27

665 29 4
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Hang over. Masyado akong nakarami ng ininom kagabi.

Umuwi si Sibyl. Malinis ang buong apartment ko. Ilang minuto muna akong nagstay sa kama at hindi muna bumangon. Sobrang sakit pa ng ulo ko. Idagdag pa ang biglaang pagtunog ng phone ko dahil sa tawag.


“Hello?” sagot ko ro’n.

[“Tamara Shiloh De Angelo! What the fuck did you do?”]


Nailayo ko ang phone sa tainga ko dahil sa malakas na sinabi ni Aldrin. Anong problema niya?

“What? Kagigising ko lang. Huwag mo akong simulan,” inis na sabi ko.

[“Ako ang huwag mong simulan, Tamara. What the fuck? Pinagpi-pyestahan ka ng mga tao. Nakita mo na ba? Puro bash ang nakukuha mo ngayon!”]


Nangunot ang noo ko. Bash tungkol saan? Hindi na nga ako masyadong active sa social media.


“Kasasabi ko lang na kagigising ko lang. Malamang hindi ko pa alam kung anong tinutukoy mo,” sarcastic na sabi ko naman.

Bumangon ako at pumunta sa study table ko. Nandoon ang laptop ko. Ni-loudspeaker ko ang phone ko para mas maayos kong maasikaso ang laptop ko. I open my social media accounts.

Bumungad sa akin ang pictures namin ni Sibyl. We’re both drunk. She kissed me in my neck while I am smiling and my eyes are shut. Oh fuck?

“Nakita mo na? Puro bash ang napala mo. They called you cheater. Gosh, Tamara! What did you do?” iritang tanong ni Aldrin.


Natuon ang atensyon ko sa mga comments kaya hindi ko na nasagot si Aldrin. Sinesermunan niya ako pero hindi ko na pinakikinggan pa. Ang daming bash comments. Sobrang harsh pa nung iba.

Nagbalik sa akin ang mga panahong ganito rin ang senaryo. Ang kaibahan lang, poser ako noon. Ngayon, inaakusahan nila akong  cheater. Na pinagsasabay ko si Aleighzia at Sibyl.

“Aldrin, I need to go to Batangas. Kailangan kong makausap si Aleighzia,” sabi ko at agad pinatay ang tawag.

Nagmadali ako sa pag-aayos. Bahala na kung nandoon ba si Aleighzia o kung haharapin niya ako. Bahala na kung anong naghihintay sa akin na pangyayari.


Sobrang kabado ako. Nakarating ako ng Batangas at hinanap ko agad siya. She’s not busy. Nasa bahay lang nila siya. Nasa kwarto lang at nagkukulong.


“Leigh... Open the door, please. Let’s talk.”


Ilang beses kong sinubukang katukin siya. Nang tumagal ay pinakuha ko na ang susi sa kasambahay para makapasok na ako sa kwarto niya. Naabutan ko siyang umiinom.


“Leigh!”


Agad ko siyang pinigilan. Ang dami niyang nainom. May ilang bote pa na nasa malayong parte ng kwarto niya. Magulo ang buong room niya. Pati siya ay madungis na rin.


“Why are you here?” walang mabakas na emosyon sa boses niya.

I hold her hand. Hindi niya iniwas ang kamay niya. Hinayaan niya lang ako.


“I saw the necklace that supposed to be mine. Bakit suot ng babae mo iyon?” tanong niya.

Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Nakita niya yata ang pagtataka sa mukha ko. Kinuha niya ang phone na nasa kama niya at pinakita sa akin ang sinasabi niya.

Sibyl is wearing the necklace. Nawala ko iyon. Hindi ko alam na siya ang nakakuha. At bakit hindi niya ibinalik sa akin?


“About that necklace, naiwala ko iyan. Hindi ko alam na si Sibyl pala ang nakakuha. Leigh, I didn’t cheat. Wala akong ginawang masama o mali,” paliwanag ko.

May pinindot siya ulit sa phone niya. Isang account na maraming followers. The name of the account is Mara Shi. Mukha ko ang nandoon. Kinuha ko ang phone ni Leigh para mas makita ko ang mga post sa account na iyon. Ang recent post ay ang pictures namin ni Sibyl na nakita ko kanina.

May ilang post na stolen shots ko. May post na picture ni Sibyl at suot niya ang necklace na para kay Leigh. Ang account na ’to ay nagmukhang second account ko, na ang laman ay puro kami ni Sibyl. Hindi ko alam na may ganito. Hindi ko alam na sa bawat pagkakataon pala na nagpipicture kami ni Sibyl ay pino-post niya rito.

Sigurado akong si Sibyl ang gumagamit ng account na ’to. Dahil wala namang ibang magpopost ng mga pictures namin. Nasa kaniya ang mga pictures namin na nakikita ko ngayon. Bakit niya ginawa ito?


“You created another account for your girl, huh? Gaano mo na ako katagal niloloko?” tanong ni Leigh.

Para akong nawalan ng lakas. Iniisip niyang nagloko ako kahit hindi totoo iyon. Pero alam kong mas paniniwalaan niya ang mga nakita niyang ito kaysa sa akin. Dahil mas maraming nag-uudyok sa kaniya na paniwalaang nagloko nga ako.


“Hindi kita niloloko. Wala kaming relasyon ni Sibyl. Magkaibigan lang kami at lahat ng pictures na nakita mo ay normal lang. Bukod sa picture na kumakalat. Lasing ako niyan, lasing kami parehas. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyan.”

Pagak siyang natawa. “Gustung-gusto mo nga ang halik niya. Tell me, may nangyari na ba sa inyo? Mas magaling ba siya? Mas masarap?”

Mariin kong pinagdikit ang labi ko. Pinipigilan ang emosyon dahil ayaw kong sabayan ang galit niya.

“Wala. Magkaibigan lang kami. I don’t know why she did all of these. Siya ang may ari nung account na ’yan. Nasa kaniya lahat ng pictures namin kaya sigurado akong siya ang gumagamit nung account na ’yan at pinalalabas niya lang na ako ang may-ari.”


Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Tumayo siya. Muntik pang matumba kaya inalalayan ko na. Agad niya ring hinawi ang kamay kong nakaalalay sa kaniya.


“Pwede ba? Huwag ka na ngang magkaila pa. Inamin na sa akin ng babaeng ’yon na may relasyon kayo. Huwag mo na akong gaguhin pa lalo.”

I tried to hug her but she refuse. Ang sakit makita na halos ayaw niya nang madikit sa akin.

“We’re done, Tamara. Magsama kayo ng babae mo. Hinding-hindi na ako babalik sa cheater na tulad mo.”

Parang kutsilyong sumaksak sa akin ang mga salita niya. Nagulat ako at hindi agad nakagalaw dahil sa sinabi niya.


“Baby, I am telling the truth. Wala akong ibang babae. Lahat ng iyan ay si Sibyl ang gumawa. Wala akong alam sa kung anong plano niya. Wala akong alam sa mga ito. Come on, baby, don’t you trust me?” malambing kong sambit.

Muli siyang lumayo sa akin. Tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. I don’t see any emotion except anger.


“Kahit anong sabihin mo, hindi na no’n mababago ang katotohanan na niloko mo ako. Umalis ka na. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Ayaw ko na sa ’yo. Manloloko ka!” sigaw niya.


Bawat salita niya ay tumatagos sa puso ko. Parang punyal na tumutusok sa dibdib ko. Nanghina ako. Hindi ko magawang lapitan siya dahil sa galit na nararamdaman niya.


“Do you hear me, Tamara? I don’t want to see you anymore. I hate you so much! You cheated on me. You fucking cheated on me!”


Pigilan ko man ang luha ko, hindi pa rin ako nagwagi. Tumulo ang mga iyon habang nakatitig sa babaeng mahal ko na ngayon ay galit na galit sa akin.


“Leave! I don’t want to see you again. I hate you! I hate you so damn much!”



To be continued. . .

Stolen Beauty (Pride Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon