CONTINUED IN CHAPTER 25.

5.9K 82 1
                                    

Brianna POV’S

“ teka parang naalala kita? oo ikaw yon, ikaw yung nag viral sa video bakit hindi mo pa kayang mabuhay ng kayo ang anak mo? o sadyang gold digger ka lang sa ceo ng nylon group? ” sabay lapit nito sakin.

Sinampal ko naman sya kagad ng malakas. “ anong sabi mo? ako gold digger? hoy tarantado! kahit ilang pera pa ang ilalatag mo sakin wala akong pake elam! siguro walang pumapatol sayo kasi mukhang kang baboy! ” bulyaw ko sa kanya.

“ what?! ” tinaas nya naman ang kanang kamay nya na aakmang sasaktan nya ko pero may pumigil sa kanya. “ subukan mong saktan asawa ko ” saad nito sa lalaki.

Tinignan ko si carter. Bakit sya nandito? dinelete ko nga yung text nya. “ what did you say to my wife? gold digger? don't I have the right to be a father to my own child? ” tanong nito.

Pinipigilan ko naman si carter at baka kung anong gawin nya. “ she’s my wife and i love her a lot okay? mag cross pa landas natin, sisiguraduhin kong tanggal ka sa trabaho mo ” duro nito saka naman humingi ng pasensya yung lalaki.

Hinila naman ako ni carter palabas doon at saka nya ko binitawan. “ are you stupid brianna? kung hindi pa ko tatawagan ng kaibigan mo siguro nasaktan ka pa non ” saad nya sakin.

Mahal nya ko? Sobrang mahal nya ko? “ hey, are you okay? ” tanong nya sakin. “ don’t mind them ” anya nya. Tumingin naman ako sa kanya. “ kaya ba ginagawa mo sakin lahat to kasi mahal mo ko? ” tanong ko sa kanya.

Napatigil naman sya sa tanong ko. “ no, i don’t love you and i said your not my type brianna let’s go i want to go home ” saad nya sakin.

Pinigilan ko naman sya. “ kung hindi mo ko mahal, bakit mo sakin to ginagawa? ” tanong ko ulit sa kanya.
Napasapo naman sya sa noo nya.

“ what do you mean? ” tanong nya sakin. “ yung ganito, diba wala ka namang pake sakin? pero bakit may pake ka na sakin? ” tanong ko sa kanya.

“ para sa kompanya okay? saka pwede ba umiwas ka sa mga gulo brianna, hindi ka na bata para makisali sa mga ganyan ” pagsusuway nya sakin.

Para sa kompanya? pero iba na yung pinapakita nya sakin o ako lang umaasa na ganun sya? “ kung ano man ang iniisip mo dahil sa kinikilos ko sayo, tigilan mo yan brianna wala kang mapapala sakin ” saad nya saka sya umalis sa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak?  tumulo kasi bigla ang luha ko na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pinunasan ko naman agad to saka ako sumunod sa kanya.

Ano bang sinasabi ko sa kanya kanina? baka akalain nya gusto ko na sya. Brianna tumigil ka sa mga iniisip mo.

Sya na mismo ang nagsabi na hindi ka nya mahal at gusto. Isipin mo ang kapakanan ng anak mo sa paglabas mo.

Oo tama, ayokong isipin ang lahat lahat, ginagawa ko lang naman ’to dahil sa anak ko.

Dahil nga sa ayokong maging ulila ang anak ko sa ama nya. Kaya hanggat maaari kakayanin ko ang hindi mahulog sa kanya.

Ngayon alam ko na ang dahilan, gagawin ko lang din ’to para sakin at sa anak ko.

— KINAKABUKASAN —

Pagkagising ko wala na si carter sa kwarto. Ang aga nya naman ata pumasok sa kompanya. Sabagay baka may meeting sila.

Nagluto na lang ako ng makakain ko dahil gutom na gutom ako. Madami akong niluto siguro ang aga kong matulog kagabi at nakalimutan ko ng kumain kagabi.

May nag brivate naman sa phone ko kaya agad ko to kinuha. Nagtext si carter.

Ay wow? ginawa ba naman akong utusan ng kumag na to. Pinapakuha nya kasi yung envelop na nakalimutan nya sa kwarto.

Bwiset na to, pagkatapos kong kumain ay nagbihis na ko, nagtext ako kay shayla na malalate ako dahil pupunta ako sa nylon group.

Nagtaxi na ako para hindi gahul sa oras. Pagkapasok ko roon ay binati nila ako. Galing naman binabati na nila ako.

Samantalang noon halos itakwil na ko at itapon sa building na to. Nag elevator na ko at nakarating na rin sa wakas sa office ni carter.

Nakita ko na nakauwang ang pintuan na ’to, tignan mo to hindi man lang isinarado ng maayos.

Pagkapasok ko ay iba ang nakita ko. Nakatingin lang ako sa kanila habang naghahalikan. Si carter tumutugon sa halik ni sarah.

Bigla naman may tumakip sa mata ko at hinila ako palabas. “ andrew? ” tawag ko sa kanya. Hinila nya naman ako papunta sa office nya.

“ gusto mo ba umalis? wala kasi akong gagawin ngayon saka boring dito ” ngiti nya sakin. “ sige na pumayag ka na, ako bahala kay carter ” saad nya sakin.

Pinakita ko naman ang envelop sa kanya. “ what is this? ”  duro nya sa envelop. “ hintayin mo ko dito ” sambit ko sa kanya.

Agad nya naman ako pinigilan. “ kaya ka ba nandito dahil dyan sa envelop? ” tanong nya sakin. Tumango naman ako at hinablot nya to sakin.

“ ako na ang mag aabot, wait for me here ” sabay takbo nya palabas.

Napaupo naman ako sa sofa at iniisip ang kanina. Bakit ko ba yon iniisip? hayaan mo silang dalawa mag lampungan.

Hindi nya naman ako totally asawa, hindi nga kami kasal. Siguro nakuha ni andrew ang iniisip ko kanina kaya sya na ang nag abot.

Hinawakan ko ang banda sa puso ko. Kumikirot ito at hindi ko alam at biglang may tumulong luha sakin.

Bakit ba ako umiiyak?! ano ba brianna! tigil na!

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now