29

688 37 7
                                    

Napagtanto kong hindi ko man lang pala naalok si Yves ng maiinom man lang. Tumayo ako at kumuha ng juice sa ref. Naglagay na rin ako ng tubig sa baso para may pagpilian siyang inumin.

“Sarado pa ang isip ni Zia. Sobrang nasaktan siya sa nangyari sa inyo,” sabi niya.

Nilapag ko ang inumin at juice sa table na nasa tapat niya. Umayos ako ng upo muli sa tapat niya.

“Ayaw niya na akong makita. Nagkausap kami at iyon ang sinabi niya. Tinapos niya ang relasyon namin at ayaw niyang makita pa ako ulit,” sabi ko naman.

Uminom muna siya sa tubig na nilapag ko. Bigla akong nahiya, kanina pa kaya siya nauuhaw? Hindi ko siya agad na-offer-an ng maiinom kanina.

“Gano’n talaga si Zia kapag galit, kung anu-anong nasasabi niya tapos pagsisisihan din naman kapag nahimasmasan na.”

Mas kilala niya si Leigh dahil mas madalas silang magkasama. Mas matagal silang magkaibigan. Alam niya ang ugali ni Leigh.

Pero alam ko rin na hindi ako agad agad mapapatawad ni Leigh. Para sa kaniya, nagloko ako. Para sa kaniya, cheater ako. Kahit na hindi iyon totoo, iyon ang paniniwalaan niya dahil may ‘ebidensya’ siya sa nangyari.

“Bakit hindi siya sumama?” tanong ko.

Ayaw ko muna sanang pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan namin ni Leigh. Kahit na alam kong ang ipinunta ni Yves dito ay ang tungkol doon.

“Hindi ko sure. Pero tinanggihan niya ang offer sa kaniya rito,” sagot niya, muling uminom sa basong hawak.

Napatango na lang ako. Baka kasi ayaw niya talagang magkita pa kami. Baka iniisip niyang pupuntahan ko siya kapag nandito siya sa Manila.

“Kailan ang balik mo sa Batangas?” tanong ko ulit.

Kasi sa ilang araw kong nakatambay rito sa apartment ko, naisip ko na lang na bumalik na sa Singapore. Mas okay siguro na nandoon na lang ako.

“Two days pa. Why? May gusto kang ipasabi kay Zia?” tanong niya, bakas ang pang-aasar.

Bahagya akong tumango. Iniwas ko muli ang tingin ko kay Yves dahil mas lalo niya lang akong inasar gamit ang ngisi niya.

“Pakisabi na huwag niya nang tanggihan ang mga offers sa kaniya rito sa Manila. Aalis na ako, lalayo na ako sa kaniya katulad ng gusto niya. Ayaw kong madamay pati ang career niya dahil sa nangyari sa amin.”

Hindi agad nakasagot si Yves. Nagulat siguro siya at hindi inasahan na iyon ang gusto kong ipasabi sa kaniya para kay Leigh.

“Saan ka pupunta? Babalik kang Singapore?” tanong niya.

Tumango ako. Bumaling ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Para pa siyang natataranta.

“Paano kung hanapin ka ni Zia? Hindi ka naman kayang tiisin no’n. Magiging okay rin kayo, subukan mo ulit kausapin,” taranta na ngang sabi niya.

Sa isip ko ay natawa na lang ako. Hindi ako kayang tiisin ni Leigh? Naalala ko na halos isang linggo o umabot na nga yata iyon ng isang linggo na wala siyang paramdam sa akin. Ni text man lang ay wala. Siguro ay noong mga panahon na ’yon ay may natanggap na siyang kasinungalingan galing kay Sibyl.

“Gusto ko nang bumalik sa Singapore. Nandoon ang buhay ko. Wala naman na akong rason para magstay pa rito. Halos lahat ng mahal ko tinakwil na ako,” sambit ko.

Naalala ko kung paano ako sinalubong ni Mommy ng mga salita niya. Ilang taon kaming hindi nagkita tapos gano’n ang bumungad sa akin. Ang sakit sakit lang. Tapos ngayon, si Leigh, tinakwil niya na rin ako. Ayaw niya na rin akong makita.

