CHAPTER 20.

6.8K 95 2
                                    

Carter POV’S

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sya ang himbing ng tulog. Napaka anghel kung matulog pero kung magising parang dragon.

Tinignan ko sya ng maigi at umiling sa sarili ko. Bakit ko ba sya tinititigan ng matagal? Pagkatapos ng argumento naming dalawa ay pumasok na ko sa loob ng kwarto kagabi.

Hindi ko sinagot ang tanong nya dahil maski ako hindi ko rin alam ang sagot. Bakit ko nga ba to ginagawa sa kanya?

Samantalang noon, wala akong pake sa kanya kahit maglumpasay sya sa kalsada pero ngayon nag aalala na ko sa kanya.

At may kulang sakin kapag hindi ko sya nakikita at nakakausap parang hindi buo ang araw ko. Nababaliw ka na carter umayos ka.

Kumilos na ko at nagbihis papunta sa building. Nag order na lang ako ng breakfast para kay brianna. Hindi na rin kasi ako nakapagluto ng breakfast namin ngayon dahil gahul na sa oras.

Umalis na ko at saka pumunta sa kompanya. Pagdating ko roon ay umupo aga ako. “ what my appointment and my schedule? ” tanong ko sa secretary ko.

“ you have a meeting po sir about po sa kompanya at share ” saad nito. Tinignan ko sya at sexy naman ito malaki rin ang dibdib.

Kumpara kay brianna pero sulit naman. Natawa naman agad ako dahil kung ano ano sinasabi ko. “ sir, are you okay? ” tanong nito sakin.

Napabaling naman ako. “ yes i am, what time ang meeting? ” tanong ko sa kanya. “ 1:30 sir ” saad nya saka ko sya pinaalis sa harapan ko.

Sinusubukan nya ba kong i-seduce? carter umayos ka, may asawa at anak ka na hindi na pwede ang ganyan kailangan mo ng tumino para sa kanila.

Teka ano ba ang pinagsasabi ko? magagawa ko ang lahat dahil hindi naman kami kasal ni brianna pero masasaktan ko sya para ko rin syang niloko.

At parang niluwa ko rin ang sinabi ko sa ex nya. No carter wag na wag mo yon gagawin.

Napabuntong hininga ako at hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sakin. Lumabas na lang ako pero paglabas ko nakikita kong nag uusap si sarah at ang secretary ko.

Kaya lumapit ako palihim sa kanila. “ ano ang nangyari? may ginawa ba sya sayo? nahawakan ka ba nya kahit sandali? ” tanong nito kay ms laura.

Nakayuko lang si ms laura at kinabahan sa sinasabi nya. “ hindi nya po ako hinawakan pero po nakatingin sya sakin ” saad nya kay sarah.

“ okay, continue what are you doing okay? babayaran kita ” saad nito. Natawa naman ako sa gilid.

Talaga bang desperada syang makuha ako? “ ano? ” agad naman ako napatingin sa nagsalita.

Bakit nandito si brianna? Narinig nya ba ang lahat? “ pinapasuot mo ng ganyan ang empleyado dito para i-seduce ang asawa ko? ” saad ni brianna.

Nanood lang ako sa kanila at inaabangan ang sasabihin ni sarah. “ what are you doing here? wala si carter dito okay? ” saad ni brianna.

“ ano ang ginagawa ko dito? ay wow ang lakas mo naman, ano pa ba ang ginagawa ko dito? asawa nya ko at asawa ko sya ” pag t-taray nito.

Mataray pala to si brianna hindi ko alam. “ ow maybe you forget, you rushed to our wedding and took him from me ” saad ni sarah dito.

“ yes kinuha ko sya sayo kasi alam kong mar-resable ang buhay nya pagdating sayo ” saad nito. “ what are you talking about? ” pagtataka nito kay brianna.

“ mag isip ka kung ano ang sinasabi ko at pwede ba? ” lumapit naman si brianna kay sarah. “ wag na wag kang dumidikit sa asawa ko, he’s already mine so back off ” saka sya umalis at ngumisi dito.

Nagtago naman kagad ako. Tinignan ko si sarah at umalis naman ito. Alam kong naiinis ito kay brianna dahil sa sinabi nito.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni brianna about sakin. Kaya pumasok na lang ako kunwari.

“oh, brianna why are you here? ” tanong ko sa kanya habang nakaupo sya sa sofa. Nakataas pa rin ang kilay nito at mukhang naghahamon ng away sakin.

Don’t tell me pati ako aawayin nya. “ dito rin pala nagt-trabaho si sarah? ano sya rito? ” tanong nito sakin.
“ anak kasi sya ng lead dito sa kompanya so may office na rin sya dito ” saad ko sa kanya.

“ ah, okay? teka yung mga damit ng empleyado mo, habaan nila yung suot nila hindi sila pupunta sa bar para sumayaw sa trabaho sila pupunta ” anya nya sakin.

“ yes, gagawin ko ” saad ko sa kanya. Napangiti naman ako sa kanya. Ang cute nya magselos. “ ang saya mo ngayon ah? may nangyari ba? spill mo naman sakin ” saad nya sabay umupo sa table ko.

Upuan ba ang table ko at umuupo sya raan? Wala bang upuan? “ umayos ka sa pag upo mo, hindi upuan ang table ko ” saad nito. Sumimangot naman ito at bumulong na masungit ako.

Bumulong nga narinig ko naman. “ bakit ka nandito? ” tanong ko sa kanya ulit. “ para pa rin kagabi, ipabalik mo ko ulit doon ” saad nya sakin.

Tinignan ko sya at ayaw nya talaga na nasa isang room sya. Siguro nasanay din sya na naroon at may kinakausap na ibang tao. Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita.

“okay, i agree do what you want to do”
Anya ko sa kanya saka sya nagpaalam na umalis sakin.

Tinignan ko lang sya hanggang sa pag alis nya ng tuluyan sa office ko. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nangyayari sakin.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now