Malayo pa ako sa waiting shed ay tanaw ko na ang snobber na lalaki na naghihintay ng masasakyang tricyle. Ngunit sa pagkakataong ito ay may kasama siya. Pagkalapit ko ay natigilan ako nang makilala ko kung sino ang lalaking katabi niya.
Si Phillip? Iyong crush ni Julie?
Ngayon ko lang nalaman na ka-barangay ko pala siya.
Sumulyap siya sa akin at ngumiti bilang pagbati. Ngumiti ako pabalik bago dumako ang tingin ko kay Mr. Snobber na tila hindi ramdam ang presensya ko. Kaano-ano kaya nila ang isa't isa? Magkaibigan ba sila? Pero parang may similarities eh. Baka magpinsan?
Palihim akong sumulyap sa ID na suot nila, muntik nang manlaki ang mga mata ko sa harap nila nang mabasa ko ang kanilang buong pangalan na nakasulat rito.
Phillip A. Chavez
Gian A. Chavez
Magkapatid sila?! Woah.
Kaya pala nagtaka ako noong isang araw bakit parang pamilyar sa akin si Phillip. Itong si Mr. Snobber— este, Gian pala ang natatandaan ko sa itsura niya. Walang dudang magkapatid nga sila. Magkaiba nga lang ng ugali dahil mukhang masayahin at approachable si Phillip pero itong si Gian, may galit yata sa mundo. Laging walang ekspresyon ang mukha niya.
Naudlot ang pagsulyap ko sa kanila nang may tumigil na tricyle sa harap namin.
"Isa na lang ang kulang," sabi ng driver.
Sumilip ako sa pasahero na nakasakay at bigla akong natuwa nang makita kung sino iyon. Abala ito sa cellphone na hawak niya kaya hindi niya ako napansin.
"Julie!" tawag ko.
Umangat ang tingin niya sa akin at napangiti siya nang makita ako. "Anne, halika!"
Nang mapansin niya kung sino ang katabi ko ay nanlaki ang mata niya at tila mapupunit ang labi niya sa paglawak ng kan'yang ngiti. "Phillip?"
"Julie? Ikaw pala iyan. Good morning," sabi ni Phillip habang nakangiti at kumaway pa sa kan'ya.
"Good morning! Mauna na kami ni Anne ha?" paalam ni Julie, kaya sumakay na ako ng tricycle.
"Sure! See you later."
Napansin ko si Gian na pinapanood lang ang mga nangyayari at walang kibong nakatayo sa tabi ni Phillip. I guess, he's just the silent type. Nang makalayo na kami, nakatanggap ako ng iilang hampas galing kay Julie dahil sa sobrang kilig niya na nakausap niya ulit si Phillip. Kahit ilang araw silang magkasama dahil sa magaganap na election campaign ngayong araw.
"Para akong natunaw sa 'good morning' niya! Hindi ko alam paano ko nakakaya ang presensya niya kada meeting ng partylist namin. Marunong pala maging professional ng puso?" biro niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
"Paano na lang kung SSG officers na kayo?" tukso ko pa pero nagsisi agad ako nang makatanggap na naman ako ng hampas.
"Jojowain ko na!" saad niya habang kinikilig.
Napailing ako.
"By the way, kapatid ba niya iyong kasama niya?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo! Siya iyong sinabi ko sayo na kapatid niyang Grade 10. Bakit mo natanong?"
"Ah, wala. Akala ko kasi ay batchmate natin."
"Paano mo naman nasabi?" nagtatakang tanong ni Julie, na biglang ako ang pinagtuunan ng pansin.
"Feeling ko lang..." mahina kong sabi.
Makahulugan siyang ngumiti sa akin at mahinang pinisil ang aking braso. "Feeling mo lang o may feelings ka na?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ah!"
BINABASA MO ANG
Marahuyo
Teen FictionHave you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting breeze? Arianne Valerio never thought of that when she met Gian Chavez at the waiting shed. Their firs...