CHAPTER 5.

10.7K 137 1
                                    

Brianna POV’S

Nandito ako ngayon tapat ng malaking building na ’to, siguro nasa haba 8 floor ang building na ’to at ang laki pa.

Hindi ko na muna sinabi kay mama at papa ang nalalaman ko at baka biglang sumugod yung mga ’yon kapag sinabi ko agad saka hindi ko pa naman sure kung sya ba talaga ’yon.

Pumasok na ko sa building at ang laki nga at madami ring tao. Inagahan ko talaga para walang makakita sakin masyado.

Nagformal attire na rin ako para hindi nagmukhang pulubi dito at baka palabasin ako biglaan. Hindi ko rin sinabi kina mama na pupunta ako dito basta dinahilan ko lang na pupunta ako sa kaibigan ko.

Nagstay lang ako sa gilid at tinignan ang mga tao. Hanggang sa nakita ko na may pumasok na isang matandang lalaki hindi naman ganun katanda siguro mga nasa 50+ lang sya.

Madaming bumati sa kanya at pagkaka alam ko siguro heto ang ceo ng nylon group. Hindi ako makapasok sa mismong entrance dahil need ng verified na id.

Pano ko mahahanap yung lalaki na ’yon? Lumabas na lang muna ako saglit ngunit paglabas ko ay nabangga ako ng isang lalaki.

“ are you okay? ” pag aalala nyang tanong sakin. Tumingin ako sa kanya at nagulat sya sa makita ako. “ i-ikaw? no, sorry ” anya nya sakin saka sya umalis.

Ako? anong ako? teka sya ba si carter? Inaalala ko ang nakita ko sa laptop ko dahil nga sa sinearch ko sya kagabi. Lumaki naman ang mata ko at sya nga yon!.

Pumasok ako sa loob ngunit pagtingin ko ang daming bodyguards na nakapaligid sa kanya. Kailangan ko sya kausapin.

Kaya pinilit ko ang sarili ko na makapasok sa loob ngunit agad naman na ako hinarangan. “ excuse me? ” tanong ng isang lalaki sakin.

“ you don't have a valid ID to get inside miss ” anya ulit sakin. “ kailangan kong makapasok, kailangan kong kausapin yung lalaki na ’yon ” duro ko sa lalaki na yon.

“ ano po yon? si sir carter po ba? ” tanong nya kaya agad akong tumango. “ kailangan ko syang kausapin, mahalagang bagay ’to ” saad ko sa kanila.

Pilit kong ipasok ang sarili ko ngunit pinipigilan nila ako. “ palabasin nyo na ’yan ” saad ng lalaki sakin kaya hinawakan nila ako at pinalabas ng tuluyan.

Pinagpagan ko ang sarili ko at madaming panay tingin sakin. “ kailangan ko ngang kausapin yung boss nyo! bakit ba hindi nyo ko pakinggan?! ” irita kong saad ko sa kanila.

Bwiset na lalaki na ’yon, nakita nya na ko lahat lahat. Hindi pa rin nya ko kinausap. May panahon ka rin sakin. Bigla naman nagring ang phone ko at sinagot ko agad to.

“ ma, bakit po? ” tanong ko sa kanila sa call. “ nasan ka? yung totoo? pinuntahan kita dito ngayon sa kaibigan mo wala ka dito ” saad ni mama sa kabilang linya.

Napapikit naman ako at ginulo ang buhok ko. “ pauwi na po ako, sa bahay na lang po tayo mag usap ” saad ko sa kanya saka nya binabaan ang tawag.

Hayss! bwiset na lalaki na yon! kaya umuwi na lang ako ng tuluyan. Pagka rating ko roon ay nasa sala sila ni papa.

“ san ka galing anak? dinalan kita ng pagkain sa kaibigan mo pero wala ka roon ” anya ni mama sakin. Napayuko naman ako at humingi ng sorry sa kanila.

“ umupo ka nga muna ” pinaupo naman ako ni mama. “ saan ka ba galing? nag aalala kami sayo kanina ” saad ni mama ulit.

Ayokong magsinungaling sa kanila, nandito na e, may karapatan din naman na malaman nila kung san ako pumunta.

“ sa lalaking natagpuan ko po sa bar ” pagka anya ko roon ay nagulat si papa at mama. “ teka kilala mo na kung sino? ” tanong ni mama sakin.

Tumango naman agad ako. “ nakausap mo ba sya? nasaan sya ngayon? at anong sabi? ” tanong ni papa sakin. “ hindi ko po sya nakausap pa ” saad ko sa kanila.

“ anong hindi mo nakausap? kailangan ka nyang kausapin para dyan sa bata, nasaan sya ngayon? sabihin mo sakin at ako ang kakausap sa lalaki na ’yan ” galit na sambit ni papa.

Agad ko naman syang pinigilan sa gagawin nya. “ pa, busy lang po kasi sya kaya hindi nya ko kinausap ” pagdadahilan ko sa kanila.

“ busy sya o sadyang hindi ka nya kilala? ” tanong ni mama sakin. “ kilala nya po ako ma, promise po kakausapin ko sya ” saad ko sa kanila.

Nagtaas naman agad ako ng kanang kamay upang sang ayon sa sinasabi ko. Kumalma naman sila agad at mabuti na lang madali ko silang pakalmahin.

“ sige, kausapin mo yan leah kung hindi ka nya kakausapin ako mismo ang susugod sa kanya ” sambit ni papa sakin.

Alam kong galit na si papa sakin. Kapag second name na kasi ang binanggit nya ibig sabihin non seryoso sya.

Napabuntong hininga naman ako at nag iisip ng paraan para makausap ang lalaki na ’yon, hindi pwede na hindi nya ko mapapanagutan.

Hindi ko habol ang pera nya o anuman yan, ang gusto ko lang may ama ang anak ko kapag sa once na isinilang na sya.

Ayoko kasi na humantong sa nilalait sya ng mga ibang tao dahil sa wala syang ama. Ipaparanas ko sa kanya na buo ang pamilya.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now