BorgRylle

4.9K 207 65
                                    

General POV

Pagkatapos ng special date nina Vice at Karylle, bumalik sila ng maynila kinabukasan at pumasok sa kani-kanilang trabaho.

Papasok ng kanyang dressing room si Vice nang may tumawag sakanya.

"Vice." ito ay si Direk Bobet.

"Direk, ano po yun?" tugon ni Vice.

"We need to talk."

"Tungkol saan Direk?" tanong ni Vice na may halong tensyon.

"Go to my office." tugon ni Direk Bobet sabay alis papuntang opisina nya. Sumunod naman si Vice.

Pagkapasok ni Vice, hindi na nag-atubiling magsalita si Direk Bobet.

"I saw your niece's tweet yesterday saying she's at the mall with her friends. Na-injured, Vice? Kailan ka pa nagsinungaling saakin?" sambit ni Direk Bobet na may tonong pagkadismaya.

"Wag ka nang magsinungaling, Vice. Just tell me kung saan ka pumunta kahapon." dagdag ni Direk Bobet.

"May pinuntahan kase ako direk." tugon ni Vice.

"Saan?!" usal ni Direk Bobet.

Hindi ko pwedeng sabihin na may girlfriend ako. Ayoko mapahamak si Karylle. Vice thought.

"B-binisita ko kase yung puntod ng tatay ko..." tugon ni Vice.

Tama Vice! Okay yan. Tay sorry pero promise babawi si Tutoy. Vice thought.

"Kahapon kase habang nagkekwentuhan sila Anne tungkol sa tatay nila.. nalungkot ako bigla. Namiss ko bigla yung tatay ko kaya naisip ko na bisitahin sya. Pasensya na Direk hindi ko nasabi agad. Ayoko lang na mag-alala kayo sakin..." tugon ni Vice habang nakayuko na naluluha.

Naawa naman si Direk Bobet kay Vice. Kaya nilapitan nya ito. Ang galing naman na Actor ni Vice, bigyan ng guilliermo!!!!!

"Vice, nandito naman ako bilang tatay mo. Sana sinabi mo saakin agad. Okay lang naman saakin na bisitahin mo sya eh." sambit ni Direk Bobet.

Niyakap ni Vice si Direk Bobet at humagulgol na. Tumingin si Vice sa taas at nagmouth ng "Tay sorry alabyu".

"Pasensya na Direk ha?" tugon ni Vice.

"It's okay. Just tell me where you're going and please be honest. Ikaw ang pinaka pinagkakatiwalaan ko dito Vice." - Direk Bobet, tumango si Vice at bumalik na ng dressing room.

Pagkabalik nya sa kanyang DR, pinahid nya ang pekeng luha nya habang nagsasalamin at ngumiti, "Maipagmamalaki ko rin na may girlfriend na ako. Promise yan."

*****

"Meeting dismissed. Thank you for your cooperation. I want this room to be cleared now, please."

Sinunod ng mga empleyado ni Karylle ang utos ng kanilang boss. Umupo sya sa swivel chair at tahimik na binasa ang daily report. Pumasok naman ng meeting room si Toni at umupo sa katabing swivel chair na inuupuan ni Karylle.

"Oh, nakabusangot ka nanaman Karylle. Ano nanaman bang problema?" tanong ni Toni.

"Wala naman. At tsaka nagbabasa ako ng report! Hirap pala pag boss no? Mas mahirap pa to kesa sa pagiging regular designer na magwowork lang pag may client. Eh etong CEO jusko lahat inaasikaso." tugon ni Karylle.

"Sa una lang yan! Alam mo, syempre hindi ka pa sanay kaya ganon! Masasanay ka rin. Ako nga eh, sobrang hindi ako sanay na pag dadaan ako sa hallway igigreet ako ng 'goodmorning ms vp.' oh diba? Sanayan lang yan girl." pangchecheer up ni Toni.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon