Chapter 37

1.1M 20.1K 5.8K
                                    

Chapter 37

-Alys-

"Get your hands off of me," sabi sa akin ni Drake. Kanina ko pa kasi hawak yung kamay niya. Ayoko kasing humiwalay!! 

"Ayoko!!"

"Tss," sabi niya tapos isa isa niyang tinanggal yung mga daliri kong mahigpit na nakakapit sa braso niya, "we'll be late."

"I don't care!! Natatakot akong pumasok!" sabi ko. Totoo naman kasi! Nakakatakot pumasok. Ni wala nga akong kakilala ni isa dito sa Brent! Para akong nasa alternate world. Lahat sila nasa St. Claire's Academy. Ako ang the forsaken one. Huhuhu.

"You're such a child," sabi niya sabay roll ng eyes. 

"Eh bakit? Minor pa ako! 17 pa lang kaya ako!" sabi ko. Aba may reason ako para mag inarte! Minor pa ako!!

Huminga siya ng malalim, "time is running. Remove your hands."

"Drake naman!!"

Hindi na siya nagsalita. Nakatingin na lang siya sa akin kaya natakot ako. Eto kasi yung isa sa mga nakakatakot kay Drake. Pag nakatingin lang siya. Huhuhu. Minsan natatakot talaga ako, promise!!

Binitawan ko na siya at nagsimulang maglakad papunta sa Brent Academy. </3

Sana po, Lord, magkaroon ako ng friend. Kahit isa lang po. Kahit panget pero sana po wag naman yung mabaho..

"Noob," narinig kong sabi niya.

=____=

Hindi ko siya pinansin. Hmp! Pagkatapos niya akong takutin sa tingin niya?? Grrr! Kasalanan din 'to ni Aya eh!! Pa promise promise pa siya na forever kaming magkasama! May kasamang pinky swear pa yun pero ano ang nangyari?? Iniwan niya ako!! Huhuhu! 

"My noob.."

Mygash.

>.> ---> hindi ako nakatiis kaya humarap na ako. Kasi naman oh! My noob daw!!

"Ano??"

"Good luck," sabi niya sabay talikod at naglakad siya papunta sa main gate ng SCA.

Shems. Kalma lang, Alys. Simpleng good luck lang yan pero shems hindi ako mapakali kinikilig ako!!!

Para na siguro akong tanga na naglalakad papunta sa Auditorium kasi kanina pa ako nakangiti. Kasi naman eh!! Bakit ganun si Drake?? In all fairness hindi pa din siya sweet! Pag uwing pag uwi ko nga galing LA, siya agad pinuntahan ko pero wala pala siya sa condo niya!! Kainis! Effort na effort pa naman ako kahit na mahilo hilo na ako pinuntahan ko siya tapos wala naman pala!!

Nakarating na ako sa auditorium tapos nagsstart na pala yung Freshmen convocation! Sabi ko na nga mallate ako eh!

o______o

Bakit sila nagtatayuan??

Kinalabit ko yung babae sa gilid ko na parang clown sa kapal ng make up (sorry po, Lord. Nagsasabi lang po ako ng totoo!!) "Miss, bakit po kayo nakatayo?"

Inirapan niya lang ako tapos sinabi, "freshmen walk."

Ang sungit naman nito!! Hindi ka naman kagandahan, ate!! Kainis!

Tumingin ako sa paligid, lahat sila may kapartner na..

Namimiss ko na si Aya.. si Sheen..

Wala akong kakilala dito..

"Hey," may kumalabit sa akin kaya tumingin ako sa likod ko.

"Hmm?"

"May partner ka na?" sabi niya.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon