TOTS 6

9.4K 148 20
                                        

Chapter 6

Natapos na rin namin ang miniature. Ang sabi ni Wyatt last week ay siya na raw ang magdadala at magpapasa sa school, tutal nasa bahay niya naman. Pumayag na ako bilang isang pabigat na halos ganda lang ang ambag. Kidding aside, tumulong naman ako. Hindi ko lang talaga kayang sabayan ang creativity ni Wyatt Taddues.

Ayos naman ang usapan namin, wala naman na siyang ibang pahabol na sinabi sa akin. Nagtataka lang ako, dahil narinig ko kay Gabi na may competition pala si Wyatt sa Vigan.

Marami naman daw sila pero syempre isa siya sa representative at buong linggo sila doon. Kaya napaisip ako kung paano niya pa madadala sa school ang project namin?

Eanah_devon:

Good morning! Ask ko lang sana, paano pa mapapasa project natin?
Nasa Vigan ka pala :)

Hindi ko naman ine-expect na mag-re-reply siya kaagad, dahil napakaaga pa at baka busy o nasa biyahe.

Wyattadues:

Good morning! Napasa ko na po :)

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Paano niya napasa? Lunes pa lang ng umaga ngayon. Alangan naman Linggo niya binigay kay Sir Heras?

Eanah_devon:

Huh? Akala ko umalis ka?

I quickly saw him typing.

Wyattadues:

Dinaan ko kaninang maaga, bago kami umalis.

Eanah_devon:

Awww, okay! Sorry sa abala.

Wyattaddues:

No problem, Eanah :)

Nag-offline na rin ako at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng classroom. Hindi naman pumasok sa isip ko, na baka nga dinaan niya nalang kanina bago umalis. Pagpasok ko sa loob ay naroon na ang mga kaklase ko, maingay na naman as usual. Dumiretso na ako sa upuan ko at indi ko namalayan na nasa likod ko pala si Gabi.

Tumabi na ito sa akin, naririnig ko pa ang iba kong mga kaklaseng nag-uusap.

"Wala si Wyatt this week! Nasa Vigan!" ani Hannah.

"Talaga? Pabili tayo pasalubong!" komento ni Dan.

Hindi ko na lang sila pinansin at inayos na ang gamit. Pumasok sa loob si Pio habang dini-dribble ang bola. Irita ko itong tinignan.

"Nag-dm ako kay Wyatt, kagabi pa. Hindi naman nagre-reply, sabi ko dala siya pasalubong!" natatawang singit nito sa usapan.

Biglang kumunot ang noo ko. Hindi siya nag-reply? Naka-chat ko siya kanina?

"Hindi naman talaga mahilig mag-reply 'yon! Minsan nga one week pa bago mag-respond, e!" si Kia.

Lalong nagsalubong ang kilay ko, natigil tuloy ang pagbukas ko ng zipper ng bag. Hindi sila nire-replyan? Bakit naman? Ang bilis niya nga mag-reply kanina. Baka naman nagkataon lang? O, dahil sa project kaya nag-reply agad?

Oo, dahil sa project.

Umiling iling nalang ako at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Ano'ng iniisip mo? Interesado ka na sa pinag-uusapan nila ngayon kasi Wyatt ang topic?" makahulugang tanong ni Gabi, ang mukha niya ang nasa gilid ko na.

Walang buhay ko itong binalingan at sinara na ang bag.

"Puwede bang pagpahingahin mo ako sa kaka-Wyatt mo? Kahit ngayong linggo lang."

Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon