Chapter 14
Tumambol ang puso ko nang mapagtantong nasa ilalim na rin ako ng tubig. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Wyatt.
Pero hindi iyon ang iniisip ko ngayon, kundi ang maka-anggat rito at makaalis sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy!
Ilang beses kong sinubukang iangat ang sarili sa tubig pero lalo lang akong lumulubog! Paano ba kasi 'to! Nakakainom na rin ako ng tubig at masakit na rin sa mata!
Humanda ka sa akin mamaya, Wyatt Taddues!
Sa pangatlong beses ng pagbabakasakali ko ay bigla na lang akong umangat. Hindi dahil sa nakuha ko na kung paano, pero dahil may kamay na humigit sa bewang ko para maiangat ako.
Napakapit ako sa braso niya, at nang idilat ko ang mata ko ay nasa harap ko na ang mukha ng salarin kung bakit muntik ako malunod.
Nakayakap ang braso nito sa bewang ko para hindi ako lumubog ulit, nang mapagtanto ko ang posisyon namin ay binitawan ang hawak sa braso niya at nagpumiglas. Dahilan para muntik akong lumubog ulit.
"Eanah!" sita niya.
Hinarap ko siya at sinuntok sa braso. Kung hindi niya lang ako hawak ngayon baka sinakal ko na siya!
"Bakit mo ako hinila?! Hindi ako marunong lumangoy!" sigaw ko sa kanya.
"I was just teasing you, and besides I am just beside you hindi ka malulunod."
Pinanliitan ko siya ng mata, gusto ko siyang itumba ngayon. "Kahit na! Paano kung hindi mo ako nahila agad? At nakainom na muna ako ng maraming tubig? E'di nalunod nga ako!"
"Eanah, you were under water for just five seconds." mahinahon niyang paliwanag.
Nanlaki ang mata ko, at napalunok. Five seconds? Limang segundo lang 'yon? Bakit pakiramdam ko ang tagal kong pinilit lumangoy?
Nag init ang pisngi ko sa harap niya, bakas ang pag silay ng tawa sa bibig niya. Nagtagis ang ngipin ko, tuwang-tuwa pa!
"Ibalik mo na ako sa taas!" reklamo ko at hinampas siya.
"Wait." dinala niya na kami sa gilid, at nang maabot ko ang hamba ng pool, ay bumitaw ako sa yakap niya agad at doon kumapit.
Pero hindi niya ako binitawan at hawak pa rin ang bewang ko, kahit tinalikuran ko na siya.
"Itataas kita." paalam niya, tumango naman ako.
"Mabigat ako ha—"
Bago ko pa siya masabihan ay naiangat niya na ako ng walang kahirap-hirap, tinulungan niya pa akong makaakyat ng maayos.
Matapos ay siya naman ang umakyat, na parang ang dali-dali lang sa kanyang gawin. Pinanood ko siya habang ginagawa iyon, kaya doon ko lang napagtanto na wala pala siyang pang itaas na damit! Kaya pala ang init sa pakiramdam kanina nang nasa tubig ako.
Nanlaki ang mata ko, ngayon ko lang siya nakitang topless! Lalo tuloy lumitaw ang pagiging maputi niya, idagdag pa ang pamumula ng balat niya dahil nabilad siya sa araw.
Bumaba ang mata ko sa katawan niya, sa fitted na t-shirt niya lang sa school ko nakikita ang hulma ng katawan niya. At sinasabi ko, mapanlinlang iyon. Dahil, ibang-iba ang katawan niya pag walang suot!
Hindi ko alam na ganito ka pulido ang hulma ng katawan niya! Simula sa dibdib hanggang sa braso, hanggang sa... nagtama ang mata naming dalawa. Bumaba ang mata niya sa bibig kong kanina pa pala nakaawang, sinara ko iyon agad at tumikhim.
Inilayo ko ang tingin, at natanaw ang iilang mga babaeng papunta sa pwesto namin. Parang naging matanglawin ang mata ko, at napagtantong may sadya ata silang i-sight seeing dito.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...