka na." sabi ko.

"Si Yume kasi, napanaginipan ko siya." sabi niya.

"As I thought. Ako rin, I dreamed of her." sabi ko naman.

"T-talaga? Sinabi rin ba niya sa'yo na na-trapped siya inside of you?" gulat niyang tanong.

"Exactly, and I think hindi lang sa atin 'to nangyari kundi sa lahat ng players na nandito sa WOS. Kasi napanaginipan mo rin." pagpapaliwanag ko.

"We need them at the end of this world. That's what she said." sabi ko.

"Same!" sagot niya naman.

"There is also a high possibility na hindi tayo makaligtas if we're not able to free them. Baka katulad lang din 'to sa WOM. Diba sa huli nun, nagkaroon ng final battle. Baka ganun din dito. In order for us to beat them, kailangan natin ng kapangyarihan ng mga familiar natin." sabi niya.

Yes, her conclusion is possibly right.

"May iba pa ba siyang sinabi sa'yo?" tanong ko.

"Oo, at 'yun ang hindi ko maintindihan." sabi niya at seryosong tumingin sa'kin. "Kailangan ko daw mahanap ang true strength ko." sabi niya.

Hmm, true strength? Medyo mahirap pakinggan ah.

"Sa'yo ba? May sinabi rin ba si Yuri?" tanong niya. I sighed.

"Yeah and this made me think really hard." sabi ako at tumingin sa kanya.

"She said that I need to find what I'm looking for." sabi ko.

Alam niyo 'yung mukha niya?

"A-ano?! Ang tanong, meron ka bang hinahanap?" tanong niya.

"That will be my biggest problem. Sa pagkaka-alam ko wala naman akong nawawala na kailangang hanapin. I wanted to ask her for more particular details pero hanggang doon nalang daw ang pwede niyang sabihin. Seriously? Paano ko hahanapin 'yung hinahanap ko kung ako mismo sa sarili ko wala akong idea kung ano ba 'yung hahanapin ko?" sabi ko.

Oh diba, tongue twister? Hays.

"I'm so confused." sambit ko.

"Akala ko mahirap na yung sa'kin, mas mahirap pa pala sa'yo. Pero 'yung true strength na sinasabi ni Yume para sa akin, ibig sabihin ba nun hindi ko pa tuluyang natutuklas ang tunay kong kakayahan?" sabi niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon