Chapter 13
Naglalakad na kami papunta sa parking nang mapagdesisyon na namin umuwi, madilim na rin at palubog na ang araw. Busog na ako, kaya itatapon ko na sana ang palamig na hawak ko.
"Saan ba basurahan dito? Tatapon ko na 'to." tanong ko kay mister president.
Nilingon naman niya ako agad, baka sakali lang na alam niya dahil incharge naman siya sa pagpapalago at pananatiling malinis ng school namin.
"Ayaw mo na?" tanong niya, tumango ako.
"Busog na." sagot ko. Nilibot ko ang paningin dahil naghahanap ako ng matatapunan, nang hablutin niya iyon sa kamay ko. Agad akong napatingin sa kanya, akala ko itatapon niya pero nanlaki ang mata ko nang inumin niya iyon.
Sa gulat ko ay hindi ako nakapag salita agad, straw ko iyong gamit niya! "Hoy! Nainuman ko na 'yan!" saway ko sa kanya.
"Alam ko?" pangbabara niya.
"Ayos lang sa'yo?" taka kong tanong.
Kumunot ang noo niya, "Bakit? May sakit ka ba?"
"W-Wala..."
"Then it's fine, wag ka maarte." sagot niya at iniwan na ako. Nakatayo lang ako doon at natameme sa sinabi niya.
Ako pa maarte? Siya lang naman iniisip ko.
Sumunod na ako at hinabol siya sa paglalakad.
Kumatok ako muli sa pintuan, nakailang katok na ako wala paring nagbubukas. Nandito nanaman ako sa broadcasting room nila Wyatt, hindi nanaman kasi siya pumasok. Kaya alam kong nandito siya. Pero wala naman akong sadya sa kanya ngayon, palusot ko lang rin na si Wyatt ang dadalawin ko.
Lumiwanag ang mukha ko nang bumukas na ang pinto, pero imbis na si Ford ang magbukas ay ang busangot na mukha ni Wyatt ang sumalubong sa akin. Nakakunot ang noo nito, at mas lalong nalukot ang mukha nang mapagtantong ako ang nasa harapan niya.
Pero imbis na ipakitang dismayado ako, ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"Hi!" masigla kong bati.
"What are you doing here?" masungit niyang tanong.
"Dinadalaw ka?"
Lalong nag salubong ang kilay niya. "I told you not to visit me here again. Go home." saad niya at sasaraan na sana ako ng pinto pero hinarang ko ang katawan roon. Ang kalahati ng katawan ko ay nasa loob na.
Nanlaki ang mata niya at asar na tumingin sa 'kin.
"Eanah!" saway niya.
Lalo kong nilaki ang ngiti ko. "Papasukin mo na ako, sige na..." pagpapaawa ko sa kanya.
Pero parang alam niya na ang pakay ko, at hindi umepekto ang pagpapaawa ko. "Wala siya rito, umuwi ka na." walang gana niyang sagot.
Ngumuso ako. Ang bilis naman makaramdam nito.
"Aantayin na lang kita." pilit ko pa.
"Why?" halatang naaasar na siya, lalo niyang hinigpitan ang hawak sa pinto kaya halos maipit na ako.
"Masama ba? Sabay tayo uwi." depensa ko, napakagat ako sa ibabang labi dahil naiipit na talaga ako.
"Akala ko ba si Ford ang sadya mo, bakit ako ang aantayin mo?"
"Wala naman akong sinabing siya ang aantayin ko umuwi?" balik ko sa kanya.
Pinagdikit ko ang dalawang labi at sinubukan muling magpaawa. "W-Wyatt... Hindi na ako makahinga.." bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...