TOTS 9

2.4K 70 12
                                    

Chapter 9

"Wyatt! Wyatt!"

"Go! Tonjuarez! Sure ball na 'yan!"

"Candidate no. 4! Fighting!"

'Yan ang narating ko pagpasok ko ng hall, dito kasi ginaganap ngayon ang Mr. and Ms. Monroane pageant. Medyo na-late pa ako dahil naipit pa ako sa traffic, at muntik ko pa nga naiwan ang mga dadalhin ko.

Punuan rito ngayon, kaya nahirapan rin ako maghanap ng pwesto. Gusto ko sana sa medyo harap, para kita niya ang gawa ko. Kaso ay sa medyo gitna na ako nakakita ng pwesto.

Sabay-sabay ang hiyawan ng tao, pero ang pinaka maingay ay ang pangalan ni Wyatt. Imbis na umupo ako sa monoblock ay umakyat ako roon at doon tumayo. Nakatayo rin naman ang ibang nanunuod, at pag sa sahig lang ako tumayo hindi niya makikita ang dala ko.

Nang makapwesto ako ay inilabas ko na sa tote bag ang dalang banner. Hinawakan ko ang dulo noon ay hinayaan ito umunat mag isa. Itinaas ko iyon at halos matakpan na ang mukha ko. Malaki ito, mahigit isang yarda ang sukat ng canvas, na binili ko pa sa divisoria.

Kagabi ko lang ito pinaint. Kaya napuyat rin ako dahil pinatuyo ko pa, 'yon din ang dahilan kung bakit ako na-late kanina ng gising.

Walang nagpapatalong Tonjuarez! Ipakita mo kung sino ka!

-Wyattloversclub

'Yan ang nakalagay sa banner, itinaas ko pa iyon para makita niya. Nakatayo ang mga ang contestants sa stage ngayon at nag aantay na ng q&a.

Tinignan ko si Wyatt, at parang hindi mapakali ang mata niya. Kung titignan mong mabuti, parang gusto niya ng umuwi. Parang wala doon ang isip niya, huy! focus ka!

Inilibot nito ang mata niya, nang makita kong palingon na siya sa pwesto ko at itinaas ko pa ang banner at halos matakpan ako ng tuluyan. Ilang segundo ay ibinaba ko rin iyon, nahuli ko siyang binabasa ang nakasulat roon.

Unti-unti kong ibinaba ang banner para makita ang mukha ko, when he saw me and our gaze matched, he looked a bit shocked and widened his eyes. When he realized it was me, holding the big banner, a smile crept on his face. I mirrored his smile and waved at him.

Lumiwanag ang mukha nito at tumango saakin. I even mouthed 'fighting' to him. Para namang nabuhayan na ito ng loob, kanina kasi para siyang lantang gulay. Buti nalang ang gwapo, nadadala siya ng mukha niya. Kung hindi ay baka minus points na siya sa judges.

Mas lalong lumakas ang hiwayan nang mag announce na simula na ang q&a. Hindi ko tuloy alam kung kinakabahan ba ako, o excited. Dahil alam ko namang mani-mani lang ni Wyatt 'tong q&a. Pag dating sa labanan ng utak, wala na atang lalamang diyan.

"We'll now proceed to our question and answer portion! Are you all excited?!" hiyaw ng host sa stage, mas umingay naman ang mga tao.

"Mukhang ready na ang lahat! For our first question and answer contender, hahayaan natin ang wheel of furtune ang magdedecide!"

Ipinaikot na ng MC ang wheel of furtune na may mga pangalan ng contestants. Halos matigil ang tibok ng puso ko nang bumagal ang ikot noon at tatapat na sa pangalan ni Wyatt.

Lahat ng tao ang hindi matigil sa kasisigaw, at nang huminto na iyon at tuluyan nang tumapat sa pangalan ni Wyatt ay dumadugdong na ang buong hall. Parang lahat ay excited na si Wyatt ang sasagot, dahil alam ng lahat ang kakayanan niya.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon