CHAPTER 23:WAKE UP CALL

58.1K 1.3K 344
                                    

Dedicated to sa Kapatid ko na si Miamor. I love you baby sister!! See you soon!! Thank you sa lahat!!

Last 2 updates nalang ito. At matatapos na siya. Available ang download link ng season 1 pero yung hindi ako mamimigay ng copy sa season 2. =)

 

Akoy na-to-touch sa mga message niyo. Kung gaano kalaki ang galit niyo kay Danita. Huwag kayong mag alala, akong bahala sakanya. Opo, ang season 1 po ay parang romantic-comedy na may konting drama. Ang season 2 po ay DRAMA-COMEDY ang genre.

 

Sana po ay suportahan niyo hanggang sa huli.

 

Enjoy Reading.. Maiksi lang to.. pero keri bum bum na yan..

 

CHAPTER 23:WAKE UP CALL

TAO’S POINT OF VIEW

Habang tumatakbo kami, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Bakit ba mas nangibabaw yung pagiging tanga ko?! Bakit ni minsan hindi ko siya pinakinggan?

''TAO.. Anong...'' nag madali ang mga nurse na ipasok siya sa kwarto niya.

''Sir bawal po muna tayong pumasok.. Mag hintay lang po muna tayo sa labas..'' abiso nung Doctor sa amin.

Sinalubong ako nina Danger at iba pa..

''Alam niyo yung sitwasyon niya??'' tanong ko sa mga ito..

''Anong nangyayare sakanya? Bakit...'' sa sobrang galit ni Danger, lumapit ito at konting konti naalang mapapatay niya na ako sa sobrang pagkahigpit ng pag hawak nito sa kwelyo ng damit ko..

''Bakit hindi niyo sinabe?! Hindi ko alam na ganyan na ang kalagayan niya.. Akala ko kase--'' pinag susuntok niya ako. Pero sa sobrang pagkabigla, pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko.

''Sinubukan naming sabihin sayo, pero kahit kailan hindi mo kami pinakinggan!! Kung kailan ka niya kailangan, dun ka wala! Alam mo ba kung gaano kasakit na makita siya na ganyan siya?! Oo nga pala, malabong mangyari yun.. Kase kahit kailan hindi mo siya pinakinggan at pinahalagahan! Wala kang ginawa kundi paiyakin at saktan siya! Pero bakit ganun?! Sa kabila ng mga bagay na ginawa mo sakanya.. Ikaw pa rin ang gusto niya!!!!''

''Danger! Tumigil kana.. Hindi makakatulong ya---'' pag aawat nina Kyd at Law sakanya.

''She was in deep pain, pero anong ginawa mo?! Lalo mo lang pinalala ang lahat! May sakit na nga siya dinadagdagan mo pa!'' halos maramdaman kong pumutok na yung kilay ko sa sobrang lakas ng mga suntok na natatanggap ko mula kay Danger.

''Mahal ko siya! Alam mo ba yun?! Pero kahit masakit, ginagawa ko ang lahat mapasaya lang siya.. at lalong masakit dahil kahit ako na ang nasa harapan niya, pero ikaw pa rin ang hinahanap niya!''

''Kahit labag man sa loob ko, nag paraya ako! Kase makita ko lang siyang ngumingiti, napapawi na yung sakit.Tao, mahal ka ni Twaylem.. Kaya kung pwede lang.. Nag mamakaawa ako, Gawin mo ang lahat para mapasaya siya. Ngayon ka niya kailangan.. Kaya sana maiparamdam mong mahal mo siya, kahit minsan mo na siyang ipinag palit sa iba.''

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon