CONTINUED IN CHAPTER 11.

8K 109 0
                                    

Brianna POV'S

Huminga ako ng malalim at sumigaw ulit. " ano?! hindi mo ko pananagutan?! buntis ako at ikaw ang ama! " saad ko sa loob.

Bigla naman nagsitayuan ang iba at nabalot ng bulungan. Naglakad ulit ako papunta sa kanila. Tinignan ko ang magkahawak na kamay nila.

Hinugot ko to at ang singsing ay nilagay ko sa table at saka ko sya hinila ngunit pinigilan sya ng babae.

Tinignan ako ni carter binitawan nya ang hawak ng babae sa kanya at saka ko sya hinila tuluyan.

Lumabas kami sa venue na 'yon at saka ko sya binitawan. Dinukot ko ang phone ko at binuksan yon saka ko nilapit sa mukha nya ang message nya sakin sa ig.

" ngayon, nagawa ko na ang gusto mo, panagutan mo kami ng anak mo" saad ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

“ okay fine but — ” tinakpan ko naman ang bibig nya. “ walang but but gusto ko lang mapanagutan mo ang anak ko, hindi ako mag p-plano ng kung ano ano di katulad ng babaeng papakasalanan mo ” saad ko sa kanya.

“ at mas lalong di ako mukhang pera, may trabaho ang magulang at kuya plus ako kaya hindi ko kailangan ng pera mo ” pag d-diin ko sa kanya.

Tinignan nya lang ako hanggang talampakan saka sya umalis sa harapan ko. Aba! sya na nga tong iniligtas ko sa peligro sya pa ’tong suplado at wala man lang salamat sa ginawa ko sa kanya.

Kung hindi lang talaga para sa anak ko ang gagawin ko, hahayaan ko sya pakasalan yung babaeng ’yon.



Nandito kami ngayon sa harap ng magulang ni carter. Pagkatapos kasi ng nangyari na ’yon bigla tinawagan si carter ng daddy nya at sabi pati ako kasama.

Kinakabahan ako sa sasabihin ng magulang nito sakin. Hindi rin alam ni mama at papa nag iskandalo ako sa kasal nitong lalaki na to.

Napapikit ako at pinagdikit ang dalawa kong kamay. “ why didn't you even say that you already have a girlfriend and are still pregnant? ” panimula nito saming dalawa.

“ pano ko sasabihin kung sinasagad nyo ko dad? ” sagot nito sa daddy nya. Lintek na ’to! makasagot sa daddy nya parang hindi nya pamilya.

Agad ko naman syang kinurot palihim. Lumayo naman sya sakin konti. “ really son? kailangan ko pa bang tanungin ka para malaman ko ang totoo, you already have a brain so you know what to do! ” saad nito kay carter.

“ ronaldo naman ”pag aawat ng mommy ni carter. Napapikit na lang ulit ako. “ you not only made a mess but also embarrassed me carter! ” sigaw nito kay carter.

Tatayo na lang ba ako dito? wala man lang ba ako gagawin? “ and you? ” baling nya sakin. Yumuko na lang ako at hinihintay ang masasakit na salita na sasabihin nito sakin.

“ take care of my apo and also sorry if you ran to tell the truth ” saad nito sakin. Napatingin ako sa kanya at sincere syang humingi ng sorry sakin.

“ wala po ’yon sir, o-okay lang po ” utal kong sambit sa kanila at saka ako ngumiti sa kanya. “ aalis na muna ako and i need to talk jacob and amanda for what happened now ” saad nya samin.

“ ingat po kayo ” anya ko sa kanya saka sila umalis. Lumingon naman ako sa lalaking nito at umupo naman sya sa sofa.

“ hoy! bakit ka ganun sumagot sa daddy mo? ” irita kong sambit sa kanya. Hindi nya ko pinansin bagkus ay tumayo sya at umakyat sa taas.

“ teka lang! kinakausap pa kita! ” sigaw ko sa kanya. “ what? ano pa ba ang gusto mo? ” tanong nya sakin. “ mag uusap tayo tungkol sa anak nating dalawa ” saad ko.

“ later okay? i’m tired miss ” anya nya saka sya tuluyang umalis. Pinanood ko lang sya hanggang sa nakapasok na sya sa kwarto nya.

Napamewang naman ako sa inasta nya. Wow! pagkatapos ng nangyari kanina gaganituhin nya ko. Bwiset talaga sya! panay tadyak lang ako ng paa ko dahil sa inis ko sa lalaki na ’yon.

Hindi man lang talaga nagpasalamat sakin, wala man lang ako narinig na kahit ano sa kanya. Hindi talaga sya marunong makisama sa ibang tao.

Kaya ganyan ang buhay nya dahil sa ugali na meron sya. Ang sama na nga wala pang kwenta.

Bwiset talaga sya!




ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now