BMDN Chapter 22

116K 2.9K 271
                                    

Ang sabi nya gusto nya akong makilala, ang sabi nya gusto nyang makilala lahat ng minahal ko para malaman nya kung sino ang hihigitan nya. Pero ngayon andito sya sa bahay nya at kasama ang napa kagandang babae na ngayon ko lang nakita. Mukha syang manika at huhulaan ko lahat ng makakakita sakanya ay hindi na maiaalis ang mata sakanya.

"Baby Kisza" sabi nya saka sinalubong si Kisza at niyakap. Napatingin naman sakin ang babae at nginitian ako, mukha syang mabait.

"Hello you are?"

"Nina, Nanny ni Kisza" sabi ko, naramdaman ko ang pag hawak ni Kisza sa kamay ko.

"Oh.. Ako si Sopia, fiancee ni Spencer" aniya ngumiti ako saka nag paalam na iaakyat ang gamit ni Kisza.

Sumama sakin si Kisza sa kwarto nya, busangot ang mukha nya at napansin ko nalang na umiiyak na pala sya.

"Bakit ka umiiyak?" Nag tatakang tanong ko saka sya niyakap. Hindi sya kumibo at patuloy lang sya sa pag iyak.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Spencer.

"Kisza" tawag nya sa anak ko, lumingon naman si Kisza at pinunasan ang mukha nya.

"Sshhhh.. Hush now baby" aniya saka niyakap si Kisza at kinarga.

"S-sabi mo po hindi mo na sya girlfriend?" Tanong ni Kisza habang naka subsob ang mukha sa balikat ni Spencer.

"Hindi, hindi ko na sya girlfriend at hindi ko sya magiging asawa. Si Mommy lang ang gusto ni Daddy" aniya saka tumingin sakin, mag iwas ako ng tingin hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya pero malamang si Raquel iyon.

Nakatulog si Kisza habang karga ni Spencer. Inilapag nya sa kama si Kisza saka tumingin sakin, agad naman akong nag iwas ng tingin.

Lumabas sya ng kwarto ni Kisza at doon lang ako nag pakawala ng malalim na pag hinga. May parte sakin na nanghihinayang dahil akala ko totoo na gusto nya akong makilala at mayroon namang parte sakin na nag papasalamat dahil hindi na madadagdagan ang kasalanan ko kay Raquel.

Bumaba ako para tumulong kila Venus sa pag luluto ng hapunan.

"Tamlay ah" tudyo nya saka ako tinusok sa tagiliran.

"Baliw" natatawang sabi ko saka ipinag patuloy ang pag hihiwa ng gulay.

"Ang lakas talaga ng impluwensya mo kay Kisza kumakain na sya ngayon ng gulay, hindi na rin sya umiinom ng powder juice pag umaga" aniya saka tumabi sakin at tinulungan akong mag hiwa ng gulay.

"Tapos eto pa ah, Mommy na ang tawag sayo" sabi nya saka hinawakan ang kamay ko dahilan para matigil ako sa pag hihiwa. "May relasyon ba kayo ni Sir na hindi namin alam? Tapos nakita pa kayo ni Leslie kagabi na parehong basa at mukhang kagagaling nyo lang sa pool" aniya saka itinapat ang mukha ko sa mukha nya gamit ang dalawa nyang kamay.

"Ano kaba wala ano" sabi ko saka tinanggal ang kamay nya sa mukha ko. Wala naman talaga diba?

"Naku alam mo ba sinugod dati ng Mama ni Maam Raquel si Sir dahil nalaman nila na may girlfriend. Ang sabi pa wala pa mang isang taon namamatay si Maam Raquel e nag girlfriend na agad sya" aniya kaya napatingin ako sakanya.

"Pumupunta paba dito ang Mama ni Maam Raquel?"

"Minsan pag gusto nilang makita si Kisza, naku! Napaka sungit ng matandang iyon ibang -iba sa ugali ng anak." Sabi nya at talagang pinang gigilan ang gulay na hinihiwa.

"E si Maam Raquel mabait ba sya?"

"Sobra, at sobrang mapag mahal sa anak. Ang swerte nga ni Sir doon, kaya nga Kawawa si Kisza dahil maagang nawala sakanya ang Mommy nya, pero siguro ganon talaga"

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon