Chapter 7
Bumuntong hininga ako habang kinakain ang chicharon na galing pa kay Wyatt. Yakap-yakap ko ang bag habang hawak naman ang supot ng chicharon. Napa aga ako ng pasok, masyado atang malaki ang nilaan kong oras para mag drive papunta sa school. Halos wala pang tao sa room, wala pa tuloy akong kausap.
Nakakrus ang aking binti habang nakasandal sa upuan, unti-unti nang nag pasukan sa classroom ang mga kaklase ko, mabuti naman. Di kalaunan ay pumasok na rin si Gabi.
Ngumiti ito at lumapit na saakin, ngunit ang mata niya ay napunta sa hawak kong pagkain.
"Ano 'to?" hinablot niya iyon sa kamay ko at binasa ang nakasulat sa supot.
"Hoy!" saway ko.
"Vigan Chicharon." basa niya.
Ilang segundo itong natahimik bago makahulugang tumingin saakin. Gusto ko siyang taasan ng kilay o sungitan, pero napaiwas nalang ako ng tingin.
Teka, ba't parang naguguilty ako? Wala naman akong ginawa o tinatago ah.
"Galing kang Vigan?" pamimilosopo niya, alam niya namang hindi. At alam ko rin, na may ideya na siya bakit meron akong ganyan.
"Oo." pagsakay ko sa kanya.
"Tss. Inuwian naman pala ng pasalubong. Wag ka na daw kasi magtampo." pang aasar niya, ito nanaman tayo sa ka aga-agang pangungulit ni Gabriella.
"Pinagsasabi mo? Anong tampo?" Umayos ako ng upo at tumikhim.
"Na busy nga kasi sa competition sa Vigan, isip mo agad hindi na nagparamdam e." nagpamewang pa ito.
Nagpasukan na ang iba naming kaklase, kasama roon sila Pio kaya umingay na ang klase.
"Oy! Pio!" tawag sa kanya ni Gabi, mabilis naman itong lumapit sa amin.
"O, bakit?" inilapag niya ang bag sa mesa ko.
"Binigyan ka ni Wyatt ng pasalubong? 'Di ba, nagchat ka sa kanya?" tanong ni Gabi.
"Hindi nga ako nireplyan, wala namang binigay." natatawa niyang sagot.
"Talaga ba?" bumaling muli saakin si Gabi at tinignan ako ng kakaiba.
Wala akong ibang nagawa kundi manahimik. Hindi ko rin alam ang isasagot, oo nga at si Pio ang nanghingi ng pasalubong sa kanya. Bakit ako ang binigyan?
"Bakit mo natanong?" si Pio.
Ipinakita sa kanya ni Gabi ang hawak na chicharon, nanliit ang mata nito habang binabasa ang nakasulat.
"Dinalhan ka ni Wyatt?" naguguluhang tanong ni Pio.
Umiling-iling si Gabi at inilahad ang kamay sa direksyon ko, lalong nang aasar.
"Si Inah?"
"Sa kanya 'to." sagot ni Gabi.
"Oh! Buti ka pa nabigyan, nagchat ka rin sa kanya? Hindi niya siguro nabasa ang akin." natatawang baling niya sa akin.
"H-Hindi ako nag chat..." halos ibulong ko iyon.
Naiwan sa ere ang tawa niya at natigilan.
"Ha?"
"Bakit ka niya binigyan kung ganoon?" habol niya pa.
Nagkibit balikat lang ako at sinamaan ng tingin si Gabi. Kung ano-ano nanamang pumapasok sa isip niya, pag ako naissue kay Wyatt lagot talaga sa akin 'tong babaeng to.
Nagkatinginan sila dalawa at parang nag uusap sa tingin. Maya-maya pa ay nakabawi na si Pio, at parang naiintidihan na ang ibig sabihin ni Gabi.
Bahala sila diyan.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...