CHAPTER 9.

8.4K 114 0
                                    

Brianna POV’S

“ anak dalian mo naman ” pagmamadali ni mama sakin. “ opo ma heto na! ” sigaw ko sa baba.

Bumaba na ko sa hagdan at ako nanaman ang hinihintay nila. Sumakay na kami sa van at saka nag drive na si papa.

Hiniram lang ni papa yung van na ’to kay tito jey, tuwing linggo kasi hinihiram namin ’tong van papunta sa church.

Kaya pumapayag naman si tito jey, mekaniko kasi si tito jey at si papa. Construction kasi si papa noon pero dahil kay tito jey pinasok nya si papa sa mekaniko ng mga sasakyan.

Yung panahon na ’yon bata pa ko at baby pa si taliya. Bali 5 years na si papa sa mekaniko. Kaya malaki na rin tiwala ng boss nya sa kanya.

Huminto na yung van kaya nagsibabaan na kami. Naka dress kaming lahat. “ wag nyo na ko hintayin, mauna na kayo ” saad ni papa samin.

Kaya tumango naman si mama kay papa at saka kami pumasok sa loob.
Pagkapasok ay umupo kami kagad.
Di pa naman nag u-umpisa kaya hindi pa naman kami late.

Sa paglilibot ko ng mata ko, may nahagip akong isang tao na ayoko makita kahit kailan. Si andrew, nakaupo sya at nandito rin.

Nagbabawas ba sya ng kasalanan? pero maya maya gagawa ng kasalanan ulit. Sa lahat ng tao na nandito yung ayoko pa makita ang makikita ko dito sa loob.

Inalog ko lang ang sarili ko at nahalata naman ni taliya na balisa ako. “ ate okay ka lang ba? ” anya nya sakin. Ngumiti naman ako at tumango agad.

Nag umpisa na ang pagsamba. Hanggang sa umpisa at pagkatapos ng church namin ay halos nakatingin lang ako sa kanya.

Nang uwian na ay saktong nakita sya ni taliya. “ kuya andrew! ” tawag nito sa kanya. Lumingon naman sya at pumunta sa kanya si taliya.

Bumulong si mama sakin at tumango naman agad ako. Alam ni mama at papa na wala na kami ni andrew.
Alam rin nila kung ano ang dahilan.

At mas lalong galit sila mama at papa sa kanya dahil lahat ng sitwasyon ko ngayon ay kasalanan nya lahat.

“ kuya kamusta ka na po? nandito po pala si ate ” saad ni taliya kay andrew. “ ikaw ba kamusta ka na? okay lang naman ako ” ngiting tugon nito sa kapatid ko.

Umiwas naman ako ng tingin ng tumingin sya sakin. Pumunta ako sa kanila at nilayo ko ang kapatid ko sa kanya.

“ how are you brianna? ” tanong nya sakin sabay tingin sa mata ko. “ sobrang okay na okay, tara na taliya ” hila ko sa kapatid ko.

Sakto naman na dumating si papa kaya sumakay kami kagad sa van. “ ate si kuya andrew ’yon ” sambit nya sakin.

“ ano naman kung sya yon taliya? at wag na wag ka na rin lalapit sa lalaki na yon ” tugon ko sa kanya. Nakasimangot naman si taliya sakin.

Hindi pa naman maiintindihan ni taliya ang nangyari samin ni andrew kaya wala ring saysay kung sasabihin ko na hiwalay na kami ni andrew.

Ayoko mainis ngayong araw dahil kakagaling ko lang sa church namin kaya binuksan ko ang bintana at tinapat ang mukha ko sa hangin na nasasagap ko sa labas.

Pumikit ako at bumuntong hiningi ng malalim. Relax brianna dapat chill ka lang ngayon. Nang okay na ko ay dinilat ko na ang mata ko.

Agad naman na kami nakarating kasi wala namang masyadong traffic ngayon kahit linggo. Bumaba na ko at pumunta agad sa kwarto ko at humilata.

Hinawakan ko ang tyan ko at inisip ko na lang ang anak ko kaysa isipin ang lalaki na ’yon.

Nakaramdam ako ng antok kaya pumikit na lang ako at tuluyan ng nakatulog.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now