“Tamara, huwag ka namang umalis muna. Try mo ulit kausapin si Zia. Baka kalmado na ’yon. Mahal ka no’n, hindi no’n matitiis na mas lumayo ka sa kaniya,” ani Yves.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Tinakwil ako ng Mama ko noong nakaraan lang. Tapos si Leigh, tinakwil niya na rin ako. Nasasaktan ako. Gustuhin ko mang sumubok ulit na kausapin siya, pero natatakot akong baka sa pangalawang pagkakataon ipamukha niya rin sa akin na hindi niya ako kailangan.”

Tumulo ang mga luha ko. Kumikirot ang dibdib ko. Akala ko hindi ako iiyak. Kasi sa ilang araw kong nakakulong dito sa apartment, gustuhin ko mang umiyak ay wala namang luhang lumalabas sa mata ko. Pero bakit ngayon...bakit ngayon umiiyak na ako.

“Oh Gosh! Sana pala pinilit ko si Zia na sumama!”

Lumapit sa akin si Yves at niyakap ako. Parang nagtrigger pa iyon para lumabas pa lalo ang luha ko. Iyak ako nang iyak. Hinahagod niya ang likod ko para mapakalma ako.

“Sorry. Gusto kong magkaayos kayo ni Zia. Hindi ko alam na may iba ka pang pinagdaraanan,” bulong niya.

Hinayaan niya akong umiyak lang. Wala siyang imik pagkatapos niyang sabihin iyon. Maging ako rin ay walang ibang ginawa kundi ang humagulgol.

“Kailan ka aalis?” tanong niya.

Kalmado na ako. Hinayaan niya ako kanina na umiyak, pagkatapos no’n ay ilang minuto na nakatulala lang ako habang pinanonood niya naman ako. Binasag niya lang ang katahimikan ngayong nagtanong siya sa akin.

“Next week. Kakausapin ko pa si Tita, baka mabigla na uuwi ako ro’n. Siya na rin siguro mag-aayos ng flight ko,” sagot ko.

“Wala ka na talagang balak na kausapin si Zia?” tanong niya sa naninimbang na tono.

Umiling ako. “Kapag maayos na siguro lahat saka ako babalik. Siguro mas kailangan muna naming magfocus sa sarili namin,” sagot ko.

Kaya naman nang makaalis si Yves ay agad kong tinawagan si Tita. Binungaran niya ako ng sermon. Hindi ko na nga magawang makasingit sa pagsasalita.

“Okay na? Pwede na akong magsabi ng gusto kong sabihin?” sarcastic na tanong ko.

[“Bruhilda ka! Oo pwede na!”] singhal niya.

“Tita, book mo akong flight pauwi r’yan. Gusto ko nang umuwi sa ’yo,” simula ko.

Pwede akong umuwi sa kaniya. Wala naman akong balak magtagal doon. Siguro ilang buwan lang, after no’n ay baka umalis din ako.

[“Oo sige. Ako na ang bahala. Basta pagdating mo rito ay sasabihin mo sa akin lahat ng nangyari.”]


“Yes, tita. Thank you.”



Natapos ang tawag namin ni Tita. Siya na rin daw ang bahalang mag-asikaso ng mga kailangan ko pa. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pag-aaral ko rito. Pero sa tingin ko ay hindi muna siguro. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong bigyan ng oras ang sarili ko.


Mahal ko sila pero nasasaktan din ako. Masakit ipagtabuyan ng mga taong mahal mo. Hindi ko alam kung paano pa ang gagawin ko.

Dumating ang araw ng flight ko. Handa na akong umalis ulit ng Pilipinas. Noon, umalis ako dahil ayaw ni Mommy sa akin. Ngayon, aalis ako dahil ayaw pa rin niya sa akin.

Noon, umuwi ako rito para kay Aleighzia. Ngayon, aalis din ako para sa kaniya. Kasi ito ang gusto niya. At lahat ng gusto niya ay gagawin ko...kahit na ikasakit pa iyon ng damdamin ko.



To be continued. . .

Stolen Beauty (Pride Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon