"Anak..."
This time hindi ko na hinanap kung nasan nanggaling ang boses na iyon dahil nasa harap ko na iyon mismo. I saw her smiling at me. I stopped for a second dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Mama--"
Parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya pero hindi ko magawa. Bakit ganito hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Gusto kong tawagin ulit ang pangalan niya pero hindi ko na rin maibuka ang bibig ko.
Mama,gusto ko siyang yakapin. Hindi ko alam pero umiiyak na pala ako. Nakatingin lang si mama sa akin habang nakangiti. Maya maya pa ay naging iba ang emosyon nito, naging malungkot ang kanina'y masaya niyang mukha.
"Kung nakikita mo ako ngayon,siguro wala na ako."
Habang sinabi niya iyon ay may tumulong luha sa mga mata niya. Pinahid niya iyon gamit ang kamay niya.
"Isa lang itong imahe ko naisin ko man na kausapin ka pero hindi ko na magagawa. Patawarin mo ako anak... patawad..."
Umiling ako, bakit ka naman nagso sorry ma? Gusto ko iyong sabihin.
"Siguro malaki ka na ngayon... siguro naging matapang ka dahil sa mga pinag daanan mo..." she paused for a bit at nagsalita ulit. "Ginawa ko ito dahil alam ko balang araw ay malalaman mo din ang lahat. Maguguluhan ka at magtatanong. Pero lahat ng makikita mo ay ang nangyari sa akin habang nabubuhay ako. Alam kong gusto mong malaman kung ano ang nagyari sa akin at kung sino ang ama mo. At sana maintindihan mo ang lahat,anak..."
Yun lang at unti unti itong nawawala sa harap ko. No, please huwag ka munang umalis. Gusto pa kitang yakapin. Nung nawala si mama sa harap ko ay naigawa ko nang igalaw ang katawan ko. Napaupo ako at naitakip ako ang kamay ko dahil sa iyak.
"Assiah! Diba ba sabi ni ama bawal kang lumabas?"
Tinanggal ko ang kamay ko nang marinig ang boses na iyon. Ngayon ko lang napansin wala na ako sa kanina puting paligid. Ito yung hardin na dinaanan namin kanina.
Nakita ko ai Airis na nakapameywang at nakasimangot. Mas bata itong tignan kumpara sa mukha niya nakita ko kanina at parang kasing edad ko lang siya.
"Saglit lang naman ako dito. Tsaka kung makapagsalita ka parang mas matanda ka na sa akin,ah!"
This time nabaling naman ang tingin ko sa nagsalita. Isang babae na nakalutang sa ere, lumilipad ito gamit ang puti niyang mga pakpak. Mapuputing pakpam,kung may pakpak ang mama ko bakit ako wala? Umiling ako hindi ito ang oras para isipin ang ganung bagay.
"Mama..." I whispered. Pinagmasdan ko lang silang dalawa.
"Bakit mas matanda naman talaga ako sa iyo." Airis said at lumipad din ito palapit kay mama.
"Oo matanda ka na pero segundo lang."
"Kahit na nauna pa rin akong lumabas kesa sa iyo." Then Airis poked mons forehead. Kung ganun kambal pala silang dalawa kaya pala magkamukhang magkamukha sila.
"Oo na PO." Mom said tinalikuran ito.
"Saan ka pupunta?" Hindi siya sinagot ni mama sa halip ay lumipad lang ito palayo at sinundan din siya ni Airis. Tumayo din ako at sinundan sila kung saan sila pupunta.
Lumipad pababa si mama at ganun din ang ginawa ni Airis. Yumuko si mama na parang may dinampot hindi ko iyon masyadong nakita dahil nakatalikod sila sa akin. Naglakad ako palapit sa kanila hanggang nasa harap ko na sila. I tried to touch my mom pero tumagos lang ang kamay ko. Nanlumo ako sa nangyari gustuhin ko man siyang hawakan,hindi pwede.
YOU ARE READING
DevAngel ~~ [ON-HOLD]
FantasyA story of a devil and an angel. Posibleng bang mawala ang galit nila sa isa't isa at mainlove? o Habang buhay na silang magiging magka-away? and What if ang word na "FATE" ay may ibang plano sa kanila? Makakayanan ba nila ang mga mangyayari? Well t...
![DevAngel ~~ [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/15324520-64-k64678.jpg)