CHAPTER 7.

9.2K 127 0
                                    

Carter POV'S

Pagkatapos ng pag uusap namin ng babaeng 'yon ay hindi na sya nagpakita sakin. Mabuti na lang at natauhan sya sa mga sinabi ko sa kanya.

" you have a meeting now son about your marriage " my daddy said.
Itutuloy nya talaga ang balak nya para sakin. Wala talagang makaka pigil sa gusto nya.
" don't ever embarrass me in front of them " diin nyang saad nya sakin.

Saka sya umalis sa harapan ko. Sinundan naman sya ni mommy at patuloy pa rin na kinukumbinsi nya si daddy.

Tinignan ko ang papeles, nandon na ang kabubuong shares ng kompanya.
Binawalewala ko na lang 'to at tumikom na lang ng kamao.

-
-
-

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, wala pa ring kumpas ang kagwapuhan ko. Inayos ko na lang ang neck tie ko at saka umalis na sa condo ko.

Panay tawag si mommy sakin, siguro dahil sa ako na lang ang hinihintay nya pero wala akong pake elam. Ginusto ko talaga malate kaysa naman na ako ang mauna doon.

Pagdating ko sa venue kung saan mag m-meeting lahat. Huminto na muna ako sa pintuan at saka nagpakawala ng hininga sa sarili ko.

Saka ko pinihit ang doorknob at tuluyan ng nakapasok. Lahat sila tumingin sakin at todo sorry naman ako dahil sa late ako.

Hindi ko na tinignan si daddy dahil alam kong nanggigiliit nanaman to sa gigil sakin. Tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko.

Tinignan ko sya hanggang sa talampakan nya. Sexy naman to at sakto sa taste ko pero ayoko sa mahiyain at mas lalong ayoko sa maarte.

" napakagwapo naman ng anak mo sir sandrino " anya ng isang matandang lalaki. " hindi pa pala kami nagpapakilala, i'm pablo sya ang asawa kong si amanda at ang anak kong si sarah " pagpapakilala nito samin.

Nakipag kamay na lang din ako sa kanila at sumabay sa gusto nila. Gusto ko na umalis dito sa lintek na lugar na 'to.

" so kailan ang kasal nila? " tanong agad nung matandang babae. " what if sa sabado na agad? " ngiting saad ng matandang lalaki kay daddy.

" that's great idea para rin magkaroon tayo ng apo sa tuhod " tawanan na sambit nila.

Hindi ko na lang sila pinakinggan at ginalaw ang social media acc ko hanggang sa pinindot ko ang instagram ko.

May nagmessage sakin kaya pinindot ko ang message actually ngayon lang may nagmessage sakin sa ig, si baylon naman hindi madalas magmessage sakin dito pwera lang kung tungkol sa mga babae.

Kaya tinignan ko ito at nagulat ako kung sino ito. Walang iba kundi ang babaeng nakausap nung isang araw.
Kaya dinelete ko na lang din.

Wala namang kwenta pinagsasabi non sakin. Narinig ko na nag excuse yung babae. " excuse me po, mag r-rest room lang ako " saad nya samin.

Pumayag naman sila hanggang sa kailangan ko ring mag restroom. Wala kasi akong ginawa kundi uminom nang uminom ng tubig.

Pumunta na lang ako sa restroom at saka ginawa ang gagawin ko. Pagkatapos kong mag restroom ay balak kong maninigarilyo sana sa labas ngunit may narinig akong nag uusap.

Kaya sinilip ko kung sino yon. " shut up andrew! please let me go " saad ng babae kanina na kasama ko sa table.

Sa pagkakaalam ko si sarah 'to. " don't worry i will just use him to get everything they own " saad nya sa kausap nya sa call.

"yes andrew, i love you hindi kita iiwan kaya please tantanan mo muna ako para matapos na 'to " sambit nya ulit.

" okay bye, iloveyou again " saka nya binabaan ng tawag. Saglit sya napahinto at lumingon.

Bigla naman may humugot sakin sa gilid. Tinignan ko kung sino ito at walang iba kundi yung babae nanaman.

Naka stock lang ang isip ko sa sinabi ni sarah samin. " kailangan kong sabihin sa kanila " saad ko saka ako umalis.

Ngunit pinigilan ako nito. " wait, kung magpadalos dalos ka hindi ka nila paniniwalaan " anya nya sakin.

Tinabig ko naman ang kamay nya na nakahawak sa wrist ko. So narinig nya rin ang lahat at hindi lang ako. " are you crazy? who are you to decide what I should do? " iritang tanong ko sa kanya.

Hindi naman agad sya nakasagot sakin kaya umalis na lang ako sa harapan nya. Bakit ba sya nandito? sinusundan nya pa rin ako?

Pina stop nya naman ulit sakin, this time ay hinarangan nya na ko sa dadaanan ko. " sige sabihin nating sasabihin mo sa kanila sa palagay mo ba maniniwala sila sayo? may mababago ba? " tanong nya ulit sakin.
.
Magsasalita sana ako ng bigla nya kong hinila. Pumasok kami sa isang pintuan. " makinig ka nga sakin carter sandrino! 'yang kasamaan ng ugali mo wag mo muna pairalin! " pag susuway nya sakin.

Wow! napamewang naman ako sa sinabi nya at napa smirk sa kanya. " who are you huh? wala kang pake sa gagawin ko saka tantanan mo na ko! wala kang makukuha sakin " anya ko sa kanya.

" g*go ka nga talaga, hindi ko ginagawa to dahil sa madami kang pera ginagawa ko to dahil sa anak natin " sambit nya sakin.

" natin? anak ko? are you out of your mind miss? hindi ko sabing anak yan " duro ko sa tyan nya.

" napaka walang kwenta mo talagang tao ka, hindi ko alam kung san ka kumukuha ng lakas na kakapalan sa mukha mo para sabihin sakin yan " sambit nya sakin.

" oh sige dahil sa ganyan ka naman, hintayin mong ipanganak ko 'tong bata na to at pa DNA test natin " saad nya ulit saka sya umalis ng tuluyan sa harapan ko.

Talaga bang sinusubukan nya ko? napasapo na lang ako sa noo ko at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nangyayari sakin ngayon.

Bakit ba ko binigyan ng ganitong sitwasyon? nakisabay pa 'tong babae na 'to sa problema ko.

At anong sabi nya? makapal mukha ko? napatawa na lang ulit ako sa mga sinabi nya sakin kanina. Ginulo ko na lang ang buhok ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.


ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now