TOTS 15

2.2K 65 12
                                    

Chapter 15

Kinumpara ba niya ako sa aso?!

Napaawang ang bibig ko habang pinapanood sila ni Topi na maglakad at iwan ako roon mag isa. Anong problema niya? Bigla na lang ako nilait!

"Samang ugali nito." bulong ko at sumunod na rin sa kanila.

Iyon na ang huling labas namin ni Wyatt ng bakasyon, hindi na siya nagpaparamdam o nagyaya muli ng gala. Hanggang sa dumating na ang unang araw ng klase, ay hindi pa kami nagkikita ulit. Idagdag pa na hindi naman kami magkaklase kaya mas imposibleng magkrus ang landas namin.

"Nasaan raw si Wyatt? Hindi na naman sasabay?" tanong ni Dan kay Gabi.

"Wala e, first day naturingan may pinapagawa na naman ata sa kanya. Wala siya sa klase namin kanina." sagot nito at ininom ang softdrinks niya.

Ngumuso ako, simula nag senior high bihira na lang siya makasama sa amin, dahil mas tumambak ang mga pinapagawa sa kanya. Kahit ang simpleng, pagsasama-sama namin kapag kakain ng lunch ay hindi siya nakakasama.

"Ganoon ba? Inalipin na ata nila si Wyatt." inis na komento ni Amiel.

"Busy lagi iyong tao, wala bang nababanggit sa'yo? Inah?" tanong pa ni Amiel saakin, umiling naman ako. Paano may sasabihin, e hindi nga nagchachat.

"Busy? Iyon ba ang mukha busy?" singgit ni Pio, lahat tuloy kami ay napatingin sa direksyon na itinuro niya.

Nanliit ang mata ko, sa di kalayuan ay sabay na naglalakad si Wyatt at Caline papalabas ng cafeteria. Mukhang sobrang busy nila sa pinag uusapan nila, at ni hindi rin napansin na nandito kami.

Member ba ng student officers si Caline? Ba't magkasama sila? Akala ko ba busy iyong isa sa mga ginagawa sa student affairs? Ibang affair ata ang ginagawa?

"Gusto pa ba ni Wyatt si Caline? Sila na ba ulit?" naguguluhan na tanong ni Amiel, ang aasim ng reaksyon ng mga mukha nila ngayon.

"Gusto ba ni Wyatt iyon? Ang baba naman ng standard niya." komento pa ni Gabi, siniko ko tuloy siya.

"May sinasabi ba siya sayo, Inah? Sila na daw ulit ni Caline?" baling sa akin ni Pio, salubong na ang kilay niya.

Bakit ba ang invested nila sa lovelife ni Wyatt? Mas invested pa sa akin na bestfriend.

Umiling ako ulit. "Wala naman, tsaka malay ko. Matanda na siya, bahala na siya sa buhay niya." sagot ko, hinampas ako ni Gabi kaya napa aray ako.

"Hindi ka man lang nagseselos?" naiinis niyang tanong.

Kumunot ang noo ko, "Bakit ako magseselos? Para saan?" pagtataka ko.

Sumimangot ito at bumalik sa pagkain niya. "Wala na siyang oras sa atin, tsaka sayo. Tapos ay naaagaw na siya noong Caline na iyon! E, papalit-palit ng lalaki iyon."

"Ano ka ba, hayaan na natin siya kung diyan siya masaya. Matalino naman siya, hindi naman siguro siya papaloko. Tsaka anong agaw pinagsasabi mo." prente kong sagot.

"Bahala ka nga diyan! Binalaan na kita ha, nasa huli ang pagsisisi." tumayo na siya at niligpit ang gamit niya. Sumunod naman kaming apat at tumayo na rin.

Bakit ako matatakot? Alam niya naman kung kanino siya uuwi.

Hahanapin rin ako ng lalaking iyan pag naramdaman niyang wala ako lagi sa tabi niya, hindi iyon sanay na wala ako. Hindi noon kayang huminga ng mag isa.

Uwian na nang mapag isa na ako, dahil sinundo na si Gabi, sila Amiel naman ay may sarili ring sasakyan. Kaya mag isa akong naglakad papuntang parking, habang naglalakad ay pinaglalaruan ko ang strap ng aking bag. Ngunit natigilan ako nang mapansin ang pamilyar na lalaki.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon