Kabanata 36

1.9M 46.4K 29K
                                    

Pasintabi sa mga nag aabstinence. Kailangan ito ng patnubay ng magulang kahit hindi naman masyadong ganun pero in case sa mga ma ooffend, sige, SPG. hehe.







------------------


Kabanata 36

Habang Buhay

Nagsimula na ang preparation sa 18th birthday ni Jacob. Kitang-kita sa buong Alegria ang estado ng buhay nila. May ilang pagkain at regalo akong nakita sa bahay nila kahit bukas pa naman talaga ang birthday niya. Meron doong mga galanteng regalo. May lechon pa nga doon galing daw sa Yu's Family (ibig sabihin kina Leo).

"Lika na!" Dumating si Jacob ng naka sakay sa isang itim na kabayo.

Naglahad siya ng kamay habang natatawa sa reaksyon ko.

Napalunok ako, "Ayoko!"

"Bakit? Sabi mo sa farm diba? Di tayo maglalakad. Kita mo naman yung langit, mukhang uulan pa. Lika na!"

Napatingin ako sa langit at napalunok ulit. Alam niyo namang ayaw kong ni hawakan ang kahit anong parte sa katawan ni Jacob pero nananadya yata siya ngayon.

Ngumisi siya at napatingin ulit ako sa nakalahad niyang kamay.

"Ano? Kaya mo bang sumakay ng isa pang kabayo?" Sabay turo niya sa iba pang kabayo nila malapit naman sa iilang kambing.

Matinding katahimikan ang narinig ko. Apak lang ng kabayo at ang 'Mehehehe' ng kambing ang naririnig. Matipuno talaga siya at mukhang prinsipe lalo na ngayong nakasakay siya ng kabayo. Para bang natural sa kanya ang pagsakay ng kabayo. Naka t-shirt at shorts lang din siya. Naka racerback at shorts naman ako. May dala din akong backpack kung saan nandoon ang laptop at ilang libro para sa thesis namin.

Bakit ko pa kasi naisip na sa farm pa nila?

"Ano, Rosie? Natatakot ka?" Naging seryoso ang mukha niya.

Hindi ko alam kung ba't niya naitanong yun. Hindi ko alam kung bakit agad akong kinabahan sa tanong niya.

"Di ah!" Sabi ko at inilahad ang kamay ko.

Ngumisi siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko saka ako sumakay sa kabayo. Nasa likuran niya ako.

"Dapat lang kasi ako naman ang kasama mo. Kapit ka lang."

Nagsimulang tumakbo ang kabayo pero di parin ako kumakapit sa baywang niya.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon