p r o t e c t i o n 37

754 35 14
                                    

"H-Hoy, MISS SE—Steph, okay ka lang?"

natauhan naman ako kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at ilang sandali pa ay napahawak siya sa noo ko.

"May sinat ka." Ang sabi niya kaya agad niyang binuhay ang makina at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Ayos lang naman ako," mahina kong sabi.

"Hindi kita dadalhin sa Hospital, hindi naman malala, sa condo nalang." Sabi niya and he smiled at me with an assurance.

Napaiwas na naman ako ng tingin, tae, bakit bumibilis ang pintig ng puso ko? Kumawala ako ng hininga at tumingin nalang sa labas, umuulan pala kaya nilalamig ako.

Nagpark si Josiah sa rooftop, malapit kasi 'dun ang condo unit namin, para na rin hindi kami mabasa.

Lalabas na sana ako ng kotse pero pinigilan niya ako, una siyang bumubaba at pinagbuksan niya ako, hindi pa ako lumabas dahil nakakapagtaka, hindi naman siya ganito dati, ay—oo, pero nakangisi siya—pero ngayon iba na ang aura niya, bumabait ba si Josiah? Tae, mukhang di bagay sa mukha niya!

"May sinat ka kaya,"

Di ko na siya pinatapos dahil bumaba na ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago ano?" komento niya kaya tiningnan ko siya—bakit puro nalang ako tingin? Napipe ba ako?

"Maldita ka pa rin at snob." Nakangiti siya inalalayan niya ako.

"Wag mo nga akong alalayan." Reklamo ko.

"Steph naman, nag-aalala ako sa baby natin." Sagot niya kaya napaisip na naman ako.

Baby natin? Nagbago na ba ang isip niya? Natin? Anak namin?

Pagkatapos ba nito—pagkatapos ba ng pagbubuntis ko kukunin niya ang bata?

"Nagspa-space out ka na naman Stephanie." Komento niya nang mapansin niya akong nakatunganga.

"Tara na nga!" sigaw ko, umiling lang siya saka niya ako sinundan.

Pagkapasok namin ni Josiah sa condo unit namin ay nabigla ako dahil marami na namang mga paperbags sa living room, hindi ba matatapos ang pagbibili ng mga baby stuffs? Sino ba kasi ang pasimuno nito?

"Suportado talaga tayo." Ang nasabi ni Josiah saka niya tinabihan ang mga paper bags sa couch, binuksan niya ang mga ito at mga gamit pambata nga, hindi na ako nagtataka.

"Sa kusina lang ako." Pagpapaalam ko.

"Magluluto ka ba? Hindi ka naman marunong magluto e."

Aba tae, ano 'yun, insulto o nagsasabi ng totoo? Nagmamagandang-loob na nga ako tapos ito siya, nang-aasar.

"Para sa ikauunlad ito ng bansa natin Josiah, magluluto ako." Ano nga bang silbi ko?

Teka, bakit parang pinoportray ko na ang magiging misis!?!

"Sige nga, ano ang kaya mong lutuin?" he crossed his arms wearing his silly face.

"Noodles." Sagot ko saka umiwas ng tingin, hinarap ko na ang flat stove at mag-uumpisa na sa pagluluto.

"Hay naku, Steph, 'wag mo na pahirapan ang sarili mo, ako na ang magluluto." Pag-alok niya sabay agaw sa pwesto ko.

"Umupo ka nalang diyan." Sabi niya sa akin kaya napasimangot ako pero umupo rin naman.

"Saan ka ba natutong magluto?" tanong ko.

"Tinuruan ako ni Kyungsoo." Sagot niya pero di niya ako tiningnan. Si Kyungsoo—ang kwago niyang bestfriend na bumalik na sa ibang bansa.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon