30

722 31 2
                                    

Sinalubong ako ng yakap ni Tita. Hindi ko alam kung dahil ba sobrang miss ko siya kaya ako umiiyak ngayon, o baka may ibang dahilan pa.

Isang taon lang akong mahigit nawala rito pero parang ang laki na ng pinagbago niya. Medyo pumayat siya—mas bagay sa kaniya. May nag-iba rin sa ayos ng bahay. Sila pa rin yata ng boyfriend niya hanggang ngayon.

“Tita...” umiiyak pa rin ako.

Pinunasan niya ang mukha kong basang-basa ng luha. Pero kahit na gano’n ay patuloy pa rin namang tumutulo ang luha ko.

“Magpahinga ka muna. Kararating mo lang,” aniya.

Inalalayan niya pa ako papunta sa kwarto ko noon. Wala ring nagbago ro’n. Pinaupo ako ni Tita sa kama.

“Mamaya tayo mag-uusap. Magpahinga ka na muna,” muling sabi niya.

Medyo hindi nga maayos pakiramdam ko. Wala rin kasi akong ginawa sa eroplano kundi ang umiyak. Pakiramdam ko nga magkakasakit pa ako ngayon.

Hinayaan ako ni Tita na magpahinga muna. Hindi rin naman ako tumutol pa dahil kahit ako ay gusto ko rin talagang magpahinga na muna.

Nakakapagod. Sobrang nakakapagod lahat ng nangyayari sa buhay ko.

“Tamara! Oh My Gosh! Bruha ka!”

Nagising ako sa malakas na boses ni Aldrin. Idagdag pa na halos sakalin niya na ako sa pagkakayakap niya sa akin ngayon.

“Drin, hindi ako makahinga,” sambit ko.

Binitawan naman niya agad ako. Naupo siya sa tabi ko. Halos mangiyak-ngiyak pa at nakanguso, pero matalim ang tingin sa akin.

“Bruha ka talaga! Hindi ko alam na uuwi ka. Kung hindi ako tinawagan ni Tita, hindi ko pa malalaman na nandito ka na ulit!” himutok niya pa.

Umupo ako ng maayos. Si Tita ay nakatayo lang sa may pintuan at pinanonood kami ni Aldrin na magbangayan.

“May pagkain sa kusina, Tamara. Kung gutom ka ay kumain ka na lang muna,” sabi ni Tita

“Mamaya na siya kakain, Tita. Ikwento niya muna kung bakit nandito siya,” mataray namang sabi ni Aldrin.

Walang hiyang lalaki ’to. Gutom na ako. Ilang oras din akong nakatulog. Pakainin muna niya ako bago ako pagtsismisin.

Bumangon na ako ng tuluyan. Hinatak pa ako ni Aldrin kaya napabalik ako sa kama. Kinutusan ko na siya dahil sa ginawa niya.

“Kakain muna ako! Anong oras na hindi pa ako kumakain!” inis kong sabi sa kaniya.

“Tara! Kwento mo sa amin ni Tita ang nangyari habang kumakain ka,” maarte niya pa ring sabi.

Kaya naman hanggang sa hapag nga ay sumunod sila at hinintay akong magkwento tungkol sa nangyari. Inuna ko ang kay Mommy.

“Wala talagang mabuting ginawa iyang nanay mo. Kumukulo na dugo ko sa kaniya,” sabi ni tita.

“Ang harsh din nung mga sinabi niya sa ’yo. Grabe kahit ako aalis talaga ng bansa kapag gano’n,” sabi naman ni Aldrin.

Hindi na ako kumibo dahil abala ako sa pagkain. Kung anu-anong sinasabi nila tungkol kay Mommy.

“Huwag na huwag ka nang magpapakita sa kaniya, Tamara. Hayaan mo siya. Kahit anong mangyari ay huwag mo na siyang babalikan ulit doon,” galit na sabi ni Tita.

Mapagtimpi siyang tao pero dahil sa ginawa ni Mommy sa akin nitong huli ay mukhang nasagad na ang pasensya ni Tita.

“True! Grabe rin kasi talaga ang mga sinabi. Kaya tama lang din na nandito ka na ulit, Tamara!” si Aldrin.

Uminom ako ng tubig dahil balak ko ulit magsabi sa kanila.

“Hindi ako magtatagal dito. Siguro two to three months lang ako rito, Tita. Lilipat ako ng ibang bansa,” sabi ko na.

Parehas silang nagulat sa sinabi ko. Si Tita ang unang nakabawi.

“Bakit? Hindi ka babalik na sa Pinas?” tanong niya.

“Babalik ako, pero matatagalan siguro,” sagot ko.

Muli kong binalik ang atensyon ko sa pagkain. Patapos na rin naman ako sa kabila ng pagdaldal sa akin ni Tita at Aldrin.

“Anong plano mo?” tanong ni Aldrin.

Nandito na kami ngayon sa sala. Katabi ko sila ni Tita. Nakasandal pa sa akin si Aldrin.


“Hindi ko pa alam. Dito muna ako for the at least two months. Saka ko na iisipin ang ibang plano ko,” sagot ko.

Tinapik ni Tita ang balikat ko. “Basta kahit anong desisyon mo ay sabihan mo ako, a. Ayaw kong mag-alala ng sobra sa ’yo, Tamara. Umayos ka!” bilin niya pa.

“Hiwalay na kayo ni Aleighzia?” tanong ni Aldrin na naman. Lahat ng tsismis hindi niya palalampasin.


“Ano bang nangyari?” tanong naman din ni Tita.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ko sila sinagot.

“Hiwalay na kami. Akala niya nagcheat ako sa kaniya,” sagot ko.


“Bakit naman niya inakalang nagcheat ka?” si Tita.


Umayos ako ng upo kaya napaayos din si Aldrin. Muli naman ding sumandal sa akin pagkatapos. Miss na miss ako nito

“May nakilala akong isang babae sa apartment na tinutuluyan ko sa Pilipinas. Magkalapit lang kami ng apartment kaya madalas kaming magkasama,” panimula ko.


Nakikinig naman sila sa akin. Hindi ko rin naman kasi masyadong nasabi sa kanila ang mga tungkol sa buhay ko ro’n dahil hindi ko sila madalas na kausap.


“Hindi ko alam na may gusto siya sa akin. Gumawa siya ng account na nagmukhang dump account ko. Lahat ng post doon ay pictures naming dalawa na walang malisya noong kinuhanan namin. Pero dahil sa posts niyang iyon, nagmukha kaming may relasyon.”


“Nakita ni Aleighzia ang mga posts?” tanong ni Tita.


Tumango ako. “May chats din sa kaniya si Sibyl. Pati ’yung necklace na regalo ko dapat kay Leigh, nawala ko at hindi ko namalayan na nakuha pala ni Sibyl. Inakala ni Leigh na binigay ko iyon kay Sibyl,” dagdag ko.



“So sa madaling salita, si Sibyl ang may pakana kung bakit kayo nagkahiwalay ni Aleighzia. Nasaan ang Sibyl na ’yon? Sasabunutan ko!” gigil na sabi naman ni Aldrin.

I sighed again.

“Umalis si Sibyl. Hindi ko alam kung saan pumunta. Hindi ko rin ma-contact. Tumakas siya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at ginawa niya iyon lahat,” sagot ko.

Aldrin hissed. “Obvious namang ginawa niya iyon para sirain kayo ni Aleighzia. Kasi may gusto siya sa ’yo. Things we can do for love, eh?” aniya.

Niyakap ako ni Tita. Bahagya ko namang tinapik ang braso niyang nakayakap sa akin.

“Tinaboy ako ni Leigh. Ayaw niya na akong makita. Tinaboy ako ni Mommy, tinaboy rin ako ni Aleighzia.”


“Hush...pwede mo pang balikan si Aleighzia kapag okay ka na, kapag pwede pa,” sabi pa ni Tita.


Kapag pwede pa. Sana nga kapag bumalik ako ay pwede pa. Sana matanggap pa ako.

Kung may iba na siya pagbalik ko, matatanggap ko ba? Makakaya ko ba? I love her so much. Hindi ko alam kung makakausad ba ako kapag gano’n nga ang nangyari.


“Sa ngayon, sarili mo muna ang isipin mo. Sarili mo muna ang mahalin mo. Kasi kahit hinsi mo sabihin, alam kong sobrang nasasaktan ka,” ani Tita.




To be continued. . .

Stolen Beauty (Pride Series #3)Where stories live. Discover now