Chapter 11: I will run

30.1K 1.4K 142
                                    

Chapter 11: I will run

Sakura's Point of View

"Fiancee?" malakas na wika ko. "Sino? Ako?" sabay turo ko sa aking sarili.

"Nakalimutan mo na ba na engaged ka sa akin?"

"Hindi pa sira ang ulo ko para i-commit ang sarili ko sa iyo," inis na wika ko.

"Well? Sira nga marahil ang ulo mo nang pumayag ka noon," at sabay bitaw niya sa kamay ko.

 "Stop joking," inis na sambit ko.

"Then stop acting," seryosong wika niya.

"What the hell are you talking about?!"

"Itigil mo ang pag-arte mo na hindi mo maalala ang lahat, Sakura! Dahil kahit ano'ng pilit mo burahin ako sa mga alaala mo ay hindi mo kayang gawin iyon!"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Alexei!" mariin na wika ko.

Matiim siyang tumitig sa akin at hinablot niya ang braso ko upang mapalapit pa sa kanya lalo. "Sige lang ipagpatuloy mo ang pagpapanggap mo na hindi mo ako kilala, Sakura. Ipapaalala ko sa iyo ang kasalanan na ginawa mo noon."

Kasalanan?

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Hindi mo rin matandaan? Pinapahanga mo talaga ako sa galing mong umarte," at binitawan niya ang braso ko. "Ire-remind ko lang sa iyo na may family dinner tayo mamaya."

At iniwan na niya ako na naguguluhan.

Shit! Ang kumplikado naman ng buhay ni stupid Sakura.

Ang hindi ko maintindihan ay kung paano naging fiancé ni stupid Sakura si Alexei? Bakit lagi siyang binubully nito kung fiancé naman niya ang lalaki? At ano iyong kasalanan ang ginawa ni stupid Sakura?

Ang sakit sa ulo!  

Bakit ko ba pinoproblema ito?

Kailangan ko yatang basahin ang diary ni stupid para maliwanagan ako sa mga nangyayari. Puro si Kanluran kasi ang nakasulat doon. Tsk!

Natigil ako sa aking pag-iisip na maalala ko si Russell Mae. Tama! Siya lang ang kaibigan ni stupid Sakura at marahil alam niya ang mga nangyayari noon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa upang itext siya. Mabilis naman nagreply ang bruha. Nasa  library lang daw siya.

Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa library.

Napataas ang aking kilay na makita ko ang grupo ni Tara na nasa harapan ko. Mabuti na lamang ay hindi nila naramdaman ang presensiya ko.

 "I'm excited na, Tara! Paniguradong panalo kana," masayang wika ng isang babae.

"Yeah! Sure na kami na ikaw ang susunod na magiging president ng student council."

Napataas ang kilay ko sa narinig ko. So? Balak niya sumali sa election? At president pa ang pinangarap niya? Funny!

"I know, girls. Walang sino man ang pwedeng tumapat sa akin," mayabang na wika ng isa at panigurado akong si Tara ang nagsabi niyon.

"Of course, nandiyan ang Kuya Cash mo para suportahan ka ng Delta Psi Omega."

"Pati si Alexei ay susuportahan ka."

"Kung nagkataon pati na rin ang Alpha Kappa Omicron."

Kahit hindi ko tignan ang mukha ni Tara panigurado ay tuwang-tuwa siya.

"Kapag ako ang nanalo, humanda si Sakura. Gagawin kong miserable ang buhay niya," at maarte siyang tumawa na kinataas ko ng kilay.

Talaga lang ah?

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon