Chapter Twenty Two

89 3 1
                                    

    MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya.

"May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.

Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya.

"Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny.

"Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.

Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.

Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.

Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.

Halos lahat ay naroon na.

"Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.

Nasa dati silang garden sa school nila noong highschool. Doon gaganapin ang magiging kasal ng dalawa. Katulad ng ibang hardin ay napapaligiran din ng iba't ibang klaseng halaman at bulaklak.

"Sorry naman na-traffic lang," pagdadahilan ni Rudny. Tinapunan niya ng pansin si Beatrice na kaagad na nilapitan ang kapareha nitong si Zebastian.

Hindi matanggap ni Rudny kung bakit sa dinami-dami ng lalaking makakapareha nito ay ang lalaking iyon pa!

Pwedi naman siya.

Pinili niyang ngumiti nang lumapit sa kanya si Camilla at humawak sa may braso niya. Sa muling pagtingin niya kay Beatrice ay napa-irap pa ito.

"Problema nito, pipili-pili ng ibang partner tapos gaganiyan," bubulong-bulong niyang saad.

"Hey! what's the matter?" Pansin naman ni Camilla sa kaniya.

"Nothing," matipid na sagot ni Rudny.

Halos sa buong sandali ng rehearsal ay hindi siya mapakali. Paano ba naman naagaw ang atensyon niya sa dalawa. Kung titignan ay sobrang sweet sa pagkakadikit at pag-uusap ang mga ito.

Sa pagkainis niya ay padabog siyang umalis sa pwesto. Hindi naman siya hinabol ni Camilla. Dahil nakahalata itong kanina pa ito badtrip.

"Anong nangyari sa partner mo, bakit nag-walk out iyon?" tanong ni Beatrice sa kapatid matapos na mag-announce na magkakaroon ng break muna.

"Hindi ba obvious na-bad trip siya sa pagmumukha niyong dalawa. Excuse me I need to use the powder room." Tuluyan na itong nilagpasan siya.

Habang si Beatrice ay naiwan na napapaisip.

"Kita mong ugali ng isang iyon, ang ayos kong magtanong..." Naiiling siyang habang sinasabi iyon.

Hanggang sa nilapitan siya ni Zebastian.

"Let's go Bea, may malapit na cafe rito doon na lang tayo magmeryenda." Aya sa kanya ng binata.

Tumango naman siya at kaagad na sumunod dito. Bakit siya tatanggi, mukhang maganda ang naisip nitong kumain sila para mawala ang inis na nararamdaman niya kay Rudny.

Lumabas na nga sila sa school premises at naglakad na lang papunta sa cafe na tinutukoy nito. Kahit paano ay okay naman ang pinuntahan nila.

"Anong gusto mong kainin?" Si Zebastian.

"Gusto ko ng latte at chocolate cake," kaagad niyang sagot.

Kahit paano ay makakatulong iyon sa mood niya.

Habang naghihintay sila ay inabala ni Beatrice ang Pagtingin-tingin sa mga nagdaraan mula sa labas ng glass window ng cafe.

Hanggang sa maramdaman niya ang pagdantay ng palad ng lalaki sa kanyang kamay.

"Kung may problema ka, you can share with me." Ang tingin nito'y nanghihikayat.

Ewan ba niya, ngunit bigla na lang niyang na-ikwento rito ang nalaman niya kamakailan kay Rudny.

Sa buong sandali na nagsasalita siya ay mataman lang naman nakikinig sa kanya ito. Hindi rin niya napigilan na mapaiyak hanggang sa matapos siya.

Dumating na nga ang order nila kaya tumahimik na sila. Ngunit, si Zebastian din ang unang bumasag niyon.

"Hindi ko aakalain na magagawa ka niyang saktan ulit Bea. Akala ko nagbago na siya," dismayado ang tinig nito.

Napayuko naman siya at hindi nakapagsalita.

Hindi niya rin naman ito maintindihan. Kung bakit nagagawa nitong saktan siya ng paulit-ulit. Pinagbibigyan naman niya ito sa sex, pero hindi na yata ito makukuntento sa kanya.

"Anong plano mo ngayon?" maya-maya ay muling pagtatanong ni Zebastian na nasa mga mata ang labis na concern.

"Hindi ko pa alam, pero gusto ko na siyang iwasan."

"Mukhang mahihirapan ka, paano ba naman lagi siyang umaaligid sa iyo. Unless hintayin mo siyang umalis ng bansa," sagot naman nito.

Buhat sa sinabi nito, ngayon pa lang ay nasasaktan na siya.

"Tara na baka hinahanap na tayo ng mga kasama natin." Nauna na itong tumayo. Sumunod na rin naman si Beatrice. Akala niya ay lalabas na ito, ngunit mukhang may binili pa ito sa may counter.

Mabilis din naman ito. Nagtaka siya dahil may take out order ito.

"Here take this, pakibigay na lang kay Jaxx Rube, ipasalubong mo," may ngiti sa labing tugon nito.

"Nag-abala ka pa, pero salamat dito. Tiyak matutuwa ang anak ko," sagot naman niya.

"I hope lagi ka sanang ngumingiti ng ganiyan. Mas bagay sa iyo Beatrice." Kakaiba ang titig ni Zebastian sa kanya ng mga sandaling iyon na para bang tutunawin siya.

Muli ay hindi na naman nakapagsalita si Beatrice. Kung ibang babae lang siya, kikiligin na siya. Paano ba naman napakaguwapong nilalang ang nagsabi niyon.

Kaso, mukhang malabong mangyari iyon dahil wala siyang makapang kahit na ano.

"Bumalik na tayo." Muling pag-aya sa kanya ni Zebastian. Inalalayan na siyang maglakad palabas nito.

Nag-usap na sila nito habang naglalakad. Kaya hindi napansin ng dalawa ang mga matang nakasunod sa kanila.

Tuluyan tinapakan ni Rudny sa may semento ang ibinatong sigarilyo naman nito na may sindi pa. Akma niyang susundan si Beatrice. Wala siyang pakialam kahit magalit na naman ito sa kanya.

Hindi niya lang gustong nakikita na sumasama sa ibang lalaki ito!

"Ano na naman bang balak mong gawin Aragon." Biglang sulpot doon si Seth.

"Pakialam mo ba, sige na." Akma siyang maglalakad ng humarang naman si Camilla.

"Umalis ka sa daraan ko Ela." Taboy niya sa dalaga. Ngunit hindi ito natinag kahit na sinamaan na niya ito ng tingin.

"Ayuko, kung ako sa iyo Rudny ay titigilan ko na si ate Beatrice. Dahil alam mo kung bakit, hindi ka bagay sa kanya," harsh na sabi naman nito sa kanya.

"Sobra ka naman magsalita, bakit sino sa tingin mo ang bagay kay Bek-Bek. Ang Zebastian na iyon, patawa ka!" Halakhak ni Rudny na naiinis.

"Bakit hindi, mabuting lalaki siya at may magandang intensyon sa kapatid ko. Habang ikaw, ano? Huwag ka ng magkaila. Ginagamit mo lang naman siya." Tuloy-tuloy na pagsasalita nito na siyang nagpakaunot-noo sa kanya.

"Pinagsasabi mo, kahit na kailan hindi ko gagawin iyan kay Beatrice!" Tumaas na ang tinig niya. Ang ibang nagdadaan ay napapalingon pa sa kinaroroonan nila.

"Mag-ingat ka sa pagsasalita Aragon. Babae iyan!" Babala naman ni Seth.

"Hoy! siya ang pagsabihan mo dahil kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga ng babaeng iyan!" gigil na gigil pa rin siya.

"Totoo naman. Sa tingin mo bakit ka iniiwasan ni Beatrice, hindi mo ba na-realize na nagising na siya. Mag-ingat ka Aragon, baka pati sa pagiging ama mo kay Jaxx Rube ay hindi mo na magawa pa. Nabigyan ka na ng pagkakataon pero ano sinayang mo. Tara na Camilla, wala na tayong magagawa sa lalaking hindi marunong magtanda." Pagkatapos sabihin nito iyon ay tuluyan na silang umalis.

Hindi pa rin makapaniwala si Rudny. Imbes na bumalik pa ay nag-stay na lamang siya sa loob ng kanyang kotse. Hanggang sa isang tawag ang gumambala sa kanya...

KAHIT naman galit si Beatrice ay hindi pa rin niya maiwasan na hanapin si Rudny.

Mukhang ganoon na yata siya, masaktan man ng ilang beses ang damdamin niya ay hindi pa rin magbabago ang pagmamahal niya rito.

"Is there any problem?" tanong ni Zebastian dahil sa hindi siya mapakali.

"Hinahanap ko lang si Rudny. Mukhang wala pa siya rito," sagot naman niya.

"Baka umalis na," maiksing sagot naman nito.

"Umalis siya? bakit naman. Importante na narito siya dapat," patuloy niya.

"Iyon nga Beatrice, importante ito sa iyo, sa Kuya mo. Pero kung mas importante ba naman ang dahilan ng pag-alis niya. Doon ay wala na tayong magagawa."

With all that words struck her deeply. Paano kung totoong mas may mahalaga kay Rudny.

Si Chloe, ito na ba ang taong mas matimbang na sa ngayon sa puso ng lalaki. Higit pa sa kanya at sa anak niya...

Mafia Boss Trapped (Season II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now