KABANATA 15

19 2 0
                                    

Wala sa sariling napa atras sya patalikod dahilan nang pagkahulog nang isang vase sa likod nya bago pa sya makita nang lalaki ay mabilis syang tumakbo at binagtas ang mahabang hallway palabas sa malaking mansyon.

Ramdam nya ang tila pagkabasag nang kanyang puso at ang mga luhang nag umpisang mag laglagan sa kanyang pisngi naninikip ang dibdib nya at nag-umpisa syang manghina.

Hindi nya nakayanan at akmang babagsak sa sahig kung hindi lang sa mga brasong pumulupot sa kanyang bewang hindi man nya lingunin ay kilala nya agad kung sino iyon.

Mukhang naamoy sya nito kanina. Nag-angat sya nang tingin at nakita ang madidilim nitong mga mata habang nagtatagis ang bagang na nakatingin sa kanya.

"Are you okay?" Tila nanlambot sya sa tanong nito muling nag laglagan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Nakita nya naman kung paano napuno nang pag-aalala ang mga mata nang lalaki. Binuhat sya nito bago marahang naglakad pabalik sa silid isinubsob nya ang mukha sa dibdib nito.

Mahinang hikbi ang tumakas sa kanya, Naramdaman naman nya ang pag higpit nang kapit nito sa kanya. Hindi nya namalayang nawalan na sya nang malay dahil sa pag-iyak at pagod.

Nagising sya dahil sa marahang paghaplos nang kung sino sa buhok nya at ang paghalik nito sa kanyang noo. Napatingin sya dito at nakita nya ang lalaki na malamlam ang tingin sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Nakita nyang umunat ito nang upo nang makitang gising na sya. Umayos sya nang upo bago ito tinitigan. Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila habang nakatitig parin sa mga mata nang isa't-isa.

"Astrid." Hindi sya nagsalita at nanatiling nakatingin lang dito nakita naman nya na humugot ito nang hininga at akmang lalapit sa kanya nang makarinig sila nang katok.

"Come." Pumasok naman ang betang si rex na halata ang disgusto sa mukha.

"Alpha." Tumitig ito sa lalaki at mukhang may sinasabi gamit ang isip, Nakita nya kung paano nanlaki ang mga mata ni rouge bago bumakas ang tuwa at sabik sa mga mata nito.

"Where is she?" Mabilis itong nakalapit sa beta bago mahigpit na hinawakan ito sa mga braso tila nakalimutan sya nito at bakas ang pagkasabik sa mga mata habang nakatingin sa beta.

Nakita naman nya ang pagtagis nang mga panga ni rex bago lumipat ang titig sa kanya nakita nyang dumaan ang awa at pag-aala sa mga mata nito. Tipid nyang nginitian ito bago tumayo at lumabas sa silid.

Bago sya makalayo nang tuluyan ay narinig nya pa ang sinabi nito.

"Sa bundok afra naroon sya." Malamig ang tinig nang beta na huli nyang narinig bago sya makalayo

Napahawak sya sa tiyan dahil sa muling paninikip nang kanyang dibdib.

Mukhang may mag babago

Hindi nya namalayan kung ilang oras syang nanatili sa nayon dahil sa kanyang malalim na iniisip basta bumalik nalang sya sa realidad nang marinig ang sigaw ni sandra.

"LUNA." Napalingon sya sa babae nang nagmamadali itong lumapit sa kanya na bakas ang pag-aalala sa mukha nang makita sya nito ay agad sya nitong mabilis na nilapitan.

"Si rouge?" Muli nyang tinanaw ang harap nang nayon kung nasaan sya.

"Nagmamadali itong lumisan kanina lamang kasama ang beta luna." Naramdaman nyang umupo ito malapit kung nasaan sya.

Naramdaman na naman nya ang familiar na kirot sa dibdib, Hindi manlang nagpaalam sa kanya ang lalaki na bago lang nito ginawa.

Huminga sya nang malalim at napagdesisyonan nyang ipaalam sa babae ang kalagayan nya.

"Sandra." Mabilis itong lumingon sa kanya habang may pagtatanong sa mukha, Nanatili syang nakatingin sa nayon habang kausap ito.

"May nais akong sabihin na sana ay sa atin munang dalawa."

"Ano iyon luna?" Naramdaman nyang humarap ito sa kanya.

Hinawakan nya ang tiyan bago ipinakita rito ang sariling palad. Nakita nya kung paano nanlaki ang mga mata nito at umawang ang bibig habang nakatitig sa kanyang palad.

Ilang minuto pa itong ganoon bago bumakas ang saya sa mukha at hinawakan ang kanyang kamay.

"Tiyak akong matutuwa ang alpha luna kailangan nating sabihin sa lahat ang iyong kalagayan." Akmang tatalikod ito at mukhang nakalimutan ang sinabi nya kani-kanina lang. Mabilis nya itong nahawakan sa braso.

"Gusto kong pansamantalang maging lihim ito sandra maaasahan ba kita?" Nakita nyang nagtataka ito pero mabilis ding tumango.

Napangiti sya nang makita ang labis na tuwa sa mga mata nang babae dahil sa nalaman mukhang magiging isang mabuting tagapangalaga ang babae sa magiging anak nya.

Niyaya nyang maglakad-lakad ang babae dahil nakaramdam sya nang pagkaburyo gusto nyang makakita nang maliliit na wolf na mukhang pinaglilihian nya pa.

Tingin nya ay kuminang ang kanyang mga mata nang makakita nang baby wolf na naglalaro sa labas nang mansyon mabilis nya itong nilapitan dahil sa tuwa na nararamdaman.

Pag naipanganak ang mga lobo ay lumalabas sila sa pagiging tao at pagdating nang ika-isang taon ay lumalabas naman ang pagiging lobo nila sa mismong kaarawan.

Hanggang sa magtatlong taon sila ay ganon ang kanilang wangis. Babalik lang ang pagiging tao nila sa oras na sumapit ang ikatatlong kaarawan nila.

Lumapit sya sa batang lobo at kinarga ito natawa pa sya nang agad na kiniskis nito ang ulo sa kanyang dibdib. Hinaplos nya ang malambot na balahibo nito sa ulo muli syang natawa nang gumawa ito nang ingay.

Ibinaba nya ito at hinayaang maglaro muli balak na nyang bumalik sa kanilang silid dahil nakaramdam sya nang antok. Habang naglalakad sila ni sandra papasok sa sentro nang mansyon ay natigilan sya nang makitang pumasok doon ang lalaki kasama ang beta nito at may kasama pa silang iba.

Kumunot ang kanyang noo nang makita kung paano hawakan at alalayan nang lalaki ang kasama nito.

Naglakad sya hanggang sa marating nya kung nasaan ang mga ito. Tila napako sya sa kinatatayuan nang makita ang mukha nang kasama nito.

Kita nyang natigilan ang lalaki nang makita sya, Ang masayang mukha nito habang inaalalayan ang babae ay biglang nawala nang makita sya nito.

Nanikip na naman ang dibdib nya nang makita kung paano nawalan nang emosyon ang lalaki habang nakatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata na tinitigan nya ito bago inilipat ang tingin kay rex na nakaiwas lang nang tingin sa kanya.

Ibinalik nya ang tingin sa kaharap at napatitig sa babaeng kasama nang mga ito nakita nya ang ngising sumilay sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya na agad din namang nawala hindi nya alam kung bakit kinabahan sya sa ngising yon.








































TAMED HIMWhere stories live. Discover now