33

724 32 3
                                    

She’s crying in front of me. My heart hurts while seeing her crying right now. Kahit punasan niya pa ang luha niya, pilit pa rin itong bumabagsak.


“Oh right! May girlfriend ka na nga pala,” nasabi ko na lang.

Sinusundan ko siya simula noong bumalik ako rito sa Pilipinas. Kapag may mga events ay nanonood ako mula sa malayo. Seeing her smile because of the achievements she have, I am so happy, too. Sobrang proud ako sa kaniya.

“Wala akong girlfriend,” tugon niya.


Umangat ang gilid ng labi ko. Masarap pala sa pakiramdam na makumpirma mismo sa kaniya na wala siyang girlfriend.

So ako pa rim ang mahal niya? O aasa lang ako sa isiping iyon?


“Boyfriend, then?” I asked.


She hissed.



“Let’s talk later. Magkita tayo mamaya,” sabi ko.


Nilagay ko sa kamay niya ang calling card ko. Pwede siyang sa condo ko na dumiretso para mas maganda at mas matagal ang maging usapan namin.

Umalis ako pagkatapos naming mag-usap. Hihintayin ko na lang kung tatawagan niya ba ako at makikipagkita ba siya sa akin mamaya o hindi. Naghanap na lang muna ako ng tatambayan. Wala naman akong gagawin sa condo ko.


Tumawag pa si Aldrin sa akin. Nandito ako ngayon sa labas ng cafè. Wala akong ibang mahanap na tambayan kaya rito na lang ang napuntahan ko. Bumili na rin akong kape para hindi naman nakakahiyang tumambay kahit sa labas lang.


“Pauwi na ako, sis!” masayang balita ni Aldrin.

Humihigop ako sa kape ko nang sabihin niya iyon. Halos maibuga ko pa tuloy dahil sa sinabi niya.

“Kailan?” tanong ko.

Nagpupunas ako ng bibig dahil bahagyang natapon ang kape dahil sa gulat ko.


“This week!” Tumili pa siya sa kabilang linya. “Hindi ko dapat sasabihin sa ’yo, pero kasi excited na akong makita ka ulit!”



Bahagya akong natawa. Ilang buwan pa lang kaming hindi nagkikita simula nang umuwi ako rito sa Pilipinas. Bago ako umuwi rito ay pumunta pa muna ako sa kanila ni Tita. Ang daming sermon ang natanggap ko noon sa kanila.

“Ipapahanda ko na ang room sa condo ko para kapag umuwi ka ay may matutuluyan ka,” sabi ko naman.

Nag-usap pa kami tungkol sa mga plano niya kapag nandito na. Gusto ko sanang sabihin na masyado akong magiging busy pero hindi ko na tinuloy. Kanino ako busy? Kay Leigh? Hindi nga ako tinatawagan pa hanggang ngayon.


“I’ll call you later,” paalam ko.


Nang mamatay ang tawag ay agad akong tumayo. Nakita ko si Sibyl. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam ko ang tindig niya. Nagbago man ang ayos ng buhok niya, alam kong siya iyon. Sinundan ko kung saan siya nagpunta.


“Sibyl!” malakas kong tawag para makuha ang atensyon niya.


Bumaling siya sa akin at bahagyang nagulat nang makita ako. Akala ko ay tatakbo siya o iiwas sa akin. Pero nakahinto lang siya at hinintay akong makalapit.


“Tamara...” mahinang usal niya sa pangalan ko.


I heave a sigh.

“Can we talk?” tanong ko.


Stolen Beauty (Pride Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon