Ngayon pa lang, thank you sa lahat ng bumasa. <3
Comments. Votes. Follow. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Epilogue ~ Moving on
In love, when you cry, that does not mean that your story has ended. That does not mean that you lost. Because sometimes, it is a sign of a new beginning and the start of your path in winning.
In love, not all the smiles mean happiness because there are times that smiles are used to hide a weakness. To cover the fact that you lost in the battle... of love.
But in the end, smile and tear, no matter how they were used, they will always be a part of life... Part of love.
- Chuporybeer
********
October 10, 2007
Sighs. Dinadamdam ko ang sariwang hangin habang naka-ngiti.
Yun kasi ang mga salita na huling sinabi sa akin ni Harvey. Gusto niya na lagi akong naka-ngiti. At ayaw kong ipagdamot yun sa kanya.
Gusto kong maging positibo kahit sa ganung paraan man lang. Gusto ko siyang maalala sa pamamagitan ng ngiti ko. Bigla kong narinig ang hampas ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malakas na simoy nito.
"Sus. Nagpaparamdam. Marami po kayang nakakamiss sayo. Ikaw lang eh. Sana kasi... hindi ka umalis agad. Wala na tuloy kaming kaasaran ni Vince. Miss ka namin. Nako. Ang daya talaga," sambit ko at napabusangot.
Naramdaman kong nagbabadya na naman ang mga luha ko. Kinapa ko ang mga bulaklak na nasa puntod niya at inayos ito... Sana nga, sa ginawa ko ay naayos ko at hindi mas gumulo.
Oo, hindi na ako nakakakita ngayon...
Partial blindness lang daw ito pero ewan ko ba. Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang dati kong paningin. May times na pagkagising ko, nakakakita na ako ng mga kulay o kaya bagay pero magiging itim ding muli. Ang sabi ng doctor, hudyat daw iyon na malapit na akong makakitang muli. Maghintay lang daw ako.
Habang nakaupo sa mga damuhan, naalala ko lahat ng mga nangyari sa akin. Lalo na sa mga nangyari nung dumating si Harvey hanggang sa dulo ng samahan naming dalawa.
Naalala ko, hindi ko pa man siya nakikilala ay naiinis na ako sa kanya dahil sa sinabi ng principal namin na may pagka-brat o jerk daw siya. Nung mga panahon na iyon, ayoko pa naman sa mga brats at jerks kaya na bad vibes na agad ako.
Tapos nung ipinakilala na siya sa akin nung principal, nainis talaga ako dahil sinabihan niya ako ng panget na soon ay nalaman ko din hindi naman pala totoo.
Sinabi niya sa akin yung tungkol sa nanay niya tapos nag-away pa kami dahil hindi niya nagustuhan yung sinabi ko. Nung araw na yun, nagka-usap kami ni Kyle at kumain sa restaurant na pagmamay-ari pala ng tita ni Harvey.
Hanggang sa pagligtas niya sa akin at sa tuluyang pagiging close namin dahil sa nalaman kong siya pala ang anak ni Tito Harold na noon ko pang kalaro at sa katotohanang gusto siya ng parents ko pati na rin ni Vince.
Dumating sa point na nalaman kong gusto ni Kyle si Anika at si Harvey ang nandun para mag-comfort sa akin. Hanggang sa lumpias yung panahon, na-realize ko na mahal ko na pala siya. Naghanap pa ako ng tatlong sign at saka ko tuluyang sinabi sa kanya ang totoo. Laking tuwa ko pa noon ng malamang pareho pala kami ng nararamdaman.
ESTÁS LEYENDO
Keep Smiling :)
RomanceSomeone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?
