TOTS 11

2.2K 50 1
                                    

Chapter 11

Dumaan na nga ang finals at mukhang nagbunga naman ang pag aaral ko. Dahil naipasa ko naman lahat, hindi nga lang ganoon kataasan ang scores ko. Ang mahalaga, graduate na ako ng junior high.

At nagkatotoo nga ang plano kong tumuloy ng HUMMS, ngayon tuloy ay halos wala akong makasama o makausap dahil nasa STEM si Gabi, ganoon rin si Wyatt. Ang kasama ko lang sa klase at si Yara at Hannah, maliban sa kanila ang wala na akong ibang kilala.

Idagdag pa na, bihira ko lang rin sila makasama. Dahil si Yara ay lagi kasama si Caden. Si Hannah naman ay may iba rin na mga kaibigan. Kaya ito ako ngayon, nakatulala at tahimik mag isa.

"The creative nonfiction is focusing on formal elements and writing techniques, including autobiography and bloggings, etc. The subject also introduces it in a creative and literary form." paliwanag ng teacher namin sa harap.

Kung bakit nataon pang ala-una ng hapon ang subject na 'to. Mas lalo tuloy akong inaantok, mabigat na ang talukap ng mga mata ko. Gusto ko na lang matulog.

Kung nandito siguro si Wyatt, masama na ang tingin niya sa akin dahil hindi ako nakikinig.

"Before I end our meeting, I would like to give you some good news. Para rin magising ang klase na 'to." dugtong nito.

Napa ayos tuloy ako ng upo, at humarap sa kanya upang mapakinggang mabuti ang sasabihin niya. Good news? Ano naman 'yon? Walang pasok ng isang linggo?

"We'll be conducting a field trip for two days!" masaya niyang anunsyo.

Naghiyawan ang ang kaklase ko, ang mga iba ay nag tayuan pa. Nanlaki ang mata ko, field trip?! Ibig sabihin walang klase? At makakalabas pa ako?!

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko, ganito dapat! Matagal na sana nilang ginawa ito, e'di masaya sana lahat!

"The location is north. The school will announce further details, so prepare and ask for your parent's permission. Class dismiss!" nag paalam na ito at lumabas na ng klase.

Hindi pa rin natitigil ang sigawan ng mga kaklase ko, kahit ang ibang mga sections ay naghihiyawan narin sa kanya-kanyang classroom.

Tumayo na ako at lumabas na ng klase para pumunta sa cafeteria. Breaktime na at malamang pupunta roon sila Gabi, excited na ako!

Nakakasama naman ako sa mga field trip dati nung junior high, pero around NCR lang rin iyon. Walang thrill, ngayon ay north daw! At pakiramdam ko mas masaya 'to dahil dalawang araw!

Nakaabot na ako ng cafeteria, at hinanap sila Gabi. Natagpuan ko silang nakaupo sa mesa malapit sa may counter. Naroon na sila Gabi, Hannah at Trio. Pati si Wyatt ay nandoon na.

Magiliw akong naglakad at lumapit, tumabi na ako kay Gabi. Nasa harap ko naman si Wyatt na tahimik lang at parang may iniisip.

"Nabalitaan niyo na ang field trip?" bungad ko agad nang makaupo.

"Oo, sasama ka Inah?" tanong ni Dan. Tumango ako sa kanya.

"Oo naman! Papaalam na ako mamaya. Ikaw?"

"Sasama rin! Makakagala na rin sa wakas!" sagot niya, nagtawanan kami.

"Mukhang sasama naman lahat e, hindi ba? May hindi ba sasama sa atin?" singgit ni Gabi.

"Wala ata?" si Pio.

"Ikaw Wyatt? Sama ka?" tanong naman ni Amiel, natigilan kaming lahat at napatingin sa kanya. Kanina pa siya hindi kumikibo.

Umangat ang ulo nito at bumaling sa amin, nagtama pa ang mata naming dalawa.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon