Chapter 48

68 1 1
                                    

Here na!   nancy_pedron28 Sorry ngayon lang.


*****

"Ano bang pinagsasabi mong may iba akong asawa ha?" Singhal ko sa kanya.

"T-that F-fabio. Is h-he your husband right?" Nautal na sabi nito na maslalo kong ikinasalubong ng dalawang kilay.

"Baliw ka ba? Eh, ano 'to?" Tanong ko sa kanya at pinakita ang sing-sing na nasa daliri.

Ang wedding ring namin.

"T-the ring." Nauutal parin na sabi nito. At hinaplos ang sing-sing sa kamay ko.

"Kahit kailan Zedrick, hindi ko hinubad ang wedding ring natin. At kahit na kailan hindi kita pinagpalit sa ibang lalaki dahil ikaw parin hanggang ngayon ang tinitibok ng puso ko." Mahinang sambit ko sapat na para marinig niya.

Nagulat ako nag tignan ako nito ng masama.

"Liar." Mahina at madiin na sabi nito kaya napakunot noo ako. "You're a fuckin liar, whore----"

*PAK

Tunog ng pagsampal ko sa kanya. Nanginginig ang buong kamay ko lalo na ang kamay ko na sumampal sa pisnge niya. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko at humikbi dahil sa narinig galing sa bibig niya.

"How dare you!!!" Galit na sigaw ko sa kanya at dinuro siya. "How fuckin dare you to say those words to me! Pagkatapos mo akong gawing tanga at pinaniwala na wala kana? Na patay kana? Akala mo b-ba nagpapakasaya a-ako h-habang wala ka sa t-tabi ko?? Sa tabi namin ni Zeya!? Ha!?" Tuluyan na akong umiyak nang sabihin ko iyon sa kanya. "P-paano mo nasasabi ang mga iyan sakin? Ganyan ba ang akala mo sakin!? Ha, Zedrick!? Isa akong bayaran na basta-basta nalang makikipag sex sa iba!?" Malakas na sigaw ko sa kanya. Halos pumutok na ang mga ugat ko sa leeg at patuloy na lumundas ang mga luha sa mga mata ko.

"M-mommy, d-daddy!"

Narinig ko ang pag-iyak ng mga bata kaya mabilis kong pinunasan ang mukha ko. Bumuntong hininga ako bago ako tumingin ng malamig sa kanya at mabilis na kinuha ang sing-sing sa daliri ko.

"Ayoko na Z-zed, mag hiwalay na tayo." Malamig na sabi ko bago ko binato sa dibdib niya ang sing-sing.

Tumalikod ako sa kanya bago ko nilapitan ang mga bata. Hinawakan ko ang mga kamay nila at sabay na hinila palabas.

"M-mommy," umiiyak na sambit ni Zaya pero hindi ako nakinig.

"Akin ang anak ko."

"Aw!" Malakas na daing ni Zaya nang hilain ang braso nito ni Zedrick.

"What the! Ano ba! Nasasaktan na ang bata, bitawan mo siya! Sa akin siya sasama!" Galit na sigaw ko sa kanya at hinila palapit sakin si Zaya.

"You don't have a right para angkinin siya dahil sa akin siya! Sa akin siya lumaki at ako ang nag-alaga---"

"Dahil niloko mo 'ko!" Malakas na sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya. "Dinamay mo pa ang mga anak ko!" Umiiyak na sabi ko at humikbi. Bigla siyang napatigil at tumitig. Kinuha ko ang tyempo na 'yon para hilain si Zaya.

"Alisa!" Lumingon ako sa gate nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Fabio na kumakaway doon sa labas kaya mabilis kong hinila ang mga bata at sabay na naglakad.

"Fabio!" Tawag ko sa pangalan niya.

"Gusto ko lang ka 'yong kumustahin teka, umiiyak ka ba?" Tanong niya bubuksan ko sana ang gate nang makita ko ang kandado na nakasarado.

Napamura ako sa isipan ko at lumingon sa likod. Nakita ko siyang may dala-dalang panyo habang papalapit sa kinaroroonan at madilim na nakatingin sa akin.

Ever last (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now