Chapter 40: Riot

369K 14.2K 5.8K
                                    


Nate's POV


Nakapaikot ang mga estudyante at mukhang may nangyayari sa gitna. Kaya kahit sobrang sikip ay nakigitgit kaming apat. Kung sinu-sino na ang natutulak ko makadaan lang.

Nang makarating kami sa harap ng mga nakikiusyoso, nakita ko si Piper at Hunter pati ang isang lalaki sa gitna.

"Gago ka ba?" sabi ng isang rebel.

"Magsorry ka," inis na sabi ni Hunter.

"Bakit ba pinagpipilitan mo? Nabunggo ko siya, nalaglag ko libro niya, nasira ko ibang pahina at naapakan kita kaya natapon ko ang hawak kong inumin sa 'yo. Ano naman?"

"Are you nuts? Ano naman? You ask us ano naman? What if gawin namin lahat ng 'yon sa 'yo then we'll ask you, ano naman? Matutuwa ka ba? Just say sorry. It isn't a big deal. Nag-iinarte ka lang. Kung nag-sorry ka na simula pa lang then we're done here."

Minsan talaga hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ako sa pagiging palaban nitong si Piper eh. Lalaki 'tong inaaway niya. Liit liit niya kapag pinatulan siya nito baka masaktan lang siya.

"It's you who's making a big deal out of this, Pipes. Pwede namang palagpasin nalang pero ayaw mo. Sabagay, you always want to get into trouble. Feeling mo kasi forever bida ka. Feeling mo you're so important. News flash, girl. Feeling mo lang 'yon. The world doesn't revolve around you."

Masyado talagang mapapel 'tong si Elle. Kung hindi lang talaga 'to babae.

"Oh, you're here pala. I haven't noticed you, hindi kasi importante existence mo. Anyway, since you're badly craving for my attention, bibigay ko sa 'yo 'yon." She smiled sweetly at her pero halatang iba ang nasa utak niya. "Stay out of this, bitch. We're not even talking to you. Feeling mo na naman kasali ka? No, you're not. We don't need you here. Get a life. Hindi 'yong nakikisali ka sa ibang gulo. Get lost."

"Bitch."

Sasampalin niya si Piper kaya lang masyadong mabilis ang pangyayari kaya nakita ko na lang si Hailey na nasa harap ni Piper at hawak ang kamay ni Elle.

"You don't even have the right to talk or touch any of us. Ikaw 'tong sumasamba sa rule and you yourself just broke it."

"You're a nobody. Lumayas ka nga dito. Hindi ka naman - "

"I'm her bestfriend. No one messes with my bestfriend."

"Oh, really? Matatakot na ba dapat ako? Ooooh. So scary." Tumawa pa siya at mas lumapit kay Hailey, "Don't act so heroic and all. Admit it, loser.. nagtatago ka lang sa likod ng mga kaibigan mo kasi hindi mo kaya ng ikaw lang."

"Ikaw ba ang pinag-uusapan natin dito? Huwag mo namang patamaan ang sarili mo." Napangisi si Hailey at saka tinaasan ng kilay si Elle, "Ikaw ang nagpapakabayani sa pagprotekta sa rule na sinasamba mo. Ikaw ang talunan kaya gumawa ka ng paraan para mapabalik kami sa kaniya kaniya naming grupo. Ikaw ang nagtatago sa likod ng grupo mo kasi hindi mo kayang mag-isa. Kapag wala ka sa grupo mo, wala ka. Ay, teka lang. Ganoon ka pa rin nga pala 'di ba? You're just a nobody acting so high and mighty."

"What the - "

May pumunta ulit sa gitna na isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang pumalit na leader ng Nerds.

"Sayang ka, Hailey. Tinatapon mo ang future mo para sa mga taong 'yan?" tiningnan niya si Piper at Hunter na parang nandidiri. "May ginawa ba kaming hindi maganda para umalis ka sa grupo? Or are you just really dumb to choose them over us? Para kang pumili ng bato kahit diamonds na ang mga nasa harap mo."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon