O I F T P 44

559 29 17
                                    

To saeng, thank you for reading this and for showing your emotions through commenting hihi, mwa :*


J o s i a h

"Dude~"

Napalingon ako dahil pamilyar ang boses nito, napa poker face naman ako kasi nandito na naman sina Skyler, Nathan, Chase at aabsent pa ba ang madaldal na Levi!?

"Wala ba kayong School!? Lumayas na nga kayo dito!" pagtataboy ko sa kanila, since kakapasok ko pa lang naman ng campus kaya may oras pa para itapon ang apat na ugok na ito.

"Haha! Ano? Nastress ka na naman ulit sa future wife mo!?" tanong ni Chase saka niya ako inakbayan.

"Amazona pa rin." Ang nasabi ko nalang.

Napahawak ulit ako sa ulo ko at oo, ang sakit pa rin ng scalp ko! Pitingini!

"Okay lang 'yan, mahal mo naman diba?" tanong ni Nathan.

"Oo naman." Sagot ko kaya nag apir silang apat, mga tanga talaga.

"Tapos ano na? Dinagdagan niyo kagabi no!?" tukso ni Levi kaya binatukan ko siya.

"Ang bastos mo talaga!" komento ko kaya napa -ows naman ang mga mukha nila sa sinabi ko.

"Nagsalita ang hindi green!" sabi ni Chase

"HAHAHAHA! Baka nagbago dahil tha mithith niya!" sabat naman ni Skyler

"Ewan ko sa inyo!" ang nasabi ko nalang

"Josiah!"

Napalingon kami sa tumawag sa pangalan ko at patakbong lumapit si Kelly sa akin.

"Hi Kelly!" bati ni Levi.

"Si Stephanie!" mangiyak-iyak ang mukha ni Kelly kaya kinabahan ako.

"Asan siya!?" halos mapasigaw na ako

"Nasa Ladies room siya!" tapos tumakbo na siya pabalik kaya sinundan namin siya.

-

Natigilan ako dahil sa nakita ko, dalawang babaeng nakahandusay ang nasa comfort room.

"Stephanie!" lumapit ako sa kanya at ginigising din pala siya ni Sam.

Napansin ko namang nagising si Sienna na nasa gilid nito.

"OMG! Josiah! Don't touch her!" sigaw ni Sienna kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Siya ang may kasalanan Josiah! Babe~ dalhin mo ako sa hospital!" sigaw ni Sienna, hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa walang malay na si Stephanie.

Agad ko siyang kinarga at hiniram ko muna ang kotse ni Nathan na nakapark malapit sa building na ito.

Naiwan naman ang barkada ko, sina Kelly, Sam at Sienna 'dun.

Halos marami na akong iniisip, p-paano ang bata!?

Hindi ko na alam ang gagawin ko kung magdadrive pa ba ako o yayakapin nalang si Stephanie.

Sinabihan ko na rin si Kelly na i-contact ang parents ni Stephanie para matulungan ako kaagad.

Napasulyap ako sa nakapikit na Stephanie, halos mabiyak na ang nararamdaman ko, mas gugustuhin ko pang ako nalang 'yung nasaktan!

Nakaabot na nga kami sa hospital at agad siyang pinaproceed sa ER.

Kanina pa ako palakad-lakad sa waiting area at nanginginig pa ang kamay ko, maya-maya pa ay nakita ko ang family doctor nina Stephanie na kalalabas lang mula sa ER at hinarap niya ako.

"She's fine now, Mr. Josiah." Nakangiting sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Pero hindi pa rin ako kontento sa sinabi niya.
"What about our baby?"

Napatingin siya sa akin at parang naguguluhan.

"But there's no baby Mr. Josiah."

"What!?"

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon