Chapter 6

92.6K 1.9K 218
                                    

@ irishgreen. This chaps is for you. Thanks for supporting SWME from the start.


Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng elevator, magkaharap kami ni Alex na nakatayo sa magkabilang side, ni isa sa amin walang gustong maunang magsalita mula nang pumasok kami sa loob.

Gone was the smirk on Alex's face, galit na at madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin, expecting me to say something.

Nakikipagmatigasan ako sa kanya, wala akong planong maunang magsalita dahil naiinis ako sa ginawa nitong parang pambabastos kay Dave. Ni hindi ako nakapag paalam ng maayos dito dahil basta na lang ako hinila ni Alex papasok ng building at hindi binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa loob.

Kaya kung meron mang dapat na magalit, walang iba kundi ako.

"Are you going to ignore me the whole night dahil naistorbo ko ang plano niyo ng lalaking 'yun." hindi nakatiis na sumbat kaagad ni Alex pagkapasok namin ng condo.

Humarap ako dito. "His name is Dave at hindi ako naiinis dahil naistorbo mo kami. Naiinis ako dahil pinahiya mo yung tao when all he did was to offer his help." sagot ko sa nairitang boses.

"For what? So he'll know where you live? so he can drop by anytime for a friendly visit! you are more worried about his feeling but it never crossed your mind to ask me how I am. I was there outside, waiting for you for five goddamn f*cking hours!"

Taking a deep breath, napapailing na lang ako sa akusasyon ni Alex, ayaw kong patulan ang galit nito bago pa ito mapunta sa away. Hindi niya kilala si Dave para pagbintangan niya ito na may motibo sa alok nitong pagtulong sa akin.

Dave might be a flirt pero ni minsan, hindi ito nagparamdam or nagpakita na interesado ito sa akin.

"I'm tired Alex, all I wanted is to have a bath and sleep. I will not be a good company for you tonight kaya mabuti pang umuwi ka na lang muna at saka na tayo mag-usap." I said in tired voice.

He was stunned sa sinabi ko na hindi ito nakapagsalita, kahit ako nagulat sa sarili ko. Hindi ko akalain na darating ang panahon na I would deny myself of Alex's company when he's right here.

In flesh and blood.

I guess, nakatulong ang ilang araw na wala kaming kumunikasyon. Nasanay na akong lilipas ang mga araw na hindi ko naririnig ang boses nito.

Iniiwasan kong mapatitig sa mga mata nito at baka magbago ang desisyun ko, I need to get away from his presence kaya mabilis na dinampot ko ang backpack na nilapag niya sa sahig, bitbit ito na pumasok ako ng kusina kung nasaan ang laundry area.

Binuksan ko ang washing machine at binuhos ko ang lahat ng laman sa loob. I was setting the timer nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Alex took my word and left.

I just realized of what I did na nanghihina na napasandal ako sa likod ng pinto. Nawala ang tapang na pinapakita ko kanina kay Alex at napalitan ito ng pangamba. Am I ready to face the consequence of my action? Paano kong tuluyan na siyang hindi magpakita sa akin?

Ngayon lang din pumasok sa utak ko ang sinabi nito, na naghintay ito sa akin ng limang oras sa labas. Bakit hindi na lang siya umalis when he found out I'm not at home. Sa ugali nitong mainipin, isang himala na nakatagal siya ng limang oras sa paghihintay sa akin.

Napalitan tuloy ng guilt ang inis na nararamdaman ko kanina lang.

Tama lang din sana ang dating ko kung hindi lang nag-aya si Dave na kumain sa restaurant na malapit sa drop off point namin. Ilang araw na halos puro de lata lang ang kinakain namin that I craved for good food kaya sumama ako sa paanyaya nito.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